Elemental Academy

2.1K 64 0
                                    

Chapter 9: Kidnapped...

Audrey's POV...

Pinatuloy ko na ang pagbabasa.

"Elemental Abilities:

Five types of Elemental Ability:

• Water
• Fire
• Air
• Lightning
• And the sub-type of water which is Ice.

Other Abilities:
*Teleportation, telepathy, sharp hearing, sharp seeing, deceiver, seer, healing, controlling things, body manipulating, invisibility, cloning, super speed, and dark ability.

Very powerful ability:

•All elemental ability is a very dangerous ability. He/she can protect or destroy everything. An ability like that will not be practiced in a short time. It can harm the body and life of the user, and those who surround him/her. That ability is a very rare ability, he/she can be a saviour, or he/she can be a destroyer. Him/her power was needed by the Dark World to become the very powerful World."

"Kaya pala hinahabol ng mga taga-dark world, kasi ako ang kailangan nila para maging malakas at masakop ang buong Magical World."sabi ko sa sarili.

Biglang sumakit ang ulo ko at may nakita akong mga tao sa isip ko. Sina mama't papa.

Kinuha sila ng mga taga-dark world. Ano ng gagawin ko??? Agad akong pumunta sa office ni Ms. Frost.

"Principal Frost!"tawag ko sa kanya.

"Oh! Audrey! Bakit ka nandito?"tanong niya.

"Si mama't papa po, kinuha ng mga taga-dark world."sabi ko.

"Ano?!!!"pagkabigla niyang tanong.
"Paano mo naman nalaman yan?"

"Nakita ko po sa isipan ko. Principal Frost, ano nang gagawin natin?"paliwanag at tanong ko.

"Tatawagan ko muna ang mga magulang mo para masiguro kung nakuha ba talaga sila o hindi."sabi niya at agad na tinawagan sina mama at papa. Pero walang sumasagot.

"Hindi sila sumasagot. Ibig sabihin, nakuha nga sila ng mga taga-dark world."sabi niya. Halos mawalan ako ng lakas dahil sa nalaman ko.

"Anong gagawin natin?"tanong ko.

"Ako ng bahala dun. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Wag kang mag-alala, magiging okay sila. Hindi nila sasaktan ang parents mo."saysay niya.

"Paano niyo po nalaman?"tanong ko ulit.

"Dahil ikaw ang kailangan nila at hindi nila sasaktan ang parents mo hangga't di ka nila nakukuha. Kaya sige na, magpahinga ka muna."tugon niya at umalis na rin ako.

Hapon na ngayon at sigurado akong nakauwi na si Andrey sa dorm niya kasi nandito na si Cindy. Nagpaalam muna ako kay Cindy bago ko pinuntahan si Andrey.

"Andrey."

"Oh bakit Audrey?"tanong niya.

"May kailangan kang malaman."sabi ko.

"Ano 'yun?"

"Kinuha ng mga taga-dark world sina mama at papa."tugon ko.

"Ano?! Humanda sila sa'kin!"sabi niya at akmang aalis pero hinarangan ko siya gamit ang apoy.

"Ano ba?! Alisin mo 'to sa harapan ko!"sumbat niya.

"Hindi ka pwedeng basta-basta nalang sumusugod. Mapapahamak lang sina mama at papa. Huminahon ka lang."pag-aawat ko sa kanya.
"May iba ka pang dapat malaman."

"Ano na naman yun?"inis niyang tanong.

"Dark Ability ang kapangyarihan na meron ka."sabi ko at nabigla naman siya.

"Anong pinagsasabi mo?"takang tanong niya.

"Isinumpa tayo ni Genesis Night. Ikaw isinumpa ka na magkakaroon ka ng Dark Ability at ang tanging makakaalis nun,,, ay ang pagsasakripisyo ko. Ibibigay ko ang kapangyarihan ko kay Genesis Night, ang Headmaster ng Dark World, kapalit ng pagkawala ng sumpa na nasa iyo."paliwanag ko.

"Paano mo naman nalaman yan?"tanong niya.

"Binasa ko ang libro tungkol sa History ng Magical World. Dun ko nalaman ang lahat."halos naiiyak na ako.

"Bakit parang iiyak ka na ata?"tanong niya ulit.

"Dahil, isinumpa ako ni Genesis na hindi ako maaalala ng taong mamahalin ko."malungkot kong saad.
"Sige na, magpahinga ka na. Si Principal Frost na daw ang bahala kina mama at papa. Hindi nila sasaktan sina mama at papa hangga't di nila ako nakukuha. Kaya wag kang sumugod dun. Mapapahamak ka lang at sina mama."sabi ko at umalis na rin.

Sa dorm...

"Oh Audrey! Nandito ka na pala. Halika, punta na tayong canteen. Nagugutom na ako eh."yaya niya at agad naman kaming pumunta sa canteen.

Kumuha kami ng pagkain at umupo na rin dun kona Ivorie.

"Nasa'n si Ethan?"tanong ko.

"Ewan namin. Palagi talagang ganun yun."sagot naman ni Elaine.

"Buti naman at wala siya dito. May sasabihin kasi ako sa inyo eh. Sakto naman at wala si Ethan, baka kasi magwala yun."sabi ko.

"Ano ba yung sasabihin mo?"tanong ni Drake.

"Nakidnap kasi ang mga magulang ko."saad ko.

"Ano?! Sinong kumuha sa kanila?"tanong naman ni Ivorie.

"Ang mga taga-dark world."sagot ko.

"Ang sama talaga nila."sabi naman ni Cindy.

"Buti talaga at wala dito si Ethan. Kung hindi, kanina pa yun sumugod sa Dark World."sabi naman ni Drake.

"Ano nang gagawin natin?"tanong ni Cindy.

"Si Principal Frost na daw ang bahala kina mama at papa. Hindi nila sasaktan sina mama hangga't di nila ako nakukuha, o di ako susuko."paliwanag ko.

"Kahit anong mangyari, wag na wag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. Tutulungan ka namin Audrey, wag kang mag-alala."sabi ni Elaine.

"Salamat."sabi ko at ngumiti lang ng bahagya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Sana nga ayos lang sila. Kasi kapag may nangyaring masama sa kanila, di ko alam kung anong magagawa ko.

Author's note:

Hanggang diyan lang po muna!!!

See u sa next chapter!!!😍😍😍

Elemental Academy (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz