Elemental Academy

2K 55 0
                                    

Chapter 10: Audrey Vs Andrey...

Audrey's POV...

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming nagsiuwian at pumunta sa kanya-kanya naming dorm.

Kinabukasan...

Maaga akong gumising para maghanda na. Nagawa ko na ang morning routine ko. Tapos, sabay na kami ni Cindy pumasok sa room.

Umupo na ako sa tabi ni Ethan.

"Hi Audrey."bati sa'kin ni Ethan.

"Hi!"respond ko.

"Buti naman at nakapasok ka na ulit."-Ethan

"Oo nga eh. Hehe."sabi with a nervous laugh.
"Ah Ethan, Cr muna ako ah."pagpapaalam ko.

"Sige."tugon niya at umalis na ako.

Habang naglalakad ako, biglang may lumabas na ugat ng kahoy, dahilan kaya nadapa ako.

"Aray!!!"sigaw ko. Nakita ko naman na tumayo si Ethan.

Nakita ko na dumudugo ang tuhod ko, tumama kasi sa isa pang ugat ng kahoy. Shyete!!!

Tinulungan agad ako ni Ethan. Pagkatayo ko...

"Ayos ka lang?"tanong niya.

Tumango lang ako. Naramdaman ko naman na unti-unting nawawala ang sugat ko.

"Sinong may gawa nun?!"halos pasigaw niyang tanong sa mga kaklase namin.

"S-si Janelle a- ang may gawa nun E-Ethan."nauutal na sabi nung babae na may kulay puti na buhok, at kulay blue na mga mata.

"Bakit mo yun ginawa?!"sumbat ni Ethan.

"Ethan tama na. Ayos na naman ako eh."pag-aawat ko kay Ethan.

"Sigurado ka?"tanong niya at tumango lang ako. Binaling niya ang tingin niya dun sa Janelle ba yun?

"Pasalamat ka at nagtitimpi ako ngayon. Umayos ka sa susunod."sabi niya at nag-death glare kay Janelle.

"Sige Ethan, magsi-cr lang ako. Salamat. Bumalik ka na dun sa upuan mo."utos ko sa kanya at agad naman siyang umupo. Habang papunta siya sa upuan niya, di niya inaalis ang tingin kay Janelle.

Pumunta na ako sa Cr. Pagkatapos ay agad akong bumalik sa upuan ko.

Recess time...

Habang pumupila kami ni Cindy, may lumapit sa'minna isang lalaki.

"Kilala niyo ba si Audrey?"tanong niya.

Tanga! Ito oh, kaharap mo.

"Ako si Audrey. Bakit, anong kailangan mo?"takang tanong ko.

"Si Andrey, nakipag-away siya."tugon niya.

"Ano?!"agad kaming umalis at pinuntahan si Andrey sa harap ng may fountain sa harap ng Academy.

Nakita namin na sugatan na ang lalaking kaharap ni Andrey. At si Andrey naman ay naging dark blue ang mata niya. May itim na usok na rin ang lumalabas sa katawan niya.

"Andrey!! Itigil mo na yan! Nakakasakit ka na!"sumbat ko sa kanya.

"Wag kang makialam dito!!!"sigaw niya sabay sakal sa'kin.

"Audrey!"sigaw naman ni Cindy.

Ginapos niya ng tubig ang kamay ni Andrey dahilan para mabitawan niya ako. Umuubo ako dahil sa pagsakal niya. Si Cindy naman ang ginapos niya sa beywang at mga kamay at pinalutang niya ito.

"Patawad Andrey."bulong ko.

Pinalutang ko ang lalaking kaharap niya at nilayo ko. Tapos ginapos ko ng apoy ang kamay niya at lumipad ako, at may lumabas na nag-aapoy na pakpak sa likod ko. May bumulusok na fire ball papunta kay Andrey. Natamaan siya sa balikat kaya napangiwi siya. Lumipad din siya at nagkaroon din siya ng pakpak na kulay itim.

"Itigil mo na 'to Andrey. Masasaktan lang kita."sumbat ko.

Pero imbis na tumigil, tumira siya ng isang water ball pero nasangga ko ito gamit ang apoy. Nag-teleport ako papunta sa likod niya at tumira ako ng sang water ball, dahilan para mawalan siya ng malay. Sinalo ko naman siya para di siya bumagsak sa ground. Bumalik na ako sa ground kasama si Andrey.

"Dalhin natin siya sa Hospital."sabi ni Cindy. Agad naman kaming pumunta sa Hospital.

(After a few hours...)

Unti-unti namang naghihilom ang sugat ni Andrey dahil ginamitan ko siya ng healing ability ko. After a while...

"Audrey?"mahina niyang tugon.

"Andrey, kumusta ka na? Ayos ka na ba?"tanong ko.

"Anong nangyari kanina?"pabalik niyang tanong.

"May sinaktan kang estudyante kanina. Pero ayos na naman ang estudyante na nasaktan mo. Ginagamot na siya."tugon ko.

"Bakit ba 'to nangyayari sa'kin? Dapat di nalang ako binuhay kung ganito rin lang ang maging buhay ko."sabi niya.

"Wag mong sabihin yan. Nandito naman ako para bantayan ka eh. Wag kang mag-alala magiging okay ka rin."sabi ko.

"Alam ko yang iniisip mo. Kahit kailan, wag mong isakripisyo ang kapangyarihan mo para lang mawala ang sumpang nasa akin."sabi niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya.

"Opo. Pangako."sabi ko at tumawa.

Author's note:

Hay!!! Grabe ang intense nung kanina huh! Buti hindi sila nagkapatayan. Hahahahahahahahhahaha!!! Joke lang!

Ano na kayang mangyayari sa next chapter?😮😮😮

See you sa next chapter!!!😘😘😘

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now