Chapter 3:I have a magic??

24.5K 808 14
                                    

Samara

Pagkarating ko sa bahay gulong-gulo ito at may nakita akong 5 tao na naka black-cloak. Nakaramdam ako ng takot dahil doon.

Pero mas natakot ako ng makita ko si mama na nakahandusay sa harap nila agad akong tumakbo papunta kay mama.

"Mama p-please wag kang bibitaw."umiiyak kong sabi.

Tinignan ko ng masama ang taong naka cloak.

"Sino kayo? Anong ginawa nyo sa mama ko." I asked angrily but they didn't answer.

"M-mama please da-dadalhin k-kita sa o-ospital"sabi ko

"A-anak" she then held my cheeks

"M-makinig ka... k-kailangan mo nang p-pumunta sa t-totoo mong m-mundo-" nahihirapang saad nito.

"-sa m-magic a-academy...pu-munta ka sa kwarto ko at k-kunin mo doon ang k-kwintas mo at b-bangitin mo ang salitang σχολή μαγείαςð." pumikit na ito pagkatapos nya sabihin yon.

"Hindiiiiiiiiiiii"

I didn't understand what happened next but nakita ko na lang ang kanang kamay ko na may fire ball, hindi ko alam...isa lang ang gusto kong gawin ang patayin ang mga taong pumatay kay mama. Ang sumunod na nangyari tumama sa kanila ang fire ball at naging abo ang mga ito.

Doon lang ako natauhan at naalala ang mga nangyari nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko gulat,takot,kaba at lungkot.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na mayroon akong kapangyarihan.

3 days later

Ngayong araw ang libing ni mama. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari sa akin.

Napaiyak na lang ako ng maalala ang mga araw na magkasama kami. Yung mga araw na masaya kami,noong nag-aasaran kami yung araw na pinaghahanda nya ako ng breakfast,pag ginigising nya ako tuwing umaga.

Mamimiss ko lahat yon. Para akong nawalan ng Bestfriend,Tatay,Nanay sa pagkawala nya. Sana masaya ka dyan mama kung nasaan ka man ngayon.

The Next day

Nandto ako ngayon sa kwarto ko. Nang maalala ko yung sinabi sa akin ni mama bago sya mamatay. Kwintas? Magic academy? Naguguluhan ako kaya naman pumunta ako sa kwarto ni mama at hinanap ang kwintas na sinabi nya.

Maya-maya pa ay may nakita akong box sa ilalim ng kama nya,binuksan ko ito at doon nakita ang kwintas pero may nakita din akong liham mula kay......mama?

I opened it then read what's inside

Dear Samara,

Siguro kung nababasa mo ito ngayon ay wala na ako. Patawad dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo na hindi ako ako ang totoo mong magulang. Natakot lang ako na baka magalit ka sa akin.

Nakita ka lang namin ng papa mo na nasa tapat ng bahay kaya kinuha ka namin at inalagaan pero di nagtagal pinatay ng dark magician ang papa mo.

Pinalaki kita ng mag-isa,pero alam ko na darating ang araw na ito. Patawarin mo ko dahil itinago ko sayo ang totoo.

Nabibilang ka sa immortal world at hindi sa mundo ng mga tao. Sa Magic Kingdom,sa Magic academy.

Mahal na mahal kita anak. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo. Thank you for coming into my life. I love you.

Your mother,
Naomi

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon pagkatapos kong basahin ang liham mula sa kanya. Ampon lang pala ako pero kahit kailan hindi nya ako tinuring na iba, tinuring nya akong parang tunay na anak nya. Kaya nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng isang inang katulad nya. Mahal na mahal din kita mama. Thank you very much.

Nag-impake na ako at kinuha ang kwintas isinuot ko ito at binanggit ang sinabi sa akin ni mama.

"σχολή μαγείας"sambit ko.

At biglang nagliwanag. Until....

...............

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now