P9

2.4K 64 2
                                    




          Patuloy parin sa pag-uusap si Connor at Revina. Hindi ko na naririnig dahil tinanggal ni Connor ang connection na nasa buong kotse at para sakin sapat na ang mga narinig ko kanina. Na sana di ko na marinig kahit kailan.

        "I know Rev. I've been busy this week baby, sorry okay?" may bahid pa ng panlalambing.

        Hindi naman masakit diba, Caina?

          Hindi ko pinansin kung anong sinasabi ng isang bahagi ng isip ko. At ng makita ko na malapit na kami sa mansyon ng mga Volzkian agad kong binuksan ang basa kong bag na kahit ipagdasal ko na sana ay tuyo ang loob tiyak na di mangyayari.

           At tama naman ako, basa ang ilan sa mga notebooks ko. Buti nalang at inilalim ko ang cellphone ni Connor kaya nasalo ng mga notebook ko ang tubig na pumapasok rito. Mas okay na mabasa ang mga papel dahil napapalitan 'yun at natutuyo kesa naman sa mamahalin na cellphone na ipinahiram lang sakin.

            "I will call you again later this evening, Rev," rinig kong saad ni Connor bago ko inilabas ang cellphone kaya dumako ang tingin niya sakin.

          Pinunasan ko ng isang beses ang screen niyon at saka inilahad sa kaniya kahit kausap niya pa si Revina.

           Kita ko ang pagsingkit ng kaniyang mga mata na mayroong tsokolateng kulay. Mana kay Don Rafael, ang tatay niyang may dugong espanyol.

            Dahil hindi niya inaabot ako na mismo ang naglapag sa dashboard ng kaniyang kotse at kahit di ako nakatingin sa kaniya, ramdam ko naman ang kaniyang matatalim na titig at ang aurang inilalabas ng kaniyang katawan.

            "Yes, baby. I will. Okay, bye. Yeah... Love you," rinig kong tugon niya bago ibinaba ang cellphone at tuluyang ipasok ang sasakyan sa gintong gate ng kanilang mansyon.

           Hindi pa man maayos na nakapark ang sasakyan sinimulan ko ng tanggalin ang seatbelt ko.

           "What are you doing?" Aniya.

            "Pasok na ako sa loob, kuya," sabi ko at sa wakas natanggal ko na ang seatbelt.

           "What?! It's raining hard, Caina! Sandali, I will get an umbre— what a hardheaded!" Rinig kong sabi niya ng bigla akong tumalon palabas ng kotse at mabilis na isinara ang pinto at tumakbo ng mabilis papunta sa pinto ng mansyon.

           Ipinatong ko ang aking bag sa ulo at saka nagtatakbo na animo'y di papapigil sa kung ano man.

            Saktong pagpasok ko ng mansyon ng makita ko si Ate Francia na eleganteng bumababa sa salaming hagdan. Makintab at maputi parin ang kaniyang kutis, maging ang buhok niya at lagi niya talagang pinapanatiling makintab at maayos na nakasalansan sa kaliwa niyang balikat. Sana ganyan din ako, hindi ba?

           Maliban din naman kay Ate Francia, nandito rin si Nanay Yel na masipag na nagva-vacuum ng sofa at carpet.


           Parehas silang nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan sa pagkakakunot ng noo nilang dalawa.

           "M-magandang hapon po Nay Yel, Ate Francia," saad ko at saka naglakad sa dereksyon ni Nanay Yel para magmano.

           Pagkatapos kong magmano ay dumapo ang kaniyang kamay sa basa kong ulo.

           "Anong nangyari, Caina?" Ani Nay Yel.


            "Nabasa lang po ng ulan sa labas," nakangiting sabi ko.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now