Elemental Academy

2.9K 94 0
                                    

Chapter 4: First day of school...

Maaga akong gumising para maghanda para sa unang araw ng pasok ko.

Ginawa ko na yung morning routine ko. Si Cindy naman, habang naglalakad sinusuklay ng suklay ang buhok niya. Hmmm. New truck niya ata na magsuklay ng mag-isa ang suklay.

Pagkatapos naming kumain agad kaming pumunta sa room namin.

"Audrey, saang section ka ba?"tanong ni Cindy.

"Section 1: Elite's."sagot ko sa kanya.

"Magkaklase pala tayo!"excited niyang sabi.

"Buti naman kung ganun."sabi ko.

Pumasok na kami sa room namin. Umupo si Cindy sa upuan niya. Naghanap ako ng mauupuan, at sakto naman na may upuan pa dun sa tabi ni... Ethan?!!! Hayy! Bakit sa lahat ng pwede kong makatabi siya pa. Ayoko sa kanya. Sigurado akong di ako makakapag-concentrate nito. NO CHOICE!!! Tumabi nalang ako sa kanya. Wala naman siyang imik.

Rinig ko ang mga bulongan nila...

'Look girl, tinabihan niya si Ethan.'- G1

'Oo nga! Baka lapnusin ni Ethan yang balat niya. Ayaw pa naman ni Ethan na may katabi.'-G2

"Ah... Ethan."

"Bakit?"ikli niyang tanong.

"A- ayaw mo ba na may katabi?"tanong ko sa kanya.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Ba-baka kasi ayaw mo na may katabi."nauutal kong sabi.

"Ayos lang. Tsaka wala ka namang ibang mauupuan, kaya diyan ka nalang."sabi niya at ngumiti sa'kin.

Grabe! Ang cute niya pag nakangiti!

"Alam ko na cute ako."sabi niya.

"Wag mo ngang pakinggan ang iniisip ko."pagmamataray ko.

"Okay. Sorry na."sabi niya.

Sa ilang sandali pa ay may pumasok na isang babae sa room namin, mga mid '30's na ata siya.

"Good morning everyone!"bati niya.

"Good morning Mrs. Lincoln!"bati naman ng mga estudyante sa kanya. Tumayo lang ako at ng umupo sila, umupo na rin ako. Hindi ko naman kilala ang teacher namin eh. Nilibot niya ang tingin niya at huminto siya ng makita ako.

"Looks like we have a new student. Miss, introduce yourself to the class."tumayo na rin ako at pumunta sa harapan.

"I'm Audrey Evangeline Miller, 17 years old."pagkatapos kong magpakilala ay agad akong bumalik sa upuan ko.

"Ms. Miller. Remove your sunglasses."utos ni ma'am Lincoln.

Lahat ng estudyante ay napatingin sa'kin, maliban kay Ethan at Cindy. Unti-unti ko namang tinanggal ang sunglasses ko hanggang sa matanggal na ito. Pagtingin ko sa kanila... Nanlaki ang mga mata nila sa nakita nila.

"Ba-bakit? Ma- May problema ba sa mga mata ko?"tanong ko.

Ano ba?! Ba't ganyan sila makatingin sa'kin?!

"I can't believe that I had a student like you."sabi ni ma'am.

"Bakit po? Ano pong meron sa'kin?"takang tanong ko.

"Hindi mo alam?"tanong ni ma'am.

"Hindi niya pa po alam."sumbat naman ni Ethan.

"Oh!"reaksyon ni ma'am.

"Anong hindi ko alam?"tanong ko.

"Tinataglay mo ang..."hindi natapos ang sinabi ni ma'am dahil sumakit ang kaliwang balikat ko.

"Aaahhhhhhhh!!!"sigaw ko sabay hawak sa balikat ko.

"Audrey, okay ka lang?!"tanong ni Ethan at inalalayan ako.

"O-okay lang ako. Salamat."sabi ko at umupo kami.

"Anong problema?"tanong ni Cindy na nasa harapan ko.

"Sumakit yung balikat ko."sagot ko.

"Bakit?"tanong naman ni Ethan.

"Ewan ko, di ko alam."sagot ko.

"Ms. Miller, are you okay? Do you need some rest?"tanong ni ma'am.

"No ma'am. I'm okay. I don't need a rest."tanggi ko kay ma'am.

"Okay. Now let's tackle about the history of elemental academy."pagsisimula ni ma'am.

"Sure kang okay ka na?"tanong ni Ethan.

"Oo, makinig ka na dun."sabi ko.
Ngumiti lang siya.

"Ikaw dapat ang makinig. Alam ko na ang tungkol diyan."sabi niya. Tumango lang ako at nakinig na ako kay ma'am.

"Magical World is divided into three parts. The Elemental World, Light World, and the Dark World. The Elemental World is where we belong. Thousand years ago, the three worlds were at peace. But the Dark World rise against the Elemental and Light World. The Dark World wants to take over the whole Magical World. So the leaders of Elemental and Light World treat them as enemies. The Dark World was defeated, but they will rise again when they are at the full strength. The Elemental and Light World decided that they will make a rule that no one, in every World will come to the other world unless the council agreed to it. That's why we are forbidden to go across the forbidden gate, because when you broke the rule, the academy will not be responsible of what may happen to you."mahabang salaysay ni ma'am.

Pagtingin ko kay Ethan... Yun! Mahimbing na ang pagtulog. Haayyy! Ito talagang lalaking 'to.

Tinuloy na ni ma'am ang kwento niya.

"Nilagyan ng dating headmistress ng spell ang forbidden gate, na hinding-hindi makakalabas ang mga taga-dark world. Siya si Emmaline Miller."dagdag ni ma'am.

"Si lola Emma?"tanong ko kay ma'am.

"Oo Ms. Miller, ang lola mo ang dating headmistress ng academy na 'to."sabi niya.

Kaya pala nung unang dating namin dito, sinabi ng principal na buti't bumalik kami dito.

"Pero ang spell na yun ay mawawala sa iyong ika-labing walong kaarawan."tugon niya.

18th birthday?! Malapit na ang birthday ko ah! Sa susunod na buwan na yun!

"Kaya kailangan makontrol mo yang ability na meron ka."dagdag ni ma'am.

"Ano po ba ang ability na meron ako?"tanong ko.

"All elemental ability is what you possessed."sabi ni ma'am.

Author's note:

Hanggang diyan lang po muna. Any idea sa susunod na Chapter?

Abangan natin!!!😇😇😇

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now