P24(Part 2)

1.7K 54 8
                                    




              Madali kong sinuklay ang aking buhok at saka inayos ulit ang suot kong bistida. Hindi ko alam kay Tita Donna kung bakit kakailanganin ko pa ng ibang damit sa aking debut. Hindi ba pwedeng yung gown na lamang na napili ko ang susuotin ko buong apat na oras ng selebrasyon?

            Nagpapunta pa ulit ngayong araw si Tita Donna ng isang designer para lamang sukatan ako para sa mga cocktail dress na pwe-pwede kong masuot sa sunod na buwan. Ngayon din namin aayusin ang para sa 18th candle at pati narin sa roses. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung sino ba ang iimbitahan ko sa mga 'yung gayong wala naman akong malapit na kaibigan.

          Ngunit susubukan ko paring imbitahan ang ilan sa mga tingin ko ay nakakasundo ko. Si Odette ay nais ko ring imbitahan, sana naman hindi na niya masyadong dibdibin ang nangyari noon.

             Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at dahan-dahang bumaba sa salaming hagdan ng mansyon upang pumunta sa sala.

              Naabutan ko doon sina Tita Dona at Ate Francia, maging si Nate ay nandoon. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya ngayong araw kaya saglit pa akong nagulat ng makita siyang papalapit sa akin.

              Sinalubong niya ako ng ngiti at ng makabawi ganun din ang ginawa ko. Iniabot niya sa akin ang isang punpon na naman ng kulay pulang rosas na katulad noong nauna...na sinira ni Connor.

             Napakurap naman ako ng dampian niya ako sa halik sa aking pisnge na pakiramdam ko ay ikinapula ng aking pisnge hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya dahil nakatingin sa amin si Tita Dona at Ate Francia. Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag 'to.

              "T-tita Dona—"

              "I already knew, Caina. I trust the both of you and alam mo naman kung gaano ako kaboto sa binatang yan," nakangiting saad sa akin ni Tita Dona.

              Akala ko'y tututol siya. Akala ko magagalit siya. Ayaw ko mang aminin pero nadismaya ako sa pag sang-ayon niya sa amin ni Nate. Gusto kong sabihin niya na hindi pwede. Na hindi niya gusto si Nate.

             Mas lalong di niya magugustuhan kong ang gusto mo ang masusunod, Caina. Panira 'yun sa magandang pamilya.

              "S-salamat po. Alam na po ba 'to ni Tito Raf?" Mahinang tanong ko.

              "No. Sabihin niyo mamayang dinner. It's a great opportunity to welcome, Nate, to our family," ani Tita Dona na ikinatango ko.

             Tumango ako at nilingon si Nate na muling ngumiti ng magtagpo ang aming mata. Tama, we're going to work out. Gagawin kong tunay ang relasyong meron kami.

            Umupo kami ni Nate katabi ni Ate Francia dahil sinusukatan pa si Tita Dona.

            "Kailan pa, Caina?" rinig kong tanong ni Ate Francia. Magkatabi kami kaya rinig ko kahit pa mahina lamang 'yun.

             "Po?"

              "Kailan pa kayo ni Nate?" Aniya.

              Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatingin siya kay Tita Dona na masayang nakikipag-usap sa babaeng designer na nagsusukat dito. Nakikita ko sa mata niya ang pagkadisgusto sa bagay na... hindi ko alam.

             "N-noong nakaraang linggo lang, Ate," may kiming ngiting sabi ko.

             Sa oras na 'to ay nilingon niya ako.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now