P19

1.9K 54 7
                                    

      
           Halos hindi ko na nabilang pa ang taon at araw kung kailan ako laging nagigising sa kwartong kinaroroonan ko ngayon. Masyado itong maganda para sa akin at kahit kailan ay di ako masasanay sa marangya netong desenyo sa ding-ding.

            Bumangon at umupo ako sa kama at saka inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Sa pinto, sa vanity mirror, sa upuan sa gilid, at maging sa garapon ng mga pinaghirapan kong bato. Ang apat na sulok ng kwarto na ito ay nakita akong lumaki, magdalaga at kagabi, masaktan ng sobra.

            Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga kahit maaga pa. Inilaylay ko ang paa ko sa kaliwang bahagi ng kama at saka inabot ang kulay berde kong tsinelas at saka dumeretso sa banyo para mag-ayos upang pumasok sa eskwela.

            Nakita ko pa ang itim sa ilalim ng aking mata, dala siguro ng hindi sapat na pagtulog ko kagabi. Paulit-ulit akong dinadalaw ng pangyayari at hitsura ni Connor sa baba ng hagdan.

           Ipinagsawalang-bahala ko na lamang ulit iyon at naligo na. Inaantok pa ako pero hindi ko ipagpapalit ang araw ng eskwela para lamang makatulog sa araw na 'to. Pwede naman akong bumawi pagka-uwi ko hindi ba?

           Mabilis din akong natapos at saka sinukbit sa likod ang aking bag at ibinulsa ang wallet na may lamang pera na bigay sa akin ni Tita Dona para sa buwang ito. Masyadong malaki ang 15,000 php para sa katulad kong high school student lamang kaya ang sobra sa dulo ng buwan ay tinatago ko na lamang sa aking damitan para hindi na ako mahihiya pang humingi sa pamilya Volzkian pag may proyekto akong dapat bilhin.

         Hindi ko na inabala pang ikandado ang aking kwarto.

          "Goodmorning," masiglang bati sa akin ni Hanz paglabas ko ng kwarto.

           Hinatid niya ako kagabi sa harap mismo ng aking kwarto bago siya dumeretso sa guess room. Dito muna sila pansamantala kasama ang kaniyang kapatid na si Revina sa kadahilanang hindi ko alam.

   
          "Magandang umaga din, Hanz," nakangiting bati ko pabalik.

          Hindi na mabigat ang aking pakiramdam sa kaniya. Nabura na ata kagabi pa.

          Sumunod lamang siya sa akin pababa sa magandang hagdan ng mansyon. Ayos na ayos siya at halatang may pupuntahan.

           "Papasok kana, pusa?" ani Hanz.

           "Oo, ikaw?"

            "May pupuntahan lang. Wanna ride with me?" aniya pa.

             Nararamdaman ko namang makulit talagang tao si Hanz pero hindi ko lamang inaasahan na ganito siya ka-bubbly para sa isang lalaki.

            Sabay pa rin kaming pumunta sa dining room para mag-almusal habang nag-uusap. At sa tingin ko wala rin namang masama kung sa kaniya ako makikisabay ngayong umaga dahil alam kong nahihirapan si Kuya Johnny gumising araw-araw dala na rin ng katandaan. Magpapasundo na lamang ako mamayang hapon.

             Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko ng makita ko si Revina at Connor sa lamesa. Parang gustong umurong ng gutom ko ngayong umaga.

         Ngunit parang huli ng ng maramdaman ko ang kamay ni Hanz sa aking likod para alalayan akong umupo sa upuan, at saka rin umupo sa tabi ko.

          Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa magka-sintahan kahit pa kitang-kita ko sa gilid ng aking mata kung paano asikasuhin ni Revina si Kuya Connor.

            "Who's gonna bring you to school, baby?" rinig kong tanong ni Connor kahit pa nagbabasa siya ng diyaryo at hindi nakatingin sa akin.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now