P42

1K 35 2
                                    



                Sinuklay ko ang medyo basa ko pang buhok pagkalabas ko ng maliit na CR sa bahay na tinutuluyan namin ni Morgan. Dito lang din ito sa loob ng ampunan, dating tambakan ng medyo hindi na ginagamit na gamit sa ampunan. Nakiusap ako kay Sister Gwen na kung pwedeng dito nalang muna ako habang wala pa akong ipon para makahanap ng sariling bahay. Nag-iipon naman ako lalo na at may stable naman na akong trabaho.

                Sinusuklay ko ang aking buhok ngunit umiikot ang tingin ko sa maliit na bahay. Hinahanap ng mata ko ang anak kong si Morgan. Napansin ko ang supot ng tinapay na bukas na at ganun din ang pinto ng bahay na medyo may awang.

                 
                   Napangiti ako ng mapagtanto ko kung saan na naman ba nagpunta ang batang 'yun, hinayaan ko na lamang at inabala ko ang sarili sa paghahanda ng makakain namin ngayong gabi. Bumili nadin ako kanina ng mga de lata pag-uwi kaya itong isang cornbeef muna ang uulamin namin ni Morgan ngayong gabi, babawi nalang ako sa anak ko sa darating na sahod. Ipagluluto ko siya ng kahit anong gustuhin niya.

             Napalingon ako ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Morgan at saka umupo upuan na nasa lamesa.

               "O, bakit naman ganyan ang hitsura ng anak kong gwapo?" agaw pansin ko pa sa kaniya dahil medyo nakasimangot ito at nakatulala.

               Agad itong ngumiwi at saka nagkamot sa batok. Napaka-cute nito sa tuwing ginagawa niya ang bagay na 'yun. Pakiramdam ko ay kaharap ko na ang binatang bersyon niya. Pakiramdam ko ay ayaw ko ng palakihin at maging bata na lamang habang-buhay para lagi kong makikita ang mga ganitong side niya.

              "Si Bella po kasi mama, ang dami niyang tanong," may bahid pa ng prustrasyon na saad neto na nagpataas ng aking kilay.

              Binalikan ko ang niluluto kong cornbeef habang nag-aantay sa susunod niyang sasabihin.

                Matalinong bata si Morgan. Hanggat kaya niyang sagutin at intindihin ang isang bagay ay hindi siya mag-aabalang tanungin ako. May sarili siyang mga paraan upang resolbahan kung ano man ang bumabagabag sa kaniya at natatakot ako doon, gusto kong i-enjoy niya muna ang pagkabata niya. Gusto kong ako ang gagabay sa kaniya at sasabihan niya ako ng kaniyang problema kasi ina niya ako at tungkulin ko 'yun bilang magulang.

               Binalikan ko si Morgan sa kusina at talagang mukha siyang hindi mapakali sa kung ano man ang kaniyang iniisip.

                  "Katulad ba ng ano ang tanong niya, baby?" malambing kong tanong at saka hinaplos ang kaniyang noong nakakunot.

                    Nilingon niya ako at saka pinakatitigan. Kita ko kung gaano siya nahihirapan o naguguluhan sa tanong na nasa isip niya na gawa ni Bella. Sa matagal kong pagtitig sa mukha ni Morgan, mas lalo kong napapatunayan na habang tumatagal ang panahon mas nagiging kamukha niya ang kaniyang ama. Siguro nga ang nakuha lang niya sa akin ay ang aking kutis na natural na talagang maputi at ang natira ay puro sa kaniyang ama na.

                    Muli kong tinanong kung ano ba ang tanong ni Bella, nagbabakasakaling kaya ko naman sagutin ang tanong ng makulit na bata.

                   Iniiwas ni Morgan ang tingin sa akin at saka yumuko, nagsimula na siyang kutkutin ang kaniyang mga daliri palatandaan lang na talagang may bumabagabag sa kaniya.

                 Inabot ko ang kaniyang mukha upang iharap sa akin. Parang nadurog ang puso ko ng makita ko ang panunubig ng kaniyang mata!

Caina (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora