P8

2.3K 63 3
                                    




Panay ang pagpag ko sa sarili ko kahit pa alam kong hindi matutuyo ang basa kong mga braso ng ganoon kadali. Ginagawa kong libangin ang sarili ko sa pagpapagpag sa mga braso dahil ayaw kong isipin na eto kami. Na kasama ko siya sa kaniyang mamahaling sasakyan. Bukod pa doon, ayaw ko ding maalala ang tingin niyang deretso sa aking mata pababa sa aking mga labi.

I unconsciously bite my lips again.

"Why did you leave? Why didn't you wait for me? And one more damn thing, don't test my patience, Caina," may diing mga sabi ni Connor na saglit na nagtapon ng tingin sa akin— o sa aking labi— kaya napatigil ako sa kunwari kong pagpapagpag.

"K-kasi baka busy ka Kuya Connor, k-kaya naisipan kong mauna na—"

"Kuya? Really? Oh damn that word!" aniya na may kasama pang hampas sa kaniyang manibela kaya napatigil ako sa pagsasalita.

          Ano bang ikinagagalit niya? Gayong sa parte ko ay okay lang naman kahit nahuli siya sa pag-sundo o hindi ako masundo. Hindi ba't pabor pa nga 'yun sa kaniya?

            "At talagang may balak kapang magpahatid sa lalaking 'yun?" mahina lamang niyang usal ngunit rinig ko dahil sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

             "Sa tingin ko wala namang masama Kuya Connor kung magpapahatid ako sa subdivision service vehicle, mas ligtas 'yun kung tutuosin," pangangatwiran ko kahit pa sa labas ako ng bintana nakatingin. Pinagmamasdan ang paglandas ng tubig sa salamin.

   
             "Wala akong problema sa sasakyan, Caina. My problem is that, that man," at sinundan 'yun ng buntong-hininga, "I'm sorry but I don't trust him," aniya pa.

        
             Pakiramdam ko ay gusto ko ding mapabuntong-hininga sa hindi ko alam na dahilan. Kung tutuosin ay wala namang patutunguhan kung patuloy naming pag-uusapan ang bagay na 'to.

          Ngunit kahit pa 'simpleng' bagay lamang 'to di ko parin mapigilan ang mag-salita.

        Manahimik kana, Caina.

           "Marangal naman na trabaho ang pagiging guwardiya, hindi ba Kuya? Kaya sa tingin ko ulit ay wala ring problema kung siya pa ang maghatid sa akin sa mansion niyo," hindi parin nakatingin na saad ko.

           Napalingon ako sa kaniya dahil biglang huminto ang sasakyan sa gitna ng maulan na kalsada ng subdivision gayong ilang bloke pa ng mga mansion bago ang mansion ng mga Volzkian.

    
            Ramdam ko ang pagbilis ng ritmo ng aking puso. Alam naman nating lahat na lahat ng puso ay tumitibok ngunit mas alam natin na may ibang dahilan kung bakit bumibilis ito sa paligid ng taong... gusto mo?

         Gusto ko sanang salubungin ng kunot-noong mukha si Connor kung hindi ko lang ramdam ang intensidad ng kaniyang tingin. May bahid ng dilim at ng kung anong emosyon na... hindi ko gustong mawari.

           "You don't like it when I say my own true reason —" at naputol 'yun ng kaniyang cellphone na tumutunog.

           Parehas kaming napatingin sa kaniyang dashboard kung nasan ang cellphone. Sa tingin ko ay bago 'yun dahil kumpara sa pinahiram niya sakin mas malaki 'yun ng konte.

           Revina calling...

          Bakit ba 'to tumatawag?

          At kahit pa di ako tumingin sa salamin, alam at ramdam ko ang pagsasalubong ng aking kilay maging ang pagsingit narin ng aking mata kaya agad akong humarap sa bintana ng sasakyan kung saan kita ko ang mukha ko na gusot at parang... galit?

           Wala naman akong problema sa kung anong estado ni Connor at Revina. Sa katunayan ramdam ko sa aking sarili na kayang-kaya ko silang suportahan kahit pa may konteng kirot akong nararamdaman.

            Kita ko sa repleksyon ng salamin kung paano niya sinagot ang tawag. Ang kaninang matigas na imahe niya ay napalitan ng lambot na wari mo'y naging maamong tupa.

           "Yes, baby?" Malambot na boses na bati niya kay Revina.

           Baby, yun din ang itinawag niya sa akin kaninang umaga.

           "I missed you, baby," ani Revina.

          Talagang rinig 'yun sa loob ng sasakyan dahil nakakonekta ata 'yun mismong speaker neto.

          "I know Rev, even me," balik na tugon ni Connor bago pinaandar ng muli ang sasakyan na akala mo'y walang nangyari.

          "I miss you so much. I miss your kisses, your touch and how deeper—"

           "Revina, slow down. C-caina is here. We're driving," seryoso ang kaniyang tinig.

            Ramdam ko ang pagpula at pag-iinit ng aking pisnge at mata. Agad kong kinagat ang aking labi para mabawasan ang tensyon na nasa aking katawan.

         Anong d-deeper?

         Napakurap ako sa naisip. Hindi ako ganoon kabobo para hindi malaman kung ano 'yun. At sa tingin ko ay normal naman nilang ginagawa ang bagay na 'yun dahil magkasintahan sila. Mahal nila ang isa't isa at sa tingin ko ay ganoon na ka-liberated ang nasa ibang bansa, hindi ba?

         "Sorry," rinig ko pa ang mabining tawa ni Revina, "Hi Caina! How are you?"

            "Okay lang, k-kamusta?"

             "Doing great. By the way, keep an eye on my Connor there for me please? We both know how many girls is lurking over my man," magaan na boses na sabi niya.


            Bantayan laban sa mga babaeng may nararamdaman sa kay Kuya Connor.

              Including me?

           "S-sige, ate Revina,"

           Yes, including you myself.

——————————

         Belated Merry Christmas!!🎁

         Update is finally here. Thank you pala sa Ate Ru ko na chineck ang mga pagkakamali ko dito sa Caina. Asahan niyong ieedit ko agad to pag may oras na. And malay natin lahat, marecommend nga 'to diba? Haha.

         Sa mga kasamahan ko sa Alif, thank you sa feedback. Malaking tulong at boost sa confidence ko yung ginawa niyo.

         At sa mga tahimik na nagbabasa diyan. Salamat sa tulong para lalong tumaas ang reads ng Caina.

        Belated Merry Christmas again and I love you😊💕

Love,

Angel_Serendipitous


      

         

Caina (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu