P32

1.1K 37 14
                                    





Kagat-kagat ang aking mga kuko habang paparito't paparoon ako sa loob ng aking kwarto. Kita ko mismo sa loob ng aking kwarto kung gaano kaliwanag ang buwan sa labas ng aking bintana.

Napadpad ang aking tingin sa nagkalat kong damit sa ibabaw ng aking kama, ang bukas na gym bag at ilang magulong damit na nasa loob na neto. Tahimik ang mansyon dahil katanghalian na ng gabi.

  "I can, Caina. I can give you life better than this,"

              Nilapitan ko ang pinahiram na cellphone sa akin ni Connor sa ibabaw ng aking bedside table. Inaantay ko ang mensahe mula sa kaniya. Pinakatitigan ko muna ang oras niyon bago umupo sa aking kama at pinagpatuloy ang pagpapasok ng damit sa loob ng bag nang may kaba sa dibdib.

                Sasama na ako. Gagawin na namin ang bagay na alam kong hindi madaling mapatawad ng mga Volzkian. Kilalang pamilya sa lalawigan namin sila Tita Donna at Tito Raf, sobrang kahihiyan ang ibibigay ko sa kanila at maging kay Connor pero...hindi ko na kaya, mahal na mahal ko na siya.

                Nangilid ang aking luha hindi dahil sa nagdadalawang-isip ako o ano, kundi dahil sa kaisipang napaka-sama kong tao o babae. Marami akong matatapakang tao para lang makuha ang gusto ko.

           Ngunit di naman kasalan kung gusto kong makamit yung uri ng kaligayahang alam ko kung sino ang makakapag-bigay hindi ba? Kahit saglit lang gusto kong pagbigyan ang sarili ko. Kahit ngayon lang. Sorry.

                Pinunasan ko ang luha sa aking mata bago ko isinuot ang isang kulay gray na hoodie. Tumayo ako at saka pinakatitigan ang aking kama. Muli na namang nangilid ang aking luha habang pinaplantsa ko ng aking palad ang sapin neto.

     
              Sa aking pag-abante, tumama ang aking paa sa maliit na kahon na nasa ilalim ng aking kama. 'Yun yung kahong iniwan sakin ni mama. Kinuha ko 'yun at sakto naman ang pag-ilaw cellphone sa ibabaw ng bedside table.

               "Let's go, baby,"

                Muli ko munang pinasadahan ng tingin ang aking kwarto. Ang maganda netong mga dekorasyon. Ang malaking kama at mabangong sapin bago tuluyang lumakad sa pinto.

                Dahan-dahan kong binuksan ang aking kwarto at isinilip ang mata sa madilim na pasilyo. Tahimik at naka-dim na ang lahat ng ilaw.

               Mag-isa akong lalabas ng mansyon dahil 'yun ang gusto kong mangyari. Mahuli man ako, alam kong hindi ko maidadamay si Connor. Maaari akong gumawa ng maraming dahilan.

            Paglabas ay dahan-dahan ko ring isinara 'yun.

            "Caina,"

              Nanigas ang aking mga binti at nanatiling nakakapit ang aking kamay sa doorknob bago niligon ang tumawag sa akin.

                Si Ate France, deretsong nakatingin sa akin ngunit hindi mababanaag ang pagtataka kung bakit nasa labas ako ng aking kwarto at may malaking bag.

            Itinago ko ang cellphone sa aking likod bago tuluyang humarap sa kaniya.

            "A-ate, may pupuntahan l-lang—"

           "Hurry up. Inaantay kana niya. Sinabihan niya akong tulungan kang makalabas ng bahay," putol niya sa aking sinabi.

             Mas dumoble ang aking kaba dahil sa sinabi niya at sa paglapit niya sa akin upang hilain na ako paalis.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now