CHAPTER 16:

8.8K 196 10
                                    


                LIANA'S POV

" Liana sabay na tayo mag try out." Ani ni Joan na habang nasa library kami para gamitin ang free time namin.

Ibinaba ko ang libro na hawak ko  at hinarap siya.

Napahinga ako ng malalim.

" Magtatanong muna ako kay Samuel alam mo namang--"

"... Lahat ng desisyon mo ay kinakailangang may alam siya?" Patanong at may panunuyang putol niya sa sasabihin ko.

Napatangong napahinga ako ng malalim. Alam ko naman ang ibig niyang ipahiwatig.

" Alam mo Liana masyado nang nangingialam si Samuel sa buhay mo... Oppss baka may makarinig.. pero talagang ganun talaga ang naiisip ko Liana. Si Samuel masyado na siyang nagdodomina sa iyo na lahat ng nais mo may dapat kabahagi siya sa pagdedesisyon." ani nito na kinahalukipkip ko nalang.

" Haysss.. basta mamaya." Wika ko.

Bumalik na ako sa pagbabasa ng libro ng bigla nalang may lagabog na narinig ako sa gitna ng katahimikan ng silid-aklatan.

" Liana!!" Napahagip ang nanlalaking mata ko sa harapan ng marinig ang boses ni Samuel na parang galit. Nasa likod niya ang dalawang kaibigan na napapailing nalang.

Nakatayo ito sa likuran ni Joan na ngayon ay nakanganga.

" Samuel." Nasabi ko nalang.

Dali dali naman itong lumapit sa akin, padabog na umupo at iniyakap ang kamay sa bewang ko at nilagay ang mukha sa leeg ko kaya nakiliti ako.

Iniyakap ko nalang rin ang kamay ko sa kanya at tinapik tapik ang likod niya ng magsimula na siyang umidlip at nagsimula ng humilik.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya na ngayon ay napapailing nalang sa inasta ni Samuel.

" If you just knew he skipped our class just to be with you ang have some sleep. Dinamay pa kami.  Nalaman niya atang nandito ka sa library kaya aligagang pumunta rito. Napagod kasi yan masyado." Ani ni Field kaya napatingin nalang ako kay Samuel na lumalakas ang hilik. Hindi naman siya mapapagalitan dahil takot sa kanya ang librarian rito.

Hinaplos ko nalang ang buhok niya gamit ang isang kamay ko. Malambot ito sa kamay kay nagugustuhan kong gawin.

Ang bilis pang makatulog talagang pagod siya.










" Love, i heard that you're planning to have try out for volleyball later." napabaling ang tingin ko kay Samuel na ngayon ay nakaupo sa sofa habang nakadekwatro at nakatingin sa TV sa harap.

Ginising kasi namin siya kanina para malipat rito dahil ako abg nahihirapan sa posisyon niya pero imbes na matulog ay nakinood ito sa akin ng noon time show. Kumuha lang ako ng pagkain sa kusina at papaupo na ako ng magtanong siya.

Inilahad ko sa kanya ang isang plato ng spaghetti na tinanggap naman niya at sumubo.

Umusog ako palapit sa kanya at nagsimula ng sumubo ng pagkain.

" Oo. Kasi gusto kong maglaro if papayagan mo ako." Ani ko nalang at napatuon ang atensiyon niya sa akin.

Ibinaba nito ang hawak na pagkain at hinawakan ang pisngi ko.

" Of course I will allow you. I would love to see how you strike the ball and how hot you are while playing. " Saad nito na kinapula ko.

Kailangan ba talagang sabihin iyon?

" Feeling ko huhubaran mo ako habang nag t-try out ako." Wika ko at ngumisi naman siya at dinampian ng halik ang labi ko pero agad din siyang lumayo at tinitigan ako ng matiim na kinakunot ng noo ko.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora