P35

1.1K 39 8
                                    



     SURPRISE, LOVES!

———————————————

               Hindi kami natuloy nang araw na 'yun sa pag-alis papuntang Palawan. Sinulit namin ang mga oras sa loob ng maliit na kwartong 'yun sa loob ng 2 araw pa bago tuluyang tumulak papuntang Palawan.

              Wala man lang akong naramdamang pag-sisisi o ano pa man. Ilang ulit ko nabang sinabing handa na ako sa kung saan man kami dadalhin ng lahat ng 'to basta ba't sabay naming tatahakin ang daan papunta roon.

                 Dalawang araw pa doon sa resort si Aris bago kami tuluang umalis ni Connor pa-Palawan. Nagkaroon pa ako ng konting oras para makapag-paalam kay Glory dahil bukod kay Connor ay siya lang naman din ang nakausap ko sa resort na 'yun. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata ngunit agad ding nawala ng mangako akong babalikan ko siya upang magkita ulit kami. Binigay ko pa sa kaniya ang isa sa mga paborito kong panyo upang paalala na babalik ako. Babalik kami ni Connor kasama ang magiging pamilya namin sa hinaharap. Kung bibigyan man kami.

              Mahabang biyahe din ang ginugol namin ni Connor bago pa man makatungtong sa Palawan. Ngunit para bang napawi din 'yun ng sa wakas ay makita ko na ang bahay na sinasabi ni Connor. Agad kong nakita ang sarili namin sa loob ng bahay kasama ang mga magiging supling namin sa hinaharap.

                  Sa labas palang maganda na. Ang bakod netong napapaligiran ng mga bulaklak maging ang itim na gate. Ang pathway papunta sa pinakapinto ay puno din ng bulaklak. Ang kaliwa ay napakagandang garden at ang kanan ay mumunting pwesto kung saan pwede kang magmuni-muni. Ang bahay ay may dalawang palapag, concrete at kulay puti ang kulay. Bagay na bagay sa mga taong naghahangad ng maliit ngunit masayang pamilya at alam kong doon ko na gugugulin ang buhay ko kasama siya. Sila.

               "I hope you like it," mahinang bulong sa akin noon ni Connor pagkarating namin sa harap ng bahay.

               Ipinatong ko ang ang mga kamay sa kamay niyang nakapulopot sa akin mula sa likod at mas lalo ko pang ikiniling ang aking ulo para tuluyan niyang maipatong ang kaniyang baba sa pagitan ng aking leeg at balikat.

     
                 "I don't like it. I'm inlove with it, love," mahina kong saad, hindi na naghihiling pa ng iba.

                  Napangiti ako ng mabilis niya akong halikan sa pisnge ng araw na 'yun.

                  "But I hope you're more inlove with me," may pagbibiro sa kaniyang tinig habang nakatutok ang mata sa akin.

                 Nilingon ko siya at saka ngumiti rin ng maligaya.

                 "Yes, I'm more inlove with you,"

                 Napuno na naman ng ligaya ang aking puso ng dumampi ang kaniyang labi sa akin bago muling tumingin sa kabuuan ng bahay na alam kong parehas na naming pangarap lagyan ng mga ala-ala.

               "I already see little Caina or my Connor running around," aniya at saka muling nilingon ako, "I want them to be like you, love. I want them to look like you, smile and laugh like you so that they will remind me of you, always in my lifetime,"

               Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng mga sandaling 'yun. Para bang handa akong tanggapin kung ano man ang sabihin niya at malaya kong gagawin.

              Ramdam ko ang mas paghigpit ng yakap sa akin at ang pagpikit ng mata.

               "You will always be the light of my life, my soul and my sin, Caina. A sin that I'm always willing to repeat. I love you more than my ownself,"

                Napangiti ako muling bago ko muling pinadaan ang aking mga daliri sa malambot niyang buhok habang nakahiga siya sa aking mga hita at payapang nakapikit. Malalim ang paghinga at halatang pagod.

                Ilang linggo narin kami dito at 2 linggo na niyang pinapagod ang kaniyang sarili sa kaniyang naisipang trabaho. Katwiran niya ay gusto niya akong buhayin hindi gamit ang pera ng magulang din niya ang nagbigay sa kaniya kundi sa sarili niya mismong pagsisikap. Sa umaga ay maaga siyang umaalis para pumasok sa trabahong alam kong hindi siya sanay. May pinag-aralan siya ngunit mas pinili niyang pumasok bilang construction worker.

              Hindi ko mapigilan makaramdam ng bigat sa dibdib dahil gumagawa siya ng mga gawaing hindi siya sanay. Ang mga naunang araw ay naghatid sa kaniya ng sakit sa katawan. Hindi siya bagay sa construction site dahil sa opisina talaga ang linya niya. Hindi ko minsan mapigilan maluha tuwing uuwi siyang pagod ngunit pinipilit ngumiti sa akin. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nasa ganoon siyang kalagayan.

               Naki-usap ako sa kaniya noong nakaraang linggo na kung pwede ay magtrabaho din ako kahit simpleng tindera lang sa bayan ngunit hindi niya ako pinayagan. Mas lalo akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ng sinabi niyang mag-focus ako sa aking sarili dahil balak niyang ipasok akong muli sa paaralan para sa huling taon ko ng Senior High school na hindi ko natapos. Ayaw kong pagurin at walain niya ang sarili niya para lamang mapag-aral ako sa susunod na taon. Ayos na ako sa kung anong narating ko at wala akong pinagsisisihan doon.

                Muli kong pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. Hindi ko kayang makita siyang binibitawan ang sarili para sakin.

                  "Don't overthink too much, love,"

                    Gulat akong napatingin kay Connor. Mulat ang kaniyang mata at nakatingin sa akin. Sigurado akong hindi na nakatakas sa kaniyang paningin ang mga takas na luha kanina.

                 "P-payagan mo na kasi ako tumulong sayo," mahina kong sabi sa kaniya habang ramdam parin ang pangingilid ng aking luha.

                 "Still a no, love. Take care of yourself for me, please? Can you do that?" malambing niyang sabi bago tumagilid ng higa paharap sa akin at ipinulupot ang isang kamay sa aking bewang at dinampian ng halik ang aking tiyan.


                    "Ayaw kong ikaw lang. Alam kong nahihirapan ka, Connor. Kaya ko naman eh. Sanay ako sa hirap atsaka—"

                   "No. Don't push it, love. Dito ka lang. I want to go home welcoming by your smile at flowery scent. Gusto kong makita kang kumportable because that's what I'm aiming for. I'm earning enough as of now for me to send you to school next year. Continue your dreams but this time with me," aniya.

                Tumingin lamang ako sa kaniya ng bumangon niya at hinigit ako upang maka-upo ako sa pagitan ng kaniyang mga hita at pasandal sa kaniyang dibdib.

                  Nakaramdam ako ng malamig na bakal sa aking leeg at ng niyuko ko 'yun at bumungad sa akin ang isang napaka-gandang diamond necklace at agad nagpalingon sa akin sa kaniya.

                  "P-para saan 'to?"

                  "It's for the people around you. I want them to know that you are bound to marry me, love," aniya at saka marahang sinapo ang aking pisnge upang maingat na mailapat sa akin ang kaniyang labi.

                 At tinugon ko 'yun ng buong puso. Nang walang pag-aalinlangan.

——————————————————

         Tadaaa! A late night update, loves!💕

          Enjoy reading and let me know in the comment box on what you think about this chapter 💕

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now