Elemental Academy

2.6K 75 1
                                    

Hoo! Akalain niyo! Naka-abot ako ng Chapter 7? Hahahahahahahahhahaha!!!
Ilang story na kasi ang ginawa ko pero ito palang ang naka-abot ng chapter 7, kasi yung mga nauna, hindi ko tinuloy.

Enjoy reading!!! ^_^

Chapter 7: Training...

Kinabukasan...

Pinatawag kami ni Principal Frost sa office niya.

"Pinatawag ko kayo dito dahil kayo lang ang alam kong makakatulong kay Audrey, para makontrol niya ang ability na meron siya. Maaasahan ko ba kayo?"paliwanag at tanong ni Ms. Frost.

"Opo, Ms. Frost."sabay nilang sabi.

"Okay, you may start now."sabi ni Ms. Frost at agad naman kaming umalis.

Sa training room...

Grabe! Ang laki ng training room. Saktong-sakto para mag-training.

"Wala ba tayong klase ngayon?"tanong ko kay Cindy.

"Exempted tayo sa class natin ngayon."sabi ni Cindy.

"Halika na, magsimula na tayo. Kailangan nating mag-training para paghandaan ang pagdating ng kaarawan mo, ang araw na mawawala ang spell na nakabalot sa forbidden gate."sabi naman ni Elaine.

Tumango lang ako.

"Sinong magtuturo sa'kin?"tanong ko.

"Ako."sagot ni Ethan.

Si Ethan??!! Bakit siya pa?!

"Hindi ba pwedeng si Cindy nalang ang mag-training sa'kin?"tanong ko.

"Hindi pwede."sagot ni Ethan.

"Bakit?"

"Dahil si Ethan lang ang mas malakas sa aming lahat. Kay siya ang magiging trainor mo."paliwanag ni Ivorie.

Lord help me!!! Ayoko pang mamatay!!! Baka tustahin ako nito ng buhay!!!😭😭😭

"Humanda ka na."sabi niya at nagsialisan na ang iba at umupo sa gilid.

"Ay te-teka lang Ethan..."hindi na 'ko nakatapos dahil may bumulusok na fire ball papunta sa'kin, buti nalang at nakailag agad ako.

NO CHOICE!!! Gumawa ako ng ice sword at umatake sa kanya. Nag-away kami hanggang sa nabitawan ko ang espada ko at tumilapon ito palayo. Hayst! Kainis!!!

Baka makakagawa ako ng pana at palaso. Napapanood ko yun sa mga fantaseries. Wwaahh!!! Hindi naman 'to fantaseries eh!! Buhay pinag-uusapan dito! Mama help me!!!😭😭😭 T_T

Gumawa si Ethan na fire blade at sinugod ako. Seriously?! Gusto niya ba akong patayin huh??!!!

Pumikit ako at inisip ang pana. Nararamdaman ko naman na may nabubuong bagay sa kamay ko. Minulat ko ang mga mata ko sabay tira kay Ethan. Isang palaso lang ang tinira ko pero biglang dumami ito at inatake nito si Ethan.

Andrey's POV...

Ang galing niya talaga. Nakagawa siya ng pana gamit lang ang ability niya. Kaya siya palagi ang pinupuri nina mama at papa.

Nagawa niyang sugatan si Ethan sa braso nito. Tapos kinontrol niya ang espada gamit lang ang isipan niya. Nagawa niyang palapitin ang espada tungo sa kanya.

Naglaban ulit silang dalawa hanggang sa nasugatan ni Ethan si Audrey sa pisngi.

Napapikit si Audrey at ng imulat niya ang mata niya, may malakas na enerhiya na lumabas galing sa katawan niya dahilan para tumilapon si Ethan at Tumama siya sa pader.

Elemental Academy (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora