Elemental Academy

3.1K 93 1
                                    

Chapter 3: Her Ability...

Ethan's POV...

Well, kilala niyo na ako. Gusto ko ng newbie dahil ang sarap pag-tripan. Ngayon si Audrey ang pagtitripan ko. *Killer smile*

"E-Ethan."nauutal niyang sabi.
"A- Anong kailangan mo?" nerbyos niyang tanong.

Halata naman kasi sa mukha niya na nenenerbyos siya. Grabe talaga ako! Nakakatuwa ang mukha niya. 'Hahahahhahahha!!!' pero syempre, hindi ako nagpapahalata sa kanya.

"May gusto lang akong malaman. Ano ang elemental ability mo? Paano ka nakapasok dito?"tanong ko.

Hay! Ayan na naman yang tanong na yan!

Rinig kong sabi niya sa isip.

"Sagutin mo nalang ako."inis kong sabi.

Mind reader ba siya?

"Sagutin mo nalang kasi ako. Ang dami mo pang satsat. Nakakabingi ka na."angal ko.

Naririnig niya nga!

Sabi niya ulit sa isip niya.

"Oo, mind reader ako! Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko."sumbat ko sa kanya.

Naiinis na talaga ako sa babaeng'to! Kung kanina hindi, ngayon inis na inis na ako!😤😤😤

"Uh--- hi--hindi ko alam? At magkaibigan ang Principal dito ang mga magulang ko?"patanong niyang sabi.

"Anong hindi mo alam? Hindi basta-basta nakakapasok dito ang kahit na sino, kahit pa gaano kalapit sa principal ang mga magulang mo, lalo na kung wala kang ability."sabi ko. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Di ba kapatid mo si Andrey?"tanong ko.

"Oo, bakit?"sagot at tanong niya.

"Bakit siya may elemental ability?"tanong ko.

"Hi-hindi ko alam! Kaya pwede ba, lumayo ka sa'kin. Ayoko ng mga katulad mong masasama ang ugali."sabi niya at akmang aalis pero hinila ko siya dahilan para maharap siya sa'kin. Nakakainis na kasi siya eh!

"Alam mo ba na sa pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang sinusungitan at sinusumbatan ako."sabi ko sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!"pagpupumiglas niya.

Binitawan ko naman siya tapos nagpakawala ako ng fireball.

Audrey's POV...

Walang hiya 'to! Binitawan ba naman ako yan tuloy, sumakit yung pwet ko. Bigla nalang may bumulusok na fire ball papunta sa'kin. Napapikit nalang ako at nilagay ang palad sa mukha ko.

After a while...

Ba't parang wala akong naramdaman na nasunog ang katawan ko? Minulat ko ang mata ko at nakita ko na may ice shield sa harapan ko. May fireball ulit na paparating sa direksiyon ko pero may water ball na lumabas galing sa likuran ko at sinangga yung fireball ni Ethan. Paglingon ko, si Drake pala ang may gawa nun.

"Drake."bigkas ko bago mawalan ng malay. Naramdaman ko naman na may sumalo sa'kin para hindi ako bumagsak.

Drake's POV...

Nakita ko si Ethan at Audrey na nag-uusap. Iba talaga ang enerhiya na nararamdaman ko kay Audrey, ang lakas eh! Hanggang sa nakita ko si Audrey na nagpupumiglas dahil hinawakan siya ni Ethan sa braso. Ng bitawan siya ni Ethan, napaupo siya sa ground. Nakita ko na nagpakawala ng isang fireball si Ethan, pero may isang ice shield na pumrotekta kay Audrey. Nilapitan ko na sila, kaya nung nagpakawala ulit si Ethan ng fireball, sinangga ko ito gamit ang water ball ko. Lumingon naman si Audrey sa direksiyon ko.

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now