Elemental Academy

1.7K 49 2
                                    

Chapter 21: Sermon pa more...

Audrey's POV...

Tumigil ako nung nasa hallway na kami patungo sa office ko. Syempre naman may office ako. Ako ang Headmistress tapos wala akong office? NO WAY!!!

"Ba't ka nanakit huh?!"galit kong tanong.

"Ano bang paki mo?"tanong niya.

"Nilapnos mo ang braso niya. Ang sakit kaya nun!"sumbat ko.

"Hindi ba pwedeng pumasok muna tayo sa office mo bago mo 'ko sermonan?"inis niyang sabi.

Aba! Ang lakas ng loob mag-reklamo. Pumasok na kami sa loob ng office ko. Umupo ako at siya naman sa harapan ng table ko.

"Ipaliwanag mo kung bakit mo ginawa yun?"mahinahon kong tanong.

"Gusto ko lang namang mag-sorry siya pero imbis na gawin niya yun, tinulak niya ako."paliwanag niya.

Ewan ko ba pero ba't parang naiiyak na ako. First time kong nakita si Ethan na nagpaliwanag at nagpakumbaba. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Umiiyak ka ba?"tanong niya.

"Huh? Hi-hindi."palusot ko.
"Ngayon lang kita narinig na nagpaliwanag. Sana magpatuloy kang ganyan."sabi ko.

"Pwede na ba akong umalis?"tanong niya.

"Bago ka umalis, isuot mo 'tong bracelet na 'to."sabi ko.

"Para sa'n naman yan?"tanong niya.

"It's for you to discover. You may go now."sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang umalis.

After a few hours...

Habang naglalakad ako sa hallway... Nakita ko si Ethan.

"Hoy Ethan!"sigaw ko.

Lumingon naman siya.

"Bakit?"walang gana niyang tanong.

"Bakit nandito ka sa labas? May klase pa ah!"sabi ko.

"Eh ikaw, ba't nandito ka rin?"tanong niya pabalik sa'kin.

"Pwede akong hindi pumasok. Ikaw ang tigas talaga ng ulo mo!"sabi ko.
"Bakit kaya kita nagustuhan?"bulong ko sa sarili.

"Ano yun?"tanong niya.

"Wala! Pumasok ka na sa klase mo."utos ko.

"Wag mo nga akong utos-utosan diyan. Wag mo akong pakialaman."sabi niya.

"Magsisisi ka at sinusungitan mo 'ko. Malaki ang pagsisisihan mo kapag maalala mo na ang lahat. Bye!"sabi ko at umalis na.

Nung hapon na... Umuwi na si Cindy sa dorm.

"Hi Cindy!"bati ko.

"Hi!"respond niya.

"May sisuotin ka na bang damit para bukas?"tanong niya.

"Wala pa eh! Ikaw?"sagot at tanong ko.

"Wala pa. Halika, binili tayo!"yaya niya sa'kin at nagtungo na kami sa bilihan ng mga damit.


Pumili kami ni Cindy ng damit. Napili niya yung kulay blue na whole dress with sparkles, at yun sa'kin naman... My favorite color. Violet! Kulay violet din ang sandals ko. Bagay naman sa'kin dahil maputi ako. Mas lalo pa nga akong pumuti dahil sa sout ko.

"Bagay ba sa'kin?"tanong ko.

"Bagay na bagay sayo. Gosh! Ang puti mo ah!"puri niya.

"Salamat."sabi ko at ngumiti.

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now