CHAPTER 18

8.1K 199 3
                                    


               3RD PERSON'S POV

Nakahiga si Samuel sa kama at dinadampian ng halik ang ulo ng babaeng yakap yakap niya ngayon. Nakapikit na ito at mahimbing na natutulog.

Ala 1 na ng gabi pero dilat parin ang kanyang mata at pinagmamasdan lamang ang kasintahan. Pagkaalis ng pamilya niya ay nakatulog agad ang dalaga.

Naawa tuloy siya dahil kung hindi dahil sa pakikipagaway ay nakauwi agad ito at nakatulog na.

Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan ng magaan sa labi bago inayos ang pagkakahiga nito pati niya para makatulog na siya.

He will protect the girl who made her life happily complete and won't let other take what is his. Never.

Kinuha niya ang telepono niya na bigay sa kasintahan at inunlock. Iniscrool niya ang phone at ng mapunta sa call logs ay napailing siya dahil talagang tumawag ang kapatid niya sa dalaga dahil nalaman nitong binigay ko ang phone ko rito. Nalaman rin pala nito ang kinasangkutan kong kaguluhan.tsk.. What would the agency can't do? Talagang nat track nito pag nasa street fight siya.

Inopen niya ang contacts at nilagay ang bagong number niya at pinangalanan ng 'love'.

Pumunta siya sa camera at napatingin sa dalaga at idinampi ang labi sa labi nito at nakangting tumingin sa camera kasabay ng pagkodak.

Nakangiting inilabas niya ang bagong phone at ipinasa ang litrato bago ginawang wallpaper.

Winallpaper niya rin ito sa phone ni Liana.

Ibinalik niya ang mga cellphone sa lalagyan. Iniyakap niya ang sarili sa dalaga at nakangiting itinaklob ang kumot sa kana at pinikit ang mata.

-----

" You are going to have partner project for this semester so I am going to group you by 2. The project you need to do is a survey. Kinakailangang nagkapagsurvey kayo kung ano ang masasabi ng mga hindi gaano kasuwerte sa pera tungkol sa Pagkadaragdag ng 2 curriculum sa high school, w/c is senior high school. Are they agree with it or not."

Isa-isang tinawag ng guro nila Liana ang magkagrupo.

Panay ang dasal niya na sana si Joan ang makapareha niya  upang hindi siya mahirapang makisalamuha pero hindi dininig ang kanyang hiling ng marinig niya ang pangalan ni Joan at kapareha nito ay iba.

" Liana and Ian."

Napatingin siya sa lalakeng tinawag ng guro niya. Napatingin ito sa akin at kinindatan siya kaya napangiwi nalang siya .

Ito yung transferee kahapon lang pumasok kaya ako ang kinabahan dahil kung alam lang nito kung ano ang magagawa ni Samuel pag nakita niyang may kasama akong lalaki.

Gagawa nalang siya ng paraan na hindi makita ni Samuel ito habang gumagawa sila ng proyekto.

" You can go to your partner and have a plan."

               LIANA'S POV

Nakita ko namang tumayo ang kapareha ko at umupo sa upuan ni joan na ngayon ay nasa kapareha na niya.

Ramdam ko ang singahapan ng mga kaklase ko at kaba. Marahil ay alam nilang maaring mapahamak ang kapareha ko kay Samuel.

Pero sisiguraduhin ko na hindi siya mapapahamak. Ayaw ko nang may maagrabyado pa dahil sa akin.

Sinigurado ko muna na wala si Samuel sa labas at hinarap ang nakangiti kong kapareha.

" Saan tayo magpaplano at kailan tayo magsisimula?" Maganang sabi nito kaya napa isip ako.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now