P23

1.7K 57 13
                                    

             Nanatili lamang ang tingin ko sa puting kisame ng aking kwarto kinaumagahan. Iniisip ko ang binitawang salita ko kagabi kay Nate.

           Siguro nga'y padalos-dalos ako at dala lamang yun ng lahat ng nangyayari sa akin. Pero pwede namang maitama 'yun hindi ba? Bigyan ko lamang ng panahon ng sarili ko upang pag-aralan siyang mahalin o kahit magustuhan man lang. Alam ko magiging tama rin ito.

           Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang katok. Anong oras na rin ngunit nakahiga pa rin ako. Dapat kanina pa ako tumutulong sa kusina para sa agahan ngunit heto mas pinagkakaabalahan ko pa ang mag-isip ng solusyon sa problemang pinasok ko.

             Tumayo ako at sinuot ang nakaabang na tsinelas sa baba ng aking kama at saka naglakad papunta sa pinto. Hindi na rin ako nag-abala pang magsuklay o kahit mag-tanggal man ng dumi sa mukha. Suot ko aking pajama ng buksan ko ang aking pinto.

          Bumungad sakin ang isang punpon ng kulay pulang rosas. At naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ang nakangiting mukha ni Nate sa akin. 

           At ngayon masasabi kong ayaw kong ako ang maging dahilan para mawala 'yan.

            "Goodmorning, Caina," aniya.

            Alanganin akong ngumiti at saka tinaggap ang bulaklak na dala niya. Si Nate ang...sa tingin ko ay unang opisyal kong nobyo.

             "I'll wait for you downstair?" tanong niya pa na ikinatango ko ng marahan.

              Napapikit ako at mumunti pang lumakas ang tibok ng puso ko ng lumapit siya upang halikan ako sa aking noo bago siya tuluyang umalis sa aking harap. Hinatid pa ng aking tingin ang imahe niyang pababa ng hagdan.

     
           Isasara ko na sana ang pinto kung hindi ko lang napansin ang bulto ng tao sa kaliwang bahagi sa labas ng aking kwarto. Kunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin at para bang nagtatanong ang kaniyang mata ngunit ipinagsawalang-bahala ko 'yun at tuluyang isinara ang pinto.

           Inilapag ko rin ang pulang rosas sa aking vanity mirror at saka pumasok sa banyo upang mag-ayos na. Hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta ngunit nagsuot parin ako ng desenteng damit.

             Basa pa aking buhok at akin yung tinutuyo ng lumabas ako sa banyo ngunit agad ding natigilan ng makita si Connor na hawak ang pulang rosas na galing kay Nate.

              "Magandang umaga," deretsong bati ko. Natutuwa ako dahil hindi man lang ako nautal sa sinabi ko kahit pa kinakabahan ako sa klase ng kaniyang tinging ipinupukol sa rosas na hawak niya.

            "What's this?" ani Connor.

            Gusto kong mag rebelde hindi dahil sa katotohanang hindi kailanman namin masusuklian ang isa't isa, ngunit dahil gusto kong ipakitang kaya ko siyang kalimutan. Na kaya ko siyang palitan.

            "Bulaklak, Kuya," saad ko habang patuloy ko paring pinatutuyo ang aking buhok.

            Napalingon ako ng marinig ko ang pagkalamusok ng lalagyan ng bulaklak na ngayon ay nasa lapag na!

            "Ano bang problema mo?!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.

            Dinaluhan at pinulot ko ang kawawang bulaklak sa sahig. May ilang naputol na tangkay at ang ilan naman ay nalagasan ng petals. Naiinis ako dahil may lugar sa puso ko ang maliit na regalong natanggap ko ngayong umaga.

           
              "Now you're shouting at me?! Kailan kapa tumanggap ng mga bulaklak?!" aniya.

               "'Wag mo rin akong sigawan," mahinahong sabi ko.

 
               Inayos kong muli ang bulaklak at sinalubong ng kaniyang matang madilim na nakatingin sa akin.

             Ngunit agad ko ding iniiwas ang aking mata ng maging malinaw sa akin ang kaniyang hitsura. Kahit pa galit hindi parin nawawala ang gandang lalaki niya. Nakasuot siya ng office attire at paniguradong papasok ng trabaho ngunit heto't nandito siya sa harap ko para lamang komprontahin ako tungkol sa bulaklak na 'yan.

            "Hindi na ba ako pwedeng tumanggap ng bulaklak?"

            Determinado na akong labanan ang puso ko.

            "Ganiyan kaba gumanti?" aniya na ikinatigil ko.

             Sa tingin niya ba'y ginagantihan ko siya? Na ginagawa ko 'to dahil sa sobra kong pagmamahal sa kaniya? Ganoon ba 'yun? Hindi ako gumaganti. Inaahon ko ang sarili ko sa banging kinabagsakan namin.

            "Hindi, Connor. Hindi ako gumaganti at wala akong balak. Gusto ko lang na kalimutan ang lahat,"

            Totoo. Ayaw kong umabot kami sa puntong kailangan pa naming saktan ang mga magulang niya. Tinatakbuhan ko na ang resulta bago pa mangyari.

             Nakita ko ang paglambot ng kaniyang imahe. Ang nagsusumamo niyang mga mata.

              Napakurap ako ng ilang beses ng hilain niya ako upang yakapin.

              "No, baby. Go on, gumanti ka. Tatanggapin ko kung gumaganti ka pero hindi tatapusin. Gumanti ka nalang, please," aniya.

               Pakiusap, wag na nating pahirapan ang isa't isa.

              "Madali ba akong palitan?" narinig kong tanong niya.

               Nanubig ang aking mata. Hindi. Kahit anong mangyari hinding-hindi.

              "H-hindi kita pinapalita. Dahil una palang hindi ka naman akin,"

               Inagaw lang kita. At mananatili rin akong magnanakaw dahil ninakaw kita.

---------------

    Halaaa guys. Sabi ko sa last update 6 days ago, happy soon to 8k pero binigyan niyoko ng 9k 😭

       The best talaga kayoooo😭💓 Pasensya na sa matagal tapos maikle kong update ah? Sorry 😘

       Pero sana mag-enjoy ka padin😊

Xoxo💓
             

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon