P26

1.5K 39 7
                                    





           Nanatili ang tingin ko sa aking sarili sa harap ng salamin. Pinagmamasdan ko kung gaano kaganda ang ayos ng aking buhok. Ang maayos at pantay na pagkakalagay ng konting make-up, at kung gaano ako kadalaga sa gown sa aking suot.

           "You look stunning, baby girl..." rinig kong sabi ng babaeng nag-aayos sa akin.

          Nginitian ko naman iyon sa salamin. Minsan ko lamang marinig ang bagay na 'yun. Kaya para bang sumaya ang puso ko dahil 'dun.

             "...there! Keep the smile. It's your 18th birthday. Your princess day kaya di dapat matalbugan ng mga bisita," aniya ulit.

           Tumango naman ako pinagmasdan kong muli ang nakangiti kong mukha. Nakikita ko si mama. May ilang litrato niya ako noong kabataan niya. Di maipagkakailang nanggaling ako sa kaniya, para lamang kaming pinag-biyak na bunga. Ngunit iba lang ang aking mata. Kay papa iyon panigurado.

             Kay papa... siguro kung nandito siya. Siya ang aking unang isasayaw. Kaso hindi naman lahat ng pinapangarap ko ay possible. Kung nasaan man siya ngayon, pinapangarap kong maalala niya ako at ang araw na 'to. Pinapangarap kong kahit mamaya sa aking panaginip maka-sayaw ko man lang siya.

              "You're done?"

             Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na tapos na pala at pumasok si Ate France sa aking kwarto. Maayos na maayos na pagkakakulot ang kaniyang buhok, ang sopistikada niyang fitted dress ay pula rin na lalong nagpalabas ng kaniyang kaputian. Wala kang maipipintas ni isa.

 
            "Oo, Ate France," simpleng sagot ko.

          Ngayong tapos na akong ayusan alam kong ano mang minuto mag-sisimula na ang party. Ngayon ko lamang naramdaman kung gaano kalakas na sumikdo ang aking puso dahil sa kaba. Wala akong kaibigan sa eskwela pero halos puro school mates ko lamang ang bisita at ilang kamag-anak ng Volzkian kaya lalo lamang akong kinabahan.

          Paano ang 18th roses? Ang 18th candles at iba pa? Sino ang gagawa ng mga yun para sa akin?

   
             "'Wag kang masyadong mag-isip, Caina. Lahat ay maayos. By the way..." ani Ate France.

             Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. Kulay rose pink iyon at may ribbon pa sa ibabaw.

             "Happy Birthday little Caina," aniya ng may ngiti sa labi ako ako nilapitan para yakapin na siya namang ginantihan ko.

              Umupo si Ate France sa aking kama at saka sinabi sa aking maari ko ng buksan ang regalo niya.

   
              Tinaggal ko ang nakabuhol na ribbon pati na rin ang takip. Bumungad sa akin ang isang maliit na parang remote control at... dalawang susi?

              Kinuha ko 'yun sa loob ng maliit na box at saka pinakatitigan ng mabuti ngunit agad ding nanlaki ang aking mata ng makita ang isang sikat na brand ng kotse!

             "Ate France? H-hindi ako marunong mag-drive," gulat pang sabi ko.

          "Then take a class for driving and the other key? It's for your own condo in Manila. Connor and I bought those things," malinaw na sabi ni Ate France na para bang gumastos lamang siya ng piso para sa bata.

            Condo? Kotse? Hindi ba parang sobra naman 'yun? Aanhin ko ang mga bagay na yan?

 
           "A-ano naman pong gagawin ko sa mga 'to?"

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now