Elemental Academy

2K 55 1
                                    


Chapter 11: Painful night...😭😭😭

Author's note:

Bakit nga ba painful night ang title ng chapter 11?

Sinong masasaktan?!😧😧😧

Chapter 11: Painful night...

Kinabukasan, nakalabas na rin si Andrey, at nakabalik na rin kami sa pagpasok sa klase.

Napapansin ko lang na palaging wala si Ethan. Nasa'n kaya siya? Bakit di siya pumasok?

Marami kaming pinag-aralan ngayong araw na 'to. Tungkol sa mga taga-dark world, tungkol sa Forbidden gate, at kung ano-ano pa. Nung hapon na, nagsiuwian na kami. Sa dorm...

"Cindy, ganyan na ba talaga si Ethan? Hindi pumapasok?"tanong ko.

"Oo, nasanay na rin ang mga teachers sa kanya."sagot niya.

"Ah, ganun ba?"

"Halika na Audrey, kain na tayo ng hapunan. Nagugutom na ako eh."yaya niya.

Ngumiti lang ako at umalis na kami. Ganun pa rin, kumain kami kasama sina Drake pero wala si Ethan. Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming nagsiuwian.

Wala pa akong ganang matulog kaya lumabas muna ako. Wala pa namang 9pm, kaya pwede pa akong lumabas.

Nakasuot ako ngayon ng hanggang tuhod na dress, na kulay violet. Halata naman siguro na violet ang favorite color ko!😊😊😊

Napakalamig ng hangin ngayon.🍃🍃🍃

Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa bench. Kinilala ko siya ng maayos. Si Ethan.
Agad ko siyang nilapitan.

"Ethan?"walang kasiguraduhan kong tanong.

Aalis sana siya pero ginamitan ko siya ng gravity kaya di siya makagalaw dahil di niya maangat ang mga paa niya.

"Ano ba?! Itigil mo nga 'tong gravitational force mo! Di mo ba alam na bawal gumamit ng kapangyarihan kung hindi training time? Kaya itigil mo na 'to."sumbat niya.

Tinigil ko na ang gravitational force sa mga paa niya.

"Wag kang umalis. Ethan, iniiwasan mo ba ako?"tanong ko.

"Tsk. Ano namang dahilan ko para iwasan ka? Bakit? Ano bang meron sayo?"sunod-sunod niyang tanong.

Ayan na naman siya. Bakit bumalik yang ugali niyang yan? Na parang wala siyang pakialam. Ayoko ng ugali niyang yan.😭😭

"Ano nga bang meron sa'kin? *Sad smirk* Ako lang naman ang babaeng walang kwenta. Babaeng dahilan ng lahat ng kamalasan. Babaeng habol ng mga taga-dark world. Babaeng mahina. Babaeng nagpapahamak sa lahat. Babaeng isinumpa ni Genesis. Ganun akong klase ng babae. Okay ka na? Nasagot na ba nun ang mga katanungan mo?"mahaba kong sabi at tanong sa kanya.

"Isinumpa ka ni Genesis?"takang tanong niya.

"*Smirk* Di ba wala kang paki sa'kin? Ano pang dahilan ko para sagutin yang tanong mo? Total, hindi mo rin ako maaalala kapag... Wag na lang. Good night. Mr. Ethan Flame."sabi ko at agad na umalis.

"Audrey sandali!"sigaw niya pero di ko na siya nilingon pa.

Sa dorm...

Pinunasan ko ang mga luha ko. Di ko kasi mapigilan na umiyak kanina eh. Nasaktan ako. Pinunasan ko ang mga mata ko para di mahalata ni Cindy. Pero siguro tulog na yun. Pumasok na ako.

"Ay kabayong bakla!!!"sigaw ko ng makita ko si Cindy na nakatayo sa harapan ko.
"Ano ba Cindy? Nakakatakot ka naman!"sumbat ko.

"At sa'n ka galing huh? Bakit ngayon ka lang?"sunod-sunod niyang tanong.

Elemental Academy (Completed)Where stories live. Discover now