Elemental Academy

1.7K 40 0
                                    

Chapter 14: Her Choice...😢😢😢

Audrey's POV...

"Bakit niyo po ako pinapunta dito?"tanong ko kay Principal Frost.

"May sasabihin ako sayo."sagot niya.

"Ano po yun?"

"Alam mo naman siguro ang tungkol sa Lola mo?"tanong niya.

"Opo. Bakit po?"takang tanong ko.

"May hinabilin siya sa'kin bago siya malagutan ng hininga."sabi niya.

"Ano pong hinabilin niya sa inyo?"tanong ko.

"Gusto niyang ikaw ang humalili sa kanya sa pagiging Headmistress."saysay niya.

"Po?! Bakit?"tanong ko ulit.

Nakakaasar na ako noh? Palagi akong nagtatanong?

"Kasi ikaw ang may malakas na ability at ikaw ang kailangan para matalo ang mga taga-dark world. Nakita niya noon na ikaw ang may malakas na ability, kaya ikaw ang dapat na pumalit sa kanya sa pwesto. Dito rin nakasalalay ang buhay ng mga magulang mo."mahaba niyang paliwanag.

"Kung ako ba ang magiging Headmistress... Kailangan ba na wala akong kahinaan?"tanong ko.

"Oo Audrey. Hindi ka pwedeng umibig, dahil yun ang kahinaan mo. Maaari nila yung gamitin laban sayo, para matalo ka nila."paliwanag niya.

Kaya ba sinabi ni Ethan na piliin ko ang tungkulin at pamilya keysa sa kanya.

"Pero siya po ang dahilan kung bakit nakakaya ko ang lahat. Ayokong layuan siya."sabi ko at naiiyak na.

"Pasensiya ka na Ms. Miller. Pero yun ang dapat mong gawin. Ang layuan siya. Hindi lang yun para sa'yo, para din yun sa kanya. Para sa kaligtasan niyo."sabi niya.
"Sino ba yang lalaking yan?"tanong niya.

"Wag po kayong magulat................. Si Ethan Flame po."sabi ko.

"Si Ethan Flame?"tanong niya.

"Opo Ms. Frost. Siya nga po. At gusto ko pong makasama siya kahit kunting panahon lang. Hindi rin naman kami magsasama ng matagal."sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Makakalimutan niya po ako,,, sa kaarawan ko."sabi ko.

"Paano mo nalaman?"

"Isa sa ability ko ang pagiging seer. Nakikita ko ang mga mangyayari pa. At yun ang nakikita ko."sabi ko.
"Sa ngayon po, hindi ko pa alam kung anong pipiliin ko. Sasabihin ko nalang sa inyo sa kaarawan ko."dagdag ko.

"Sige Ms. Miller. Hihintayin namin ang desisyon mo. Dapat hinding-hindi mo pagsisisihan ang naging desisyon mo."sabi niya.

"Opo. Sige po, alis na po ako."sabi ko at umalis na agad.

Sa training room...

Pumunta ako sa gitna ng training room.

Nag-concentrate ako at gumawa ako ng pana. Tinira ko ito patungo sa pader. Wala akong ginawang palaso pero paghila ko sa string ng pana ay may lumabas na kulay puti na parang kidlat at ng itira ko yun... Ang isa ay nagiging marami. Hindi ko na mabilang.

Nasira ng bahagya ang pader pagtama ng mga palaso.

"Ang galing nun ah!"sabi ng lalaki at pagtingin ko... Si Drake lang pala.

"Salamat."walang gana kong sabi.

"May problema ka noh?"tanong niya at lumapit sa'kin.

"Wala noh!"tanggi ko.

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now