P1

7.2K 95 5
                                    

Inayos ko ang headband ko sa ulo at saka isinabit ang ang sky blue na bag sa likod ko pati narin ang wallet ko na nasa kama namin ni mama at saka lumabas sa silid.

Muli na naman akong sinalubong ng marangyang tanawin. Sa tuwing umaga talaga, ang chandelier na 'yan ang lagi kong tinititigan para lalo akong magising. Napakaganda kasi neto sa paningin ko. Lalo na sa gabi tuwing kumikislap ang bawat bahagi neto.


"Goodmorning, Caina,"

Napalingon ako sa aking kaliwa para lang salubungin ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Sa tingin ko wala ng lalampas pa sa ganda niya. Sa maganda niyang kutis, sa makintab niyang buhok at perpektong proporsyon ng mukha. Kahit ata ang pinakamakinis na bagay sa mundo ay mahihiya sa kintab ng kutis ni Ate Francia. I admire her a lot since I step in their mansion.

"Goodmorning din po, Ate Francia," nahihiyang bati ko.

Nandirito na kami ni mama simula ng ako'y labing isang taong gulang pa lamang at ngayong labing pitong taong gulang na ako, nandirito parin ako bilang pagtanaw ng utang na loob ng tinanggap nila ako ng maluwag at binigyan ng magandang trabaho ang mama ko noong nabubuhay pa siya.

Sa loob ng anim na taong lumipas hindi ko man lang naramdaman ang pag-iisa. Ang pakiramdam ng hindi kompletong pamilya. Kasi nadiyan noon si Mama na lagi akong inaalagaan ng mabuti, si Ate Francia, Si Doña Donatella, Si Señior Rafael at ang nag-iisa nilang lalaki na si Kuya Connor.

Pinaramdam nila saking iba man ang estado namin sa buhay hindi magiging hadlang 'yun para ituring nila akong pamilya. Ang kanilang youngest sa pamilya. Ang tinuturing nilang bunso.

"Papasok kana ba? I would tell Kuya Johnny to drop you off to school," ani Ate Francia habang sabay kaming bumababa sa hagdan para mag umagahan.

Kung titingnan, mas mukhang desente ang suot ko ngayon kasi naka uniporme ako kumpara sa kaniya na suot parin ang kaniyang night gown at roba, halatang di pa rin nagsusuklay ng buhok ngunit tuwid parin 'yun at walang bahid ng gusot. Samantalang ako na nagsuklay na lahat-lahat, mukha paring kinalaykay ng manok sa bunbunan.

"Hindi na ate Francia. N-naibigay na naman sa akin ni Tita Dona ang allowance ko para sa buwan na 'to. Sa totoo lang, sobra pa 'yun kaya pwedeng umabot pa 'yun sa susunod na buwan. Mamamasahe na lamang ako kesa maabala pa si Kuya Johnny," deretsong sagot ko hanggang sa nakatapak na kami sa huling baitang ng salamin nilang hagdan.

"I won't let you ride on those jeeps and that kind of things. Hindi magandang tingnan para sa bunso ng mga Volzkian na sumasakay sa ganoon," nakangiting sabi niya.

Sinundan ko siya hanggang sa dinning table at umupo sa tabi niya. Kaharap ko ngayon ang habang buhay na atang bata at magandang si Tita Dona, at sa pinakadulo naman ng dinning table si Tito Rafael dahil siya ang haligi ng magandang tahanang 'to.

"Magandang umaga po," magalang kong bati.

Itinupi ni Tito Raf ang diyaryong binabasa at saka nakangiting bumati din samin ni Ate Francia habang nginitian naman kami ng matamis ni Tita Dona.

"Ano ba yang naririnig kong pinaguusapan niyo France at parang tutol ka?" nagtatakang tanong ni Tito Raf.

"Gusto ko lang naman Dad na makarating siya ng maayos sa eskwela kaya sabi ko ipapahatid ko siya kay Kuya Johnny pero ayaw niya daw kasing makaabala. Please Dad, make her agreed with me," aniya sa kaniyang Daddy.

Tumingin naman sa akin si Tito Raf kaya kung todo ang kaba sa aking dibdib. Pagagalitan niya ba ako kasi ayaw kong sumunod?

"Hija, why? Do you want me to be one who'll drop you off to school? I'm free 'till 10:00 a.m," seryosong tanong sakin ni Tito Raf.

Agad kong ikinumpas ang kamay ko bilang pagtanggi. Mas gugustuhin ko pang magpahatid nalang kay Kuya Johnny kesa maabala ng ganito si Tito Raf. Siguro nga'y di nalang ako kokontra dahil magdudulot lamang 'yun ng malaking abala sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Hindi na p-po, Tito Raf. Sige po. Si Kuya Johnny nalang po. Iniisip ko po kasi na masyado akong nakakaabala sa—"

"You're not a disturb, Caina. Soon, totoong magiging Volzkian kana. Kailangan mo narin sanayin ang sarili mo para tawagin kaming Mom and Dad, Mama or Papa. Medyo matatagalan lang ang papeles pero sigurado akong ibibigay ka nila sa amin," saad ni Tita Dona.

Oo, opisyal na nila akong inaampon ilang buwan matapos pumanaw ni mama sa kaniyang sakit. At aaminin kong mahirap palitan ang tunay kong mama sa puso ko para sa bago na namang mama pero ayaw kong masaktan sila pag tumanggi akong magpaampon sa kanila. Lalo na kay Tita Dona. Matagal na siyang nangungulila sa pag-aalaga sa kaniyang mga anak na kaya ng tumayo sa sarili nilang mga paa kaya siguro'y naisipan nila akong kuhanin ng tuluyan dahil bukod sa mag-isa nalang ako sa buhay, gusto ulit nila maramdaman na may anak na inaalagaan na nasa kanilang poder.

Pagkatapos ng umagahan, pinahatid nila ako kay Kuya Johnny sa school. Hindi ko rin naman hiniling sa kanila na ipasok ako sa marangyang paaralan. Maayos naman ako sa simple at pampublikong paaralan, pero sadyang ayaw nila akong pagbigyan. Parang anak narin daw kasi ang turing nila sa akin at nararamdaman ko 'yun. Napakaswerte ko sa kalagayang meron ako ngayon. Labis ko yung pinagpapasalamat.

"Maraming salamat po, Kuya Johnny. Mamamasahe nalang po ako mamaya pauwi,"

"Naku, Caina! Hindi ako babalik ng mansion ng hindi ka sakay ng kotse papauwi," ani Kuya Johnny.

Gustuhin ko mang ulit tumutol, hindi ko na rin 'yun magagawa sapagkat ilang beses nadin akong pinaalalahanan ni Tita Dona sa bagay na 'to at talagang mapapagalitan siguro ako kung hindi ako sasakay kay Kuya Johnny papauwi kaya di narin ako nakipagtalo pa at saka tuluyang pumasok sa campus.

International ang school na pinapasukan ko. Katulad nga ng sabi ko, okay naman talaga ako sa pampubliko talagang ayaw lang ng pamilyang kumukopkop sa akin kaya hindi na rin ulit ako tumutol.

Pag pasok ko palang ng gate tumabi na agad sa paglalakad ko si Nate—kaklase ko siya—narinig ko pa ang ilang kantyaw sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan sa ibang section.

"Magandang umaga, Caina," nakangiting bati niya at ganun din ako.

"Gusto mo bang ako nalang ang magdala ng bag mo?" may bahid ng hiya ang kaniyang tinig.

Hindi na iba sa akin ang ganiyang mga pasaring. Sa tinagal ko sa high school, marami ng sumubok at lahat ng 'yun ay pumalya. At sa dami nun, talagang consistent si Nate kahit pa ilang beses ko na siyang ibinagsak.


Bukod kasi sa wala akong interes sa kaniya, sa isang tao ko lang kasi nararamdaman yung hindi nila madalas maramdaman sa kabilang kasarian...

Connor. Kay kuya Connor lang.

--------

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now