CHAPTER 17:

8.4K 187 5
                                    

             LIANA'S POV

Nagpupunas ako ng lamesa para matapos na at makauwi na ako.

Nais ko na sanang lumipat ng matitirhan nakakahiya na kasi kay Samuel.
Pero wala naman akong magagawa . Nandoon ang gamit ko at wala akong ibang malalapitan. Kakapalan ko nalang ang mukha ko at makitira sa kanya. Pansamantala lang naman.

Biglang tumunog ang phone sa bulsa ko. Oo may cellphone na ako... Ay hindi pala sa akin kay Samuel. Binigay niya sa akin. Madali lang naman daw siyang makakabili ng bago. Hindi ko sana tatanggapin pero naiinis ito kaya tinanggap ko nalang..

So kung susuumatutalin sa kanya ang tawag at hindi sa akin..

Kinuha ko nalang sa bulsa ito at binasa ang pangalan. Madali lang naman na matutunan to eh. Pero syempre hindi lahat pag unlock lang at pagtingin sa massages at pag accept ng calls.

Kuya calling....

Parang nakaramdam ako ng kaba kahit hindi ko naman alam kung bakit.

Parang gusto kong manlambot.

" H-hello." Panimula ko.

Matagal bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

" Come here in the  sampaguita street. Samuel was in rage. He was challenge by a gang with a fight. There are 50 of them while he is only one. Michael and Field is not in the scene so you need to stop him before he got bruised. He can't fight them all. "

Napalayo ko ang phone dahil sa lamig ng boses nito.

Ibinalik ko rin at tinatagan ang sarili ko.

Kilala niya ba ako? Bakit parang natakot ako.

Pero ano na naman ang napasok sa isip niya at makikipagbugbugan siya?!

Alam ng kuya ni Samuel na ako ang may hawak ng phone niya.

" P-po? Pero h-hindi naman siya susunod sa akin. Hindi po ba pwede na kayo nalang po.. Ang i-ibig ko pong sabihin k-kaptid niya naman siya siguradong s-susunod siya--."

" You know Miss I'm not going to involved myself into it. I could kill him myself if I will be the one to stop him so.. please you're his girlfriend and I know he will follow you."

Napatigil naman ako.

Ano ba naman toh? Samuel talaga.

" Papunta na po ako." Tanging nasabi ko nalang at ibinaba na nito ang tawag.

Napasandal naman ako sa mesa at binalingan si Lee.

Nagmomop ito sa sahig. Nahiya ako sa ginawa ni Samuel si kanya nong nakaraan. Pero sabi niya ay naiintindihan niya daw.

" Ahm.. Lee mauuna na ako ha? May pupuntahan pa ako eh." Ani ko at lumapit sa bag ko. Hinubad ko ang apron na suot ko.

" Hah? Baka hanapin ka ng boyfriend mo? I'm so scared pa naman sa kanya." Ani niya kay binalingan ko siya bago makalabas sa pinto.

" Siya ang pupuntahan ko Lee no worries."

____

Nasa isang poste ako at nagtatago at pinanood ang mga taong nagkukumpulan. Parang nais ko tuloy umuwi nalang dahil natatakot ako sa mga taong ito dahil lahat sila ay alam kung hindi normal lang. Sa mga suot nila alam kung mga mambubutang.

Napabaling ang tingin ko sa gilid at nanlaki ang mata ko ng makita si Samuel na nag-iisa madilim ang anyo nito at nakakuyom habang nasa harap niya ang mga grupo na nakapalibot sa kanya.

Kita ko siya dahil pinapaligiran man ay nakikita parin ang mga taong nagkukumpulan ay lumalayo at binibigyan ng pwesto ang magkalaban.

Ito ba ang ibig sabihin ng kuya ni Samuel? Gusto ba niyang mamatay?!

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now