CHAPTER 22

6.6K 168 9
                                    

5 months later..

" Wala ba kayong planong magpakasal iha?" tanong ni Mom Cindy sa akin.

Nandito kami sa mansion ng mga De Vega. Sinadya din ni ate Hannah na pumunta rito matapos na malamang may gathering silang mga girls.

Wala kasi ang mga asawa nila. Ang Dad ni Samuel nasa trabaho pati narin ang asawa ni ate Hannah, kaya napagdesisyunan ni ate Hannah na pumunta dito sa mansion kasama ang anak nila.

Si Samuel naman nasa school, gustuhin man nitong tumigil muna sa pga aaral para bantayan ang pagbubuntis niya ay di siya pumayag. Mas ok pa na ako nalang muna ang tumigil kaysa sayangin niya ang taon. Napahimas si Liana sa tiyan niya. Malaki na rin ito at malalaman na nila ang magiging Gender ng bata.

" Plano namin ni Samuel mom na mailuwal muna ang bata para naman mas maging kampante kami sa kalusugan ng dinadala ko."

Napatango sila.
" Oo nga naman." ani ni ate Hannah.

" By the way, diba ngayon ang punta niyo ng ospital para malaman ang Gender ni baby? Paano yan at nasa school pa si Samuel? Gusto mo kami na ang sumama sa iyo? " ani ni Mom Cindy kaya agad na umiling si Liana.

" Ok lang po at may usapan po naman kami ni Samuel, ayaw ko naman pong maabala kayo at may shopping pa kayo ni ate Hannah. Ok lang ho ako at hihintayin ko nalang po si Samuel baka magalit pag iniwan ko. " ani ko sakanila.

" Sabagay, dapat talaga si Samuel ang kasama mo. Pero baka mahuli na naman iyon at busy sa school niya, alam mo naman ang batang yun, noong nakaraang check up niyo hindi ba ay hindi siya nakasama dahil sa na okupa siya ng school works niya?" ani ni Mom Cindy.

Napa iling naman si Liana.
" Mom, ako naman po ang nagsabi kay Samuel na unahin niya muna ang gagawin niya at normal lang namang gagawin ang check up. Tsaka ngayong araw sure na po ito. Excited din po siya malaman ang gender ng baby. " paliwanag ko.

Napatango sila.
" Kung ganun ay ok sige, aalis na kami, sumabay ka na sa amin at ihahatid ka nalang namin sa University. " aya ni Mom.

Agad na umiling ako at kinuha ang bag ko.
" Sige lang po, may pupuntahan pa po ako bago pumunta sa University, nag k-crave po yung baby ko eh baka may matipuhan akong kainin. " ani ko.

" Kung ganun o siya sige, sabay na tayong lumabas at tatawag ako ng driver para maghatid sayo--"

"Wag na mom, mag ta taxi lang ho ako kasi may kotse naman si Samuel sa University lang naman po ako magpapahatid kaya sa taxi nalang ako sasakay."

"Sure ka? Marami namang pwedeng maghatid sayo na driver eh para safe."

" Ok lang po talaga, salamat mom."

" Kung ganun ay sige, halika na at tatawag tayo ng taxi para sayo."

😳😳

" Dito nalang po manong ito ang bayad. Salamat po." ani ko sa taxi driver tsaka agad na bumaba.

Agad kong itinakip ang tela sa katawan ko ng makitang nagsilabasan na ang mga estudyante at agad na nagtago sa isang  pwesto na hindi masyadong halata.

Nakita niyang lumabas sila Field at Micheal pero hindi nito kasama si Samuel at sumakay lang sa mga kotse nila at lumarga.

Nagtaka si Liana pero mas lumala ito ng lumabas si Samuel sa gate at may kasama itong babae, panay tawa ang babae at may ipinapakita ang kung anong bagay sa papel na hawak nito habang si Samuel ay napapatango. Hindi ito tumatawa pero hindi rin ito naiinis sadyang neutral lang ang emosyon nito.

" Walang hiya! Mukhang sasakay pa ang babaeng iyon sa kotse ah. Bwesit ka samuel nanlalandi ka!" inis na sabi ni Liana at nasasaktan na nilabas niya ang cellphone niya at tinawagan si Samuel.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now