Elemental Academy

1.6K 48 0
                                    

Chapter 20: The Awaited Fight.../ Lost memories...

Audrey's POV...

Napaka eeewwww niya! Kahit ang aso masusuka pag narinig yun.

"Kahit kailan hinding-hindi babalik si mama para sa'yo!"sumbat ko.
"Nasa'n ang mga magulang ko?!"tanong ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa inyo?"tanong niya.

"Kung ganun, humanda ka!"sabi ni Ethan at sinugod niya si Genesis.

"Dan, hanapin mo ang mga magulang ko at ilabas mo sila dito. Dalian mo."utos ko.

"Sige."sabi niya at umalis na.

Sinugod ko rin si Genesis.

Cindy's POV...

Nakikipaglaban pa rin kami sa mga taga-dark world. Medyo nanghihina na ako, buti nalang at nandiyan si Andrey para iligtas ako. Ginawa niya ang ability niya para bumalik ang lakas ko. Pinuntahan namin si Principal Frost.

"Nasa'n na sina Ethan?"tanong ni Drake.

"Pumasok sila sa forbidden gate at kailangan natin silang puntahan dun."sagot ni Principal Frost.

Agad naman kaming pumunta sa forbidden gate at pumasok na.

"Andrey hanapin mo sila."utos ko.

Hinanap naman ni Andrey sina Ethan.

"Nakikipaglaban sila sa isang lalaki."saad niya.

"Isang lalaki. Si Genesis."sabi ni Principal Frost.

"Halikayo, sumunod kayo sa'kin."sabi ni Andrey at naglakad na kaya sumunod kami.

Audrey's POV...

Habang naglalaban kami, naramdaman ko na nandito na sina Andrey sa Dark World kaya nilagyan ko ng force ang pinto para di sila makalapit. Alam kong mali pero ayokong madamay sila. Gumamit na ako ng cloning. Natamaan naman siya ng kapangyarihan ng apoy, pero nasugatan niya rin si Ethan sa tiyan.

"Aaahhh!!!"sigaw ni Ethan.

"Ethan!!!"nilapitan ko si Ethan at lumuhod sa harapan niya.

Malala ang sugat ni Ethan sa tiyan kaya halos hindi na siya makagalaw. Napangiwi siya dahil sa sakit. Gagamutin ko sana si Ethan pero sinakal ako ni Genesis gamit ang kapangyarihan niya.

"A-Audrey!"pilit na sigaw ni Ethan.

Tiningnan ko ng diretso si Genesis at may force na tumama sa kanya kaya tumilapon siya. Umuubo ako ng bumagsak ako sa sahig.

Cindy's POV....

Pumunta kami sa kwarto sa dulo ng palasyo. Papasok na sana kami pero may force na nakabalot sa pinto kaya di kami makapasok.

"Hayst! Ginagawa na naman niya."inis na sabi ni Andrey.

"Audrey papasukin mo kami!Audrey!"sigaw ko.

"Tumabi kayo."sabi ni Andrey.

Tumabi naman kami. May lumabas na itim na usok sa katawan ni Andrey at nasira nito ang force.

Audrey's POV...

Gumawa ako ng pana at tinira ko yun kay Genesis. May mga lason ang mga palaso at kung tumama yun sa'yo, agad kang mamamatay. Buti nalang at natamaan ko si Genesis sa dibdib kaya namatay agad siya. Siya namang pagpasok nina Cindy kasama si Andrey, Drake, Elaine, Ivorie, at Principal Frost.

"Ethan."sabi ko at nilapitan si Ethan na halos wala ng buhay.

"Audrey. Nagawa mo."sabi niya sa mahinang boses.

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now