CHAPTER 8

8.6K 212 13
                                    

            LIANA'S POV

" Para po."

Huminto ang sinasakyan kong jeep kaya bumaba na ako.

Napatingin ako sa sementadong daan na daan papuntang school. Kinakailangan pa nang mga kagaya kong nag co commute lang na lakarin ang sementadong daanan na ito para makapasok sa paaralan.

Talagang sinadya na ilayo sa daan na hinihintuan ng pampasaherong sasakyan dahil pribado ang lugar.

Inayos ko ang pagkakasabit ng shoulder bag ko at ang mga libro sa kamay ko bago naglakad.

Napapatingin ako sa mga nag gagandahang sasakyan na dumadaan sa gilid ko at napapangiti.

Ako kaya, kailan ako magkakakotse o magkakabike manlang para hindi ko na kailangang gumastos ng pamasahe?

'Heh! Ni cellphone nga wala ka!' sumbat ng utak ko na kinasimangot ko.

" Hey Love what took you so long?"

Napabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang iritadong boses ni Samuel.

Nasa harap na pala ako ng school gate hindi ko napansin.

Nakasandal ito sa kotse niya na iba na naman at nakatitig sa akin.

Napalapit naman ako sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito sa labas ng school? Bakit di ka pa pumapasok?" Takang tanong ko.

Tinignan naman ako ng masama nito at napasimangot na hinila ako palapit sa kanya at niyakap.

" Alam mo bang kanina pa ako naghihinatay sa iyo? Magpapa schedule talaga ako ng kagaya sa iyo. Parang ayaw ko nang pumasok sa school eh namimiss kita eh." Parang batang maktol nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Natatawa naman ako dahil parang bata kung magmaktol.

" Bakit ka ba kasi naghintay alam mo namang 9 pa ang pasok ko at sa iyo.... ......... Ano nga ulit oras ng pasok mo?" Tanong ko.

Umalis naman ito sa pagkakasubsob sa leeg ko at nakasimangot na tumingin sa akin.

" 8 to 12 pero plano kong nagpalit ng schedule kagaya sa iyo." Ani nito at bumalik ulit sa pagkakasubsob sa leeg ko.

Itinaas ko naman ang mukha niya at pinilit ipatingin siya sa akin.

" Papoproblemahin mo pa ang School ng dahil sa nais mo. Kung makapag plano ka parang may kasiguraduhan ah? Atsaka bakit ba kinakailangan mo pang humaya ng schedule ko?" Ako.

Ngumisi ito.

" Kiss ko asan na?" Demand nito na kinalaki ng Mata ko.

Manyak to ah?
Iba ang sinagot sa tanong ko.

" Mahiya ka nga! Kung makapag demand ka parang walang tao at may karapatan ka." Medyo inis kong sabi.

Napapatingin kasi sa amin ang mga estudyante at nagbubulong bulungan

Biglang nagbago ang mood nito at hinawakan ang batok ko at bigla niyang inilapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

Nagpipiglas naman ako ng idikit ako nito sa kotse niya. Hindi na ako makahinga at masakit na ang ulo ko sa pagkakadiin niya sa pagkadikit sa akin sa kotse at walang tigil na ginagalaw ang labi niya ng marahas.

Hinampas ko siya gamit ang mga kamay ko pero itinaas lamang niya iyon at pinagpatuloy ang paghalik sa akin ng marahas.

Napapaiyak na ako dahil parang bigla siyang nag iba at natatakot na ako sa presensiya niya.

Wla siyang karapatang gawin ito!!

Maya maya ay tumigil na siya at tinignan ako sa mata. Walang emosyong pinunasan niya ang luha sa aking mga mata.

" May karapatan ako sayo dahil pag aari kita. Boyfriend mo ako at girlfriend kita at bilang girlfriend ko nararapat lamang na gawin mo ang responsibilidad mo sa akin. I want you to kiss me every day pag nagkikita tayo ayaw ko nang pinapaalahanan ka pa. Ayaw kong makikipagkita at tumitingin ka sa mga lalake, ipapaalala ko lang sa iyo iba akong magalit kaya mag ingat ka. Tuwing umaga hihintayin kita dito at sabay tayong papasok, ipapabago ko ang schedule ko. Pero next week pa yun maaprubahan dahil masyadong maraming tanong si mommy at hindi ako basta basta ililipat non ng oras. Kaya hihintayin kita rito sa pagpasok at pag uwi mo. Ihahatid kita sa trabaho mo at hihintayin hanggang sa matapos ka. Hahanap ako ng trabahong mas madali at safe para sa iyo. Tuwing lunch ay sabay tayong kakain hihintayin kita sa labas ng klase niyo. " Mahabang sabi nito at nakatingin sa akin ng mariin.

Napalunok naman ako at natakot. Bigla biglang naging ganto siya.

Para akong napipi na nakatitig lamang sa kanya.

Nagulat ako ng hampasin niya ang kotse sa parte sa gilid ng ulo ko na kinapikit at ikinatulo ng luha ko.

" Pag tinatanong kita sumagot ka!! Ayaw ko ng pinaghihitay ako! Maliwanang ba ang lahat ng sinabi ko?!" Galit na ani nito.

Nakapikit at nakayukong tumango ako.

" Good. Halika na at may pasok ka pa." Ani nito at naramdaman ko ang labi nito sa noo ko at pag akbay sa akin para akayin ako papasok ng paaralan.

Lihim na pinahid ko ang luha ko ng makita ang mga estudyanteng napapatingin sa amin habang naglalakad sa kahabaan ng hallway.

Nagbubulungan ang mga ito pero hindi ko rinig.

Napatingin ako sa kamay ni Samuel na nakakuyom sa balikat ko.

Pagtingin ko sa kanya ay diretso ang tingin niya sa daan at lumalalim ang hininga nito.

" We're here. Sinasabi ko na sa iyo wag kang titingin lalo na sa mga lalake. Alalahanin mo ito... What a De Vega wants ,De Vega gets, in my vocabulary there's no sharing word." Madiing paalala nito.

Napalunok ako at parang walang kapasidad na magsalita na tumango.

Nagtataka man kung bakit nasali ang apelyido ng may-ari ng school.

Nasa labas kami ng klase at napapatingin ang mga kaklase ko sa amin. Hindi niya alintana ang mga mata ng kaklase ko na hinahanapan kami ng kasagutan.

Hinalikan ako nito sa noo at ibinaba ang mukha para halikan ako labi ng agad akong umiwas.

" P-papasok na ako." Mahinang sabi ko.

Napatingin ako sa kanya ng di siya sumagot at kita ko ang pagtiim bagang nito.

" Umiiwas ka na?.." naiinis na sabi nito at mayamaya ay napangisi." ...di bale may mamaya pa naman. Susunduin kita mamaya bago mag uwian at saka sabay tayo ng lunch wag kang uuna sabay tayo."

Napailing naman ako.

" H-hindi naman parehas yung schedule natin mamaya pang  ang labasan namin." Paliwanag ko.

Mamayang 12 ang labasan ni Samuel kaya malabo.

" I know what ways to do, love. Wag ka ng mag alala at pumasok na sa klase mo. Remember no staring or glancing at guys."

Napatango nalang ako at nagtatakbong pumasok sa klase.

Pagkaupo ko sa upuan ay nakita ko ang pagkaway nito at pilit na tinaas ka naman ang kamay ko at gumanti ng kaway.

Umalis na ito..

Ng mawala ito sa paningin ko ay napahinga ako ng maluwag.

Biglang pumasok ang guro namin na si Mrs. Len at siya ring pagpasok nila Joan at Fred.

Nginitian lang namin ni Joan ang isat isa pero si Fred dumiretso lang ng upo.

" Dahil second day na ninyo ngayong araw you need to know the rules in my class. Firstly I hate those students who are irrespectful."

Napahalukipkip ako at napaisip.

Parang habang mas tumatagal ay malaking problema ang maidudulot sa akin ni Samuel na kinakakaba ko pa.

Maari ko pa bang iwasan ang lahat ng pangyayaring ito kung sa isip ko ay alam kong grabeng atraksyon ang ibinaling sa akin ni samuel?

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now