P46

1.2K 50 28
                                    




               Naunang bumaba ang asawa ni Ate Francia at saka sumunod ang huli. Hinawakan ko sa kamay ang aking anak para alalayang bumaba ng sasakyan. Lumilibot naman ang paningin nito sa paligid at bakas dun ang sobra niyang pagkamangha sa mga nakikita dahil wala namang ganun sa ampunan. Yung mga magagandang hugis ng mga dahon ay wala ni isa doon sa ampunan kaya ganun na lamang ang pagkit ng tingin ni Morgan.

             "Morgan, gusto mo nabang pumasok sa loob?" nakangiting tanong ni Ate Francia kay Morgan ng lapitan kami.

             Lumingon muna sa akin si Morgan na para bang nanghihinge ng pirmiso kaya ngumiti ako at tinanguan. Bumitaw ito ng kapit sa akin at saka tinanggap ang kamay ni Ate Francia.

             Pinanood kong pumasok si Ate Francia at Morgan sa loob ng mansyon habang ako naman ay dumeretso sa likod ng sasakyan para kunin ang gamit namin.

             "Ako na diyan Kuya Drustan," may kiming ngiting sabi ko ng makitang kinukuha na ni Kuya Drustan ang mga gamit namin ni Morgan.

               Tumanggi ito at saka pinagpatuloy ang pagbuhat ng dalawang bag papasok ng mansyon. Ako naman ay naiwan doon ng may kaba sa dibdib. Pagkatapos ng maraming taon, ito na ulit ako.

               May pangamba akong humakbang sa ilang baitang ng hagdan at saka pumasok sa double door na malawak na nakabukas. Nilibot ko ang aking tingin. Halos walang nagbago sa loob. Nandun parin ang mga muwebles nilang mamahalin at halatang pinakaaalagaan. Ang kumikinang parin nilang chandelier at ang babasaging hagdan. Ang makintab na marmol na sahig na pati sarili mong repleksyon ay makikita mo.

             Tiningnan ko ang repleksyon ko sa marmol na sahig. Halos makita ko doon ang nakangiting dalagita na ako, para bang pinapakita netong hindi ako kailan man kinalimutan ng mansyong kinalakihan ko. Na ano mang oras ay tatanggapin nila ako.

                "C-Caina? Hija, ikaw naba yan?!"

                Nag-angat ako ng tingin sa boses na tumawag sa akin. Nakita ko doon ang babaeng tumayong ina sa akin noon. Si Manang Yel, may mga kulubot na ito sa gilid ng mga mata at noo ngunit nasisiguro kong si Nanay Yel ito. Ngumiti ako sa kaniya at saka lumakad palapit upang yakapin ang matanda ng makita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

            "Ako nga po, nay. Nakauwi na po ako, nandito na po ako," mahinang sabi ko kay Nanay Yel ng yakapin ko 'to.

             Napapikit ako ng maramdaman ko ang ganting yakap niya ang bahagyang pag-alog ng kaniyang mga balikat dahil sa pag-iyak. Nandito na ulit ako. Nandito na ako sa lugar kung saan masasabi kong tunay kong tahanan.

              "Mama!"

                Napabitaw ako kay Nanay Yel ng makita ang tumatakbo kong anak papunta sa akin. Agad ko itong kinarga ng makarating 'to sa aking harap. Palipat-lipat naman ang tingin sa akin ni Nanay Yel at sa batang buhat ko.

             Inabot ko ang kamay ng matanda at saka ngumiti dito.

             "Anak ko po, nay," saad ko.

              Pinakatitigan ni Nanay Yel ang bata at para bang hindi niya alam kung saan ito hahawakan hanggang mapadpad ang kaniyang magagaan ngunit magaspang na mga kamay sa mukha neto.

              "Napaka-gwapong bata, anak," ani Nanay Yel.

                Tumango ako at saka ngumiti. Lumagpas ang paningin ko kay Nanay Yel, at napunta 'yun sa taong nakatayo katabi si Ate Francia. Halos puti narin ang buhok nito at may bahid ng katandaan ngunit makisig padin ang tindig.

Caina (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora