Elemental Academy

2.6K 68 0
                                    

Chapter 6: Telepathy Conversation...

Ethan's POV...

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko kay Drake at Andrey.

"Pinapunta kami ni Ivorie dito. Nagtaka kasi si Audrey kung bakit nandun kaming lahat."sabi ni Drake.

Concern din pala siya sa'kin.

"Audrey, okay ka na ba?"tanong ko sa kanya gamit ang telepathy.



"Hoy Audrey! Ako 'to si Ethan. Sumagot ka naman diyan."inis kong sabi.

"Ethan, ikaw pala. Akala ko kung sino na!"sabi niya.

"Okay ka na ba?"tanong ko ulit.

"Oo, ikaw, okay ka na ba?"tanong niya.

"Okay lang naman ako. Ikaw huh! Ba't ka sumasama sa di mo kakilala?"inis kong tanong.

"Pasensiya na. Na-curios lang naman ako sa taong yun. Minamanmanan niya kasi ako eh!"sabi niya.

"Sa susunod, magpasama ka para di ka mapahamak."sumbat ko.

"Opo."bored niyang sabi.
"Siya nga pala, salamat sa pagligtas mo sa'kin kanina."dagdag niya.

"Wala lang yun. Kahit sino naman gagawin yung ginawa ko."sabi ko at ngumiti.

"Hoy! Ba't bigla-bigla ka nalang ngumingiti diyan?"takang tanong ni Drake.

"Bakit? Bawal ba huh?!"inis kong tanong.
"Umalis na nga lang kayo dito. Istorbo kayo sa'kin eh!"pasigaw kong sabi.

"Hoy! Wag mo naman silang pagalitan!"sabi ni Audrey.

"Naririnig mo kami?"tanong ko.

"Oo, dinig na dinig ko kaya kayo diyan."sabi niya.

Audrey's POV...

"Hoy ba't bigla-bigla ka nalang ngumingiti diyan?"rinig kong tanong ni Drake kay Ethan.

"Bakit? Bawal ba huh?!"inis na tanong ni Ethan. Napaka-sungit niya talaga.
"Umalis na nga lang kayo dito. Istorbo kayo sa'kin eh!"dagdag pa niya.

"Hoy! Wag mo naman silang pagalitan!"sabi ko.

"Naririnig mo kami?"tanong niya.

"Oo, dinig na dinig ko kaya kayo diyan."sabi ko.
"May sharp hearing ako kaya naririnig ko kayo diyan sa kabila."dagdag ko.

"Ah! Ganun ba?"

"Teka, hindi ka pala gaano ka sungit noh! May natitira pa palang bait diyan sa puso mo."tukso kong sabi sa kanya.

"Syempre, hindi naman ako totally masungit."sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hoy Audrey, ayos ka lang? Ba't ngumingiti ka diyan?"tanong ni Cindy.

"Wala lang. Ay teka, nakita mo na bang ngumiti si Ethan?"tanong ko.

"Hindi pa. Bakit?"tanong niya pabalik sa'kin.

"Wala lang. Naisipan ko lang mag-tanong."sabi ko.

"First time mo palang ngumiti?"tanong ko kay Ethan.

"Uhmmm... Oo. Paano mo nalaman?"tanong niya.

"Secret yun!"sabi ko.

Cindy's POV...

"Hoy Drake. May napapansin akong kakaiba kay Audrey."sabi ko kay Drake gamit ang telepathy.

"Ako nga rin eh! Biruin mo, ngumiti si Ethan! First time ko siyang nakita na ngumiti."tugon ni Drake.

"Ang weird nilang dalawa ngayon."sabi ko.

Bigla nalang tumawa si Audrey.

"Drake, tumawa bigla si Audrey."sumbong ko kay Drake.

"Si Ethan din! Kanina smile lang, ngayon tumawa na talaga."sabi naman ni Drake.

"Di kaya..."

"Nag-uusap sila gamit ang telepathy!!!"sabay naming sabi ni Drake.

Audrey's POV...

"Anong fish ang nagsisilbing lugar para mag trabaho?"tanong ko kay Ethan.

"Ano?"takang tanong niya.

"Eh di, o-fish!!!"sagot ko.

"Hahahahahahahahhahaha!!!"tawa naming dalawa.

"Ano ang tawag sa isdang may syota na?"tanong niya.

"Ano?"tanong ko.

"Eh di, ofishially on!"sagot niya.

"Hoy Audrey. Sabihin mo nga. Nag-uusap ba kayo ni Ethan gamit ang telepathy?"tanong ni Cindy.

"Huh? Hi-hindi no."tanggi ko.

"Sige na Ethan, itigil na natin 'tong kabaliwang 'to. Mukhang nahahalata na ako ni Cindy eh! Sige huh. Bye."sabi ko.

"Sige, bye."tugon niya.

"Wala ba kayong class?"tanong ko sa kanila.

"Meron, pero nag-excuse kami para mabantayan kayo."sabi ni Ivorie.

"Salamat sa pagbantay niyo sa'kin."sabi ko.

"Walang anuman yun. Kaibigan ka namin. Dapat nandiyan kami para sayo."sabi naman ni Elaine.

"Lumabas na tayo ng hospital. Okay na naman ako eh! Puntahan nalang natin si Ethan at sina Drake."sabi ko.

"Sige."pagsang-ayon ni Cindy at pinuntahan na namin sina Ethan.

"Hi Ethan!"bati ko kay Ethan.

Napatingin naman silang lahat sa'kin.

"Bakit?"tanong ko.

"Si Ethan lang ang binati?"tanong ni Drake.

"Sorry. Hi Drake!"bati ko.

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Ethan.

"Pinuntahan ka este kayo!"sabi ko.

"Ah! Medyo na bored na ako dito kaya aalis na ako huh!"sabi ni Ethan at umalis na ng walang paalam.

"Anong nangyari dun?"tanong ko.

"Ewan! Hayaan mo na yun! Palagi talagang ganun yun."sabi ni Drake.

"Halina kayo. Umalis na tayo."sabi ni Elaine at umalis na kami.

Sa dorm...

Humiga ako sa kama ko. Ano kayang nangyari dun sa lalaking yun? Kanina ang bait niya, tapos bigla nalang naging masungit! Napaka-bipolar talaga. Paiba-iba ng ugali.

Tumingin lang ako sa ceiling hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Author's note:

Hanggang diyan lang po muna! 😇

Sa susunod na Chapter na po magte-training si Audrey para sanayin ang ability niya.

See you sa next chapter!!!😇😇😇

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now