P49

1.1K 31 7
                                    





               Luminga-linga ako sa paligid at pinagmasdan ang mga tao sa loob din ng coffee shop na pinagdalhan sakin ni Nate. Pumayag ako sa gusto niyang makipag-usap at siguro nga ay mabuti narin 'yun upang wala na kaming mga pangyayaring maiwan sa nakaraan. Pare-parehas na naming gustong umusad pasulong ng walang inaalala. Naiintindihan kong gustong linawin ni Nate ang amin at ang mga nangyari, mas maganda nga namang umusad ng wala kang gusot, maging ako man.

               Alam ito ni Ate Francia, hinayaan kong mauna na sila ng mga katulong sa pag-uwi kahit pa nagpumilit din ang babae na maghihintay nalang din pero mas inalala ko ang kalagayan niya dahil buntis si Ate Francia. Pumayag nalang ako sa gusto niyang pabalikin ang driver sa kung nasaan ako ngayon para sunduin.

               Umayos ako ng upo ng tuluyang umupo sa aking kaharap na upuan si Nate. May dala siyang dalawang tasa ng kape at pares ng cake na alam kong hindi rin naman masyadong magagalaw sa buong oras ng pag-uusap.

             Inabot niya lang sa harap ko ang kape at platito bago itinabi ang tray na pinaglagyan niyon.

              May makapal na usok ng awkwardness sa pagitan naming dalawa habang parehas naming iniinom ang kapeng kaniyang binili. Napayuko ako dahil totoong nahihiya ako sa nagawa ko dati. Totoong nasa huli nga ang pagsisisi. Ang tahimik niyang buhay ay hinila ko sa confusion at pasakit. Masyado talaga akong nabulag ng pag-ibig at sa kagustuhan kong labanan at takpan ang sariling nararamdaman, humila ako ng taong hindi ko pala kayang suklian ang nararamdaman.


                "Kamusta kana?"

                Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa tasang nasa kaniyang harapan at pinaglalaruan ang hawakan niyon ngunit ngumiti parin ako kahit pa hindi siya nagtatapon ng tingin sakin.

                 "Maayos ako, Nate. I-ikaw? Kamusta ka?" pag-aalinlangan kong tanong.

                 "I'm doing so great. Nasan ka netong mga nakaraang taon? Around Manila? Cebu? Perhaps Palawan?" aniya.

                  Nakagat ko ang sarili kong labi dahil sa emosyong nakita ko sa kaniyang mga mata at may diin netong boses. Naiintindihan ko kung ano ang nakita ko kaya muli akong napalunok at napayuko.

                 "Sa P-Palawan, nandun ako buong pitong taon," maliit ang tinig na saad ko habang hawak ng dalawa konv kamay ang mainit na tasa ng kape.

                    "I know. Anong ginawa mo don? Doon ka niya dinala?" ani Nate.

                    Hindi na ako nagulat na alam niya ang ginawa ko at kung ako man ang nasa kalagayan niya, siguradong mararamdaman ko din kung anong nararamdaman niya. Maling-mali ang mga desisyong ginawa ko kaya heto, dinala ako ng mga desisyong 'yun sa kung nasan ako. Mali ang aking mga desisyon ngunit mas ginawa ako niyong matatag na tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko alam na kailangan ko palang sagasaan ang mga taong nagmahal sakin para lang maging may kabuluhan ako bilang isang babae at ina.

             "Alam kong magiging tanga lamang ako sa harap mo kung hihingi ako ng tawad sayo pero pasensya na talaga. Ayaw kong ikailang naisip kita nung sumama ako sa kaniya pero mas naging matimbang kasi yung puso ko. Binitawan ko ang lahat dahil ganun ko kamahal si Connor. Binitawan ko ang pagkakataong magkaroon ng marangyang pamilya at edukasyon kasi mahal ko siya ng sobra. Ginawa akong bobo ng pagmamahal, Nate," pagak na natawa pa ako sa huli kong sinabi kahit pa nakasilip ang aking mga luha.

   
                 "He's so lucky, I guess," aniya at saka tumingin sakin, " Pero minahal mo ba ako, Caina? Kahit konti meron ba? Kung hinabol ba kita at pinilit ang sarili ko noon, sakin kaba sasama?"

Caina (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang