Chapter 5

9.2K 222 10
                                    

         LIANA'S POV

" Congratulations nga pala Liana nakapasa ka sa scholarship program ng De Vega's university. Nakakaproud ka talaga girl." Ani ni lee. Kaibigan kong bakla.

Halos isang buwan narin simula noong nakasama namin si Samuel at ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang cofee shop pang part time dahil kinakailangan ko nang mag ipon para pang kolehiyo ko.

" Salamat."

Ngumiti ito atsaka nag thumbs up.

" Wc. Ano kaba pag nakapagtapos kana makakaalis ka narin sa wakas sa poder ng ninang mong abusado at sa anak nitong feelingerang frog." Ani nito na kinatawa ko.

Baliw talaga..

🌞🌞🌞🌞

Nakatayo ako sa harap ng De Vega's university at halos mapatanga ako sa mga kotseng nagdadaan sa harap ko.

" Excuse me."

Biglang may tumulak sa akin kaya napaabante ako.

Pagtingin ko sa tumulak sa akin ay napanganga ako.

Ang gaganda nila.

Tinaasan siya ng kilay ng mga ito kaya napayuko siya.

" What a coward. Hey. Are you new? You don't know how to cope up with your surroundings, are you?" Ani ng babae.

Tatlo silang nakatayo sa harap ko.

" I'm s-sorry I was searching for where the registrar's office might be." Sagot ko habang nakayuko.

" You must be kidding me? You don't have to block our way while searching for it. Why don't you just get fvcking lost. You're making yourself a pathetic barbaric---"

" What do you think your doing, Brittany?"

Naputol ang sasabihin nang babaeng nang biglang may isang baritonong boses ang narinig ko.

Alam na alam ko ang boses na iyon. Parang bumalik sa akin ang araw na iyon ang lalakeng.................

...........

....naglahad ng kanyang kamay upang tulungan akong makatayo at ang lalakeng nagbigay ng makabuluhang aalita sa akin.

Anong ginagawa niya rito?

" Hey honey, I'm sorry I'm late--"

" I'm not asking you where were you. I'm asking you why are you bullying a student first day of school." Naiinis na sabi nito.

Nakayuko parin ako at nakikinig lang sa nangyayare.

" Seriously Lucas? I am your girlfriend! You must be on my side not on that pathetic girl. She's making herself a loser." Pagtatanggol ni Brittany sa kanyang sarili.

Tama nga ako si Lucas nga...

Napakuyom naman ako ng kamay gusto ko nang makalayo sa gulong ito.

Nagulat nalang ako ng biglang nay humawak sa baba ko at itinaas ito upang makita ko ang paligid at ang taong nasa harap ko.

" What have I told you about woman stoop it's head? You must be brave at all times don't let anyone bring you down." Ani ni Lucas na kinatango ko nalang.

Napangiti ako..

" Salamat, Lucas."

Nginitian lang ako nito at tumango.

Nakatingin lang kami sa isat- isa ng bigla nalang may humawak sa buhok ko at hinila ito.

" Walanghiya ka! Mang aagaw ka na nga lang sa boyfriend ko pa itong para sayo!" Galit na galit na sigaw ni Brittany at pinagtulungang itulak ako ng mga kaibigan niya at pinagsasampal.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now