Elemental Academy

3.5K 94 0
                                    

Chapter 2: Ethan Flame...

Sa hallway...

"Hindi pa rin ako naniniwala sa reason mo kanina. Teka, patingin nga niyang mata mo."sabi niya sabay harap sa'kin.

Hinawakan ko naman yung sunglasses ko. Hindi ko pa rin kasi inalis yung sunglasses ko.

"Hindi pwede!"sabi ko at umatras ako ng kaunti.

"Bakit?"tanong niya.

"Ah basta! Itim lang ang mga mata ko, hindi tulad ng sayo na kulay blue. Kapag tinanggal ko 'tong sunglasses ko magtataka sila kung paano ako nakapasok dito."saad ko.

"Ah oo nga pala. Alam mo ba na isa lang ang may tatlong ability dito sa academy? Siya si Ethan Flame. Apelyido niya palang nakakatakot na. Fire, water, and Lightning ang ability niya. Kinakatakutan siya ng lahat. Hindi lang dahil sa taltlo ang ability niya, mainitin kasi ang ulo ni Ethan kaya walang estudyante na natatangkang galitin siya. Nung una may isang estudyante na ginalit siya, kaya ayun! Nilapnos niya ang balat ng kanang braso nito tsaka binugbog niya hanggang sa mawalan ng malay. Buti nalang at lapnos lang at bugbog ang inabot niya at hindi siya pinatay ni Ethan. Kaya ikaw, mag-ingat ka. Wag mo siyang galitin kung gusto mo pang mabuhay."mahaba niyang saysay.

"Opo. Halika na, nagugutom na ako."yaya ko sa kanya.

Sa canteen...

"Halika na, kumuha ka na ng pagkain."yaya sa'kin ni Cindy.

"Cindy, ano kasi... Wala akong pera."sabi ko.

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Hindi na natin kailangang magbayad dahil libre lahat dito. Kaya pwede kang kumain kahit kailan mo gusto. Halika na."sabi niya. Tumango lang ako in response. Pumila na kami at kumuha na ng pagkain. Pagkatapos nun...

"Halika dito Audrey. Ipapakilala kita sa grupo."nakangiti niyang sabi.

Tumango nalang ako. Umupo na kami sa isang table na may dalawang babae at dalawang lalaki.

"Hi guys!"bati ni Cindy sa apat. Umupo na si Cindy kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

"Cindy, sino siya?"tanong ng isang babae.

"Guys, siya si Audrey Evangeline Miller. New student. Audrey, siya si Ivorie Snow Windle, wind ang ability niya. Siya naman si Elaine Jade Watender, water elemental ability. Siya si Drake Windle, water and lightning element ang hawak niya. And lastly, Ethan Flame, fire, water and lightning ang elemental ability.

"Hi Audrey!"bati ni Ivorie at Elaine. Si Ethan naman at si Drake ay patuloy na kumakain.

"Magkapatid pala kayo ni Drake, Ivorie?"tanong ko.

"Oo."sagot niya.

"May kapatid din ako. Kakambal ko. Si Andrey Miller."sabi ko.

"Kakambal mo pala si Andrey?"tanong naman ni Drake.

"Oo, bakit?"sagot at tanong ko.

"Ka-dorm mate ko kasi siya."sabi niya at nagpatuloy na sa pagsubo ng pagkain.

Biglang...

"Hoy Audrey!"patingin ko si Andrey lang pala.

"O bakit?"tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Hi Drake!"sagot at bati niya kay Drake.

"Hi!"response naman ni Drake.

Umupo naman si Andrey sa tabi ko, at kumain. Pagkatapos naming kumain, unang umalis si Ethan, hindi nga nagpaalam eh. Tapos umalis na rin si Andrey at Drake, umalis na rin si Ivorie at Elaine dahil may gagawin pa daw sila. Kaya ito kami ni Cindy, bumalik na kami sa dorm namin. Pero nagpaalam din si Cindy dahil may bibilhin daw siya. Haayyy! Wala akong magawa! Lumabas muna ako. Habang naglalakad ako sa hallway, tumitingin sa'kin ang mga estudyante at nagbubulungan.

"Grabe, ang lakas ng aura niya." -G1

"Oo nga." -G2

*Scoffed* Nagbubulungan ba talaga sila? Ang lakas ah! Dinig na dinig ko nga eh! Ewan ko ba pero naririnig ko sila kahit ang layo nila. Malinaw sa'kin ang mga pinag-uusapan nila.

Author's note:

Sharp hearing is a very rear ability. It's an ability that can hear even in a very long distance. They can hear clearly even though the person is at a very long distance.

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Napahinto ako ng may humarang sa harapan ko. Pagtingin ko... 😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨

"E-Ethan."nauutal kong sabi.
"A- Anong kailangan mo?"nerbyos kong tanong.

"May gusto lang akong malaman. Anong elemental ability mo?"tanong niya sa'kin.

Grabe talaga pag nandito si Ethan. Hindi ako makagalaw. Ewan ko ba pero parang pinako yung mga paa ko sa lupa.

Hay! Ayan na naman yang tanong na yan!

"Sagutin mo nalang ako."inis niyang sabi.

Mind reader ba siya?

"Sagutin mo nalang kasi ako! Ang dami mo pang satsat. Nakakabingi ka na."angal niya.

😱😱😱 Naririnig niya nga!!!

Author's note:

Yan lang po muna. Sa next chapter na po mailalabas ni Audrey ang ability niya dahil kay Ethan.

Ano kaya ang mangyayari sa unang labas ng kanyang Elemental ability?!

Hooo! Excited na 'ko!!!

Thank you!!!😇😇😇

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now