CHAPTER 12

7.5K 173 6
                                    

              LIANA'S POV

" Class dismiss."

Nagsitayuan agad ang mga kaklase ko at kumalat agad ang air freshener sa piligid.

" Liana ok ka lang ba? Pansin kong kanina ka pa lutang. May nangyare ba?" Napatingin ako kay Joan at inilingan siya ng pilit.

Sa totoo lang ay hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko ang nangyari sa hideout nila Samuel.

" Wala ok lang ako." matipid ani ko lang.

Tumayo ako at inayos ang bag ko ng maramdaman ko ang yakap sa likod ko ang paglingkis ng kamay nito sa katawan ko at ang pagbaon ng mukha nito sa leeg ko.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kaklase ko at ang lagabog ng mga paa palabas ng room.

Pati si Joan ay umalis rin. So kami nalang ng taong nakayakap sa akin ang nasa room.

Ano pa bang ikinabago nito. Sa tuwing papasok ito ay magsisialisan talaga sila.

" Hi, Love. Alam mo ba, namiss kita. Kung alam mo lang kung paano ko kagustong buksan ang pinto niyo habang nagkaklase kayo at hilahin ka para itakas." Ani nito at hinalikan ang pisngi ko.

Napairap naman ako lingid sa kaalaman niya. Hindi ko talaga gusto ang pagiging clingy niya parang ayaw niyang magakahiwalay kami.

At kung makapagsalita ito akala mo walang ginawang kapangahasan sa akin.

" Bakit ka kasi naghintay sa labas? Alam mo namang una kayong umuuwi kesa sa amin. Bakit di ka nalang maghintay doon sa hide out?" Tanong ko.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at umiling-iling na parang bata.

" Ayoko, love. Baka kasi may mang-away sa iyo. I'm willing to wait for you." Seryosong Ani nito.

Napahinga nalang ako at kinuha ang bag ko bago hawakan ang kamay niya na nakapulupotsa akin at tangalin bago humarap sa kanya.

" Wala na akong magagawa. Halika na dahil may trabaho pa ako ng 7." Tanging sabi ko lang at tumango naman ito.

***

" Hoy babae. Wag kang magbabalak na kumain diyan!! Kung gusto mong kumain ay maghanap ka ng mapaglilimosan o kaya naman ay magtrabaho ka na!! Anong akala mo sa akin maid mo? Hoy ako ang nagluto niyan kaninang tanghalian, ang kapal ng mukha mo!!" Sigaw ni ninang habang nagpapaypay pa ng pamaypay niya.

Kakatapos ko lang kasi maglinis ng bahay at malapit na mag 7 at nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa naman ako nakakain ng maayos ng lunch dahil sa nangyari sa amin ni Samuel sa bahay-bahayan nila.

" Ninang gusto ko na po kasing kumain gutom na gutom po ako. Atsaka ako rin naman po ang bumili ng mga kinakain natin." Medyo inis ko ng sabi.

Tumigil naman siya sa pagkakapaypay ng kanyang pamaypay at pinalo niya ito sa aking ulo.

" Aray.. ninang tama na!!" daing ko pero parang  walang narinig si ninang at pinagpatuloy ang pagpapalo ng pamaypay niya.

" Sino ka para kuwentahin ang itinulong mo?! Kung sabihin ko sa iyo yang pagpapalaki ko sayo kulang pa yang sasahurin mo habang buhay. Kung hindi lang sana dahil sa mana mo hindi ka makakapag-aral. Ang pamana mo ay mapupunta sa amin kapag binuhay ka namin pero Mas gugustuhin ko pang ilibing ka kesa buhayin kung may pagpipilian ako.! Pero kung hindi dahil sa mana mo patay ka na ngayon!!" Galit na sabi ni ninang na ikinatigil ko maging siya ay napatigil rin.

Humarap ako sa kanya habang hilam ang luha.

" Ano po ang ibig niyong sabihin?." Parang nanghina ako.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) On viuen les histories. Descobreix ara