CHAPTER 21

7.1K 163 8
                                    

" Just relax and grab your own Samuel De Vega.. Ayy wala pala kayo nun. Charoot. Keep safe ok krub?"
-MsAremge

CHAPTER 21

" Apo.."

Napatingin ako sa pinto ng biglang may tumawag sa pangalan ko, kasabay ng pagkunot ng aking noo.

Isang matandang babae na wari ko ay edad 60 ang pumasok. Napaka elegante ng damit nito at mukhang mayaman. Nasa likod si nanang at ngumiti ito sa kanya.

" Sino siya, nanang?" tanong ko. Protektadong agad na hinawakan ni Samuel ang aking kamay.

Ngumiti si nanang.
" Iha, ako'y aalis na muna. Kayo na muna ang mag usap at aalis na ako. Nalinis na namin ang bahay niyo noon at maari ka nang makapag pahinga pagkatapos. Magkita tayo mamaya. Paalam." ani ni nanang na hindi man lang nagbigay ng salita.

Nagtanguan sila nung bisita at ako'y nakatitig lamang rito.

Tumingin ang bagong dating sa akin.
" Liana Marquez? Right? " (a/n: I unfortunately forgot her surname or nabigyan ko na ba siya. Kaya yan nalang ahahah.)

Napatango naman ako.
" Sino po kayo?"

Tumingin ito sa akin na parang nangungulila.
" Matagal ko ng gustong makilala ka, apo. Lola mo ako. "

Nanlaki ang mata ko pero pinakalma ko ang sarili.

" S-siguro ho ay maupo muna kayo. Nakakagulat." ani ko nalang.

Agad naman umupo ang lola ko kuno sa kinauupuan ni nanang kanina at ngumiti sa akin.

" Hindi mo siguro ako kilala pero maniwala ka, matagal na kitang hinahanap. Ako ang lola mo..." napatingin ito kay Samuel na nakatingin dito.

Agad na tinignan ko ito at hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

He smiled a little then stand up.
" I'm going to take some walk outside, I'll be back for a minute. " ani ni Samuel at lumapit sa akin at pinatakan ng halik sa ulo.

" I'm going take care." ani nito.
" Salamat. Ingat ka. " sagot ko rito hanggang sa makalabas na ito.

Tumingin ako sa lola ko.
Ngumiti siya sa akin ulit.
" Boyfriend mo, iha? "

Nahihiya akong sumagot.
" Opo."

" Kung ganun at mabuti may nag alaga sayo habang magkalayo tayo. " ani nito.

Napatingin ako dito at nagtanong.
" About po sa sinabi niyo kanina, totoo bang apo niyo ako? Ang pagkaka alam ko ho ay namatay ang magulang ng nanay ko bata palang siya at hindi ko kailanman natanong si ama sa magulang niya. Wala po kaming kamag anak." ani ko rito.

Malungkot na ngumiti ito.
" Ipapaliwanag ko sayo ang lahat ngayon.. "

Nagsimula mag kwento si Lola at paiba iba naman ang reaksyon ko,gulat, lungkot at pagkamiss.

" Kung ganun ay, nung nalaman niyong nakipag relasyon ang ama ko kay ina na isang karaniwang babae lamang ay hindi niyo matanggap kaya itinakwil niyo si ama matapos na piliin nito si Ina?"

Napakasaklap naman ng naging buhay ng magulang ko.

" Oo, pero pinagsisihan ko iyon apo, akala ko ay babalik ang anak ko pero lumipas ang ilang buwan ay hindi na siya bumalik. Nakapag desisyon ako na hanapin kayo at tanggapin nalang ang mama mo pero nabalitaan ko nalang na namatay silang dalawa at ilang taon pa ang lumipas nung malaman kong may apo pala ako. Patawarin mo ako apo at hindi ko nalaman agad ang tungkol sayo, napagmalupitan ka pa ng iyong ninang at anak nito.. " biglang hinawakan ng lola ko ang aking kamay at may pangungulila at pakikiusap na nag salita.
"... Pero ngayong nandito na ako apo, hindi na kita pababayaan pa. Sumama ka sa akin. Magbabagong buhay tayo ng magkasama, ipaparamdam ko sa iyo ang buhay na ipinagkait ko sa iyo. Isasama kita sa labas ng bansa, doon tayo maninirahan. "

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now