CHAPTER 13

7.6K 171 4
                                    


                LIANA'S POV

" Liana.." mahinang ani nito at hindi bakas sa pagmumukha nito ang pag-aalala na kinataka ko.

Hindi ba siya nag-aalala?

Nakita ko lang naman siya na nagmamaneho ng isang magarang kotse.

Paanong ang isang tulad niya ay nagkaroon ng ganitong sasakyan?

Matuwid lang ang kanyang emosyon.

" Fred? Paanong-- nakapagdrive ka nang ganyang kotse? Hindi ba ay isa ka lang scholar?" Tanong ko.

Tumingin lang Ito sa mga bagahe ko na nasa gilid at humarap sa akin at pinagaspas ang kamay na parang pinalaalis ako.

Kumunot lang ang noo ko.

Hindi na nga sinagot yung tanong ko hindi paaalisin pa ako.

Sana pala hindi nalang ako gumawa ng pangbuwis buhay na aksiyon para lang may tumulong kung hindi rin naman ako tutulungan.

Napasimangot ako..

Huminga nalang ito ng malalim ng makitang napasimangot bago umatras.

" Sige na wag mo na akong pagkaabalahan kaya ko naman ang sarili ko dito sa gilid ng kalsada at mamuhay. Wala namang nag -aalala sa akin, kahit totohanin ko nalang ang sinabi ni ninang na manlimos. Wag kang mag-alala hindi ko naman isusumbat sa iyo na kahit konti ay naging magkaibig----"

" Tama na ,ok? Pinapaatras lang kita dahil lalabas ako? Ang dami mo pang alam." Umikot pa ang mata nito.

Napangisi naman ako dahil umepekto ang pangongonsensiya ko. Gusto ko ng makapagpahinga kaya bahala ng magmukhang desperada.

Tinanggal na nito ang pagkakaseatbealt niya at lumabas.

Tumakbo naman ako palapit sa mga gamit ko at lumapit sa pinto sa kabila na binuksan niya.

" Salamat." Nakangiting ani ko at pumasok bago inayos ang seatbelt.

Sinara na niya ang pinto bago lumipat sa kabila at pumasok.

Habang nagbabyahe kami ay tahimik lang kami.

Napapaisip parin ako kung paanong ang isang tulad niya ay may magarang sasakyan.

Sa kabilang banda...

Nagpupuyos naman sa galit si Samuel habang sinusundan niya ang sasakyan na sinakyan ng kasintahan.

Napapadiin ang kanyang pagkakakuyom sa steering wheel at paminsan-mindmsan ay pinagpapalo ito para makontrol ang sarili.

Halos nanginig na siya sa kakahintay sa kotse niya sa labas ng bahay nito dahil hindi siya pinapayagang pumasok o makaalam man lang ang ninang at anak nito na sinusundo niya ito. Pero nang dumating ang oras na na nainip na siya ay lumabas na siya sa kotse niya at kinatok ang gate ng mga ito, only to find out na wala na ang kasintahan roon at mas namuo pa ang galit niya sa sinabi ng ninang nito.

" Yung batang iyon umalis na. Lalayo na daw siya dahil hindi na niya kaya ang makasama ka. May susundo daw sa kanyang lalaki na at sasama siya. Ewan ko ba sa batang yun, buti pa ang anak ko sobrang bait at ganda. Sasaya ka pag siya ang kasama mo."

Yun ang mga salitang pinaniwalaan niya.

Alam niyang maaring gawa-gawa lang iyon ng matanda kaya nagpigil muna siya ng kanyang galit.

Hinanap niya ang kasintahan at ang kanyang pagdududa sa sinabi ng ninang ng kasintahan ay napilitan ng paniniwala rito.

Kitang-kita niya kung paano buksan ng binata ang pinto para sa kanyang pag-aari.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now