CHAPTER 10

8K 205 3
                                    

LIANA'S POV

" Girl tulaley ka? May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Lee na okupado sa pagpupunas ng lamesa.

Wala nang masyadong kustumer dahil maghahating gabi na.

" Wala pagod lang siguro ako." Sagot ko nalang at lumapit sa ibang lamesa para tumulong magpunas at makaiwas na rin sa tanong ni Lee.

Hindi ko parin maalam alam kung bakit kinakailangan ni Samuel na saktan si Fred. Wala namang ginawa yung tao nakihiram lang ako ng pera dahil kinuha nila ninang yung pera sa wallet ko para sa allowance ko. Tapos isang libo ang nawala ng dahil sa pagpunit ni Samuel sa pera kung sana ay isang daan lang baka makayanan ko pang bayaran, isang daan lang naman kasi yung hihiramin ko pero isang libo pala ang ibibigay ni Fred. Nakapagtataka sa isang scholar na kagaya niya ang maglabas ng ganoon kalaking pera. Pero siguro ay pinagtabahuan niya iyon. Kailangan ko tuloy na mag ipon pang bayad sa napunit na pera.

Biglang tumunog sa pintuan na hudyat na may papasok. Si Lee ang malapit sa pinto kaya hindi nalang ako nag abalang lumingon pa at pinagpatuloy ang paglilinis.

" Welcome sir--"

Nakarinig ako ng mga hakbang palapit sa akin siguro ay si Lee at alam kong iuutos sa akin ang paggawa ng coffee.

" Anong order Lee? Kailangan na nating bilisan para maka uwi na tayo." Ani ko habang nakatalikod sa kanya at dumiretso sa coffee machine. Hindi na talaga ako nag abalang itaas pa ang ulo ko para tignan siya dahil feeling ko babagsak ang katawan ko dahil sa pagod.

Pero hindi sumagot si Lee kaya tinaas ko na ang ulo ko.

" Lee ano--- Samuel?"

Nanlamig ako ng makita ko si Samuel na nakatitig sa akin. Nakasuot ito ng  jacket na nay kasamang hood at itim.

" Anong ginaga--"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

" Hindi ka pumasok after lunch. Alam mo ba kung paano ako nag alala sayo? Tapos makikita kita na kasama ang baklang ito. Diba sabi ko lumayo-layo ka sa mga lalake kahit bakla lalaki parin yan." Parang nagpipigil ito ng galit habang nakatingin sa akin ng masama.

Tinignan ko naman si Lee na nagpapasensiya na kina thumbs up lang nito at nakatitig kay Samuel at napapangiti pa. Mukhang wala lang naman sa kanya iyon. Pinagnanasaan lang naman si Samuel.

Hinarap ko naman si Samuel.

" Wag kang mang-insulto ng kasarian, maari ba? Wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga taong iniinsulto mo. Ano ngayon kung hindi ako pumasok? Ikaw ba ang mamomroblema. Pero alam mo kasalanan mo rin naman yun, kung hindi mo sinaktan si Fred nasa school parin ako kanina. Pinairal mo kasi init ng ulo mo kesa sa utak mo. Sa relasyon nating Ito ikaw ang nasusunod pati ba naman sa buhay ko ikaw parin?"

Hindi ito sumagot pero nakatingin lang ito sa akin.

" I'm sorry, love." Sincere na sabi nito.

Napailing naman ako. Ayaw ko ng sorry niya.

" Hey guys anong nang--"

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now