Elemental Academy

2.7K 73 0
                                    

Chapter 5: The guy with cloak...

Ethan's POV...

Ewan ko ba, pero ba't parang naging concern ako sa babaeng 'to. Siguro... Urgh! Hindi. Hindi pwede Ethan!

Natutulog ako ngayon. Tinatamad kasi akong makinig. Alam ko na naman ang history ng Elemental Academy kaya di na 'ko makikinig. After a long discussion...

"Hoy Ethan, gising na."rinig kong sabi ni Audrey.

Agad akong... Bumangon?! Teka lang. Ba't ko ba sinusunod 'tong babaeng 'to?

"Tapos na pala ang klase."sabi ko.

"Oo. Tulog ka kasi. By the way, concern ka ba talaga sa'kin kanina?"tanong niya.

"Hi-hindi no!"tanggi ko at umalis na.

Audrey's POV...

WALANG HIYA! Tinatanong lang, nag walk out na agad!

"Naririnig kita!"sigaw niya.

"Wag mo sabing pakinggan ang iniisip ko eh!"sumbat ko pero nakalayo na siya. Walang hiya.

"Wow! Grabe ka rin ah! Ikaw lang ang nakagawang makipag-usap sa kanya ng ganyan."sabi ni Cindy.

"Talaga?"tanong ko.

"Oo."ikling sagot niya.

"Ganun ba? Halika na, mag-recess na tayo."yaya ko kay Cindy.

"Sige."sabi niya at umalis na kami.

Sa hallway...

Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang lalaking naka cloak.

"Ah... Cindy, mauna ka muna sa canteen, may pupuntahan lang ako sandali."sabi ko.

"O Sige, bilisan mo huh!"sabi niya at umalis na.

Sinundan ko ang lalaking naka cloak kasi pumunta siya sa likod ng academy. Nakita ko siya na nakaharap sa'kin.

"Minamanmanan mo ba ako?"tanong ko. He smiled with an evil smile.

"Tama ka. Minamanmanan nga kita."sabi niya sa mahinang boses pero rinig na rinig ko pa rin ang sinabi niya.

"Anong kailangan mo sa'kin?"tanong ko.

"Ipakita mo sa'kin ang totoo mong kapangyarihan."sabi niya.

"Hindi ako marunong dun. Tsaka wala akong kapangyarihan."tanggi ko.

Unti-unti siyang lumapit sa'kin at umaatras naman ako. Bigla siyang nag-teleport at pumunta sa likod ko. Hinawakan niya ako sa balikat. Naramdaman ko na nanghihina ang buong katawan ko.

"A- Anong ginawa mo sa'kin?"nanghihina kong tanong.

"Sabihin mo nalang."utos niya.

"Bitawan mo siya."cold na sabi ng isang lalaki. Si Ethan.

"Ethan, tulungan mo 'ko."sabi ko sa isipan.

"Ethan Flame! Nagkaharap din tayo."sabi ng lalaki.

"Anong ginagawa mo dito Dan? Bawal ka dito."sabi ni Ethan.

"Wala kang paki. Gusto ko lang naman malaman kung ano talaga ang ability niya."sabi nito.

"Wala siyang ability."sumbat ni Ethan.

"Hindi ako naniniwala sa'yo."sabi ng lalaki at hinawakan niya ako sa leeg gamit ang braso niya.

"Ethan, tulungan mo naman ako oh!"sabi ko sa isipan.

"Oo na. Eto na nga eh!"sumbat niya.

Nagpakawala ng fireball si Ethan pero nailagan ito ng lalaki. Gumawa ng fire blade si Ethan at sinugod niya ang lalaki. Nabitawan ako ng lalaki at napaupo ako sa damo. Silang dalawa ni Ethan ang naglaban. Sumakit ulit ang balikat ko.

"Aaahhhhhhhh!!!"sigaw ko.

Cindy's POV...

Nasa'n na kaya si Audrey? Kanina pa siya ah! Naramdaman ko na may malakas na enerhiya na bumabalot sa buong academy.

"Si Audrey!"agad akong umalis at hinanap si Audrey. Nakita ko sina Drake kasama ng mga officials.

"Nasa'n si Audrey?"tanong ni Ms. Frost.

"Hindi ko po alam. Hinahanap ko rin po siya."sabi ko.

"Nawalan ng kuryente ang buong academy dahil sa enerhiya na bumabalot dito, at isa lang ang may kagagawan nito. Si Audrey."sabi ni Principal.

"Andrey, mahahanap mo ba ang kakambal mo?"tanong ni Drake.

Pumikit sandali si Andrey at pagmulat niya...

"Sa likod ng academy."sabi ni Andrey.

Agad kaming pumunta sa likod ng academy at nakita namin si Audrey na nanghihina na, tapos si Ethan na may sugat na sa pisngi. Agad naming nilapitan si Audrey. Tapos ng mapansin ng lalaking naka cloak na marami na kami ay agad din siyang umalis.

"Cindy."mahinang sambit niya bago mawalan ng malay.

Dinala namin siya sa ospital, pati na rin si Ethan.

Tanghali na ng magising si Audrey.

Audrey's POV...

Ang sakit ng ulo ko. Paggising ko, nakita ko sila na nakaupo.

"Audrey, buti naman at nagising ka na!"bungad sa'kin ni Cindy.

"Anong nangyari?"tanong ko.

"Hindi mo naaalala? Nahimatay ka kanina. Nagamit mo ang ability mo kaya nagkaroon ng sandaliang blackout dito sa academy."sabi ni Elaine.

"Teka, nasa'n si Ethan?"tanong ko. Napaiwas naman sila ng tingin sa'kin.

"Ano kasi..."hindi ko na sila pinatapos at nagsalita ulit ako.

"Anong nangyari sa kanya? Sagutin niyo ako!"halos sumigaw na ako sa taranta.

"Nandun siya sa kabilang kwarto, ginagamot pa siya."sabi ni Drake. Nakahinga naman ako ng malalim sa sinabi ni Drake.

"Teka, kung nandun siya sa kabilang kwarto. Bakit kayo nandito lahat?"tanong ko.

"Oo nga! Drake, Andrey, dun kayo kay Ethan."utos ni Ivorie at agad namang tumalima ang dalawa.

Pagkaalis nila...

"Grabe ka Audrey! Ikaw lang ang niligtas ni Ethan ng ganun!"tuwang sabi ni Elaine.

Napangiti lang ako ng bahagya.

Hay! Nagi-guilty ako. Bakit ko ba kasi sinundan ang lalaking yun?! Pakiramdam ko tuloy, ako ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Sana ayos lang siya.

Author's note:

Hanggang diyan lang muna. Bye!!! See you sa next chapter!!!😇😇😇

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now