Chapter 24: Bonding Moments

15K 488 1
                                    

Dedicated to:zaprinazhea_ace Thank you sa pag-follow!

***Samara's Pov***

Maaga akong nagising para makapaghanda na sa pag-aalis namin. Hindi ko alam na mapapadali lang pala ang paghahanap namin sa prinsesa. Parang sinadya talaga na makita namin sya. Hayy...ito na naman ako nago-overthink na naman sa mga bagay-bagay.

Paglabas ko ng pinto galing sa kwarto ko sakto namang bumukas ang katapat na pinto nito at lumabas mula roon si Firen. Nakatinginan kami pero saglit lang yon dahil iniwas ko rin ang paningin ko sa kanya naglakad na ako papunta sa hagdan para makababa. Dumiretso ako sa kusina para maipagluto ko na sila,naisipan ko na magsinigang na lang.

Saktong tapos na akong magluto ay sya rin namang pagbaba nila nakahanda na rin ang mga plato. Isa-isa na silang umupo sa kanya-kanya nilang upuan.

"Mukhang masarap to ah?"papuri ni Sky

"Masarap talaga! Pwede ko na nga syang maging asa-- arayy ah! Ano ba problema mo Ice?"reklamo ni Walter dahil binatukan ito ni Ice.

"Siguro kailangan natin maglast-bonding dto sa mortal world para naman masulit natin dba?"suhestiyon ni Aria.

"Ano naman gagawin natin?"tanong ni Cloud.

"Kahit ano basta makakapag-bonding tayo."sagot naman ni Aria

"Dto na lang kaya tayo sa bahay magbonding! Suggest ko lang."sabi ko sa kanila.

"Oo nga maghanda nalang tayo ng snacks natin."pagsang-ayon naman ni Light.

Natapos kaming lahat kumain. Tinulungan ako ni Aria sa pag-aayos ng mga pinagkainan namin samantalang ang mga boys naman ay hinahanda ang mga snacks namin para mamaya sa sala.

Pumunta na kami sa sala pagkatapos namin hugasan ang mga plato at naabutan namin ang mga boys na masayang nagkwe-kwentuhan.

"Anong gagawin natin?"tanong ni Earl

"Truth or dare na lang!"sagot naman ni Aria.

"Game!"ganadong sabi ni Walter

Umupo na kami at sinimulan na ni Aria na paikutin ang bote tumapat naman ito kay Walter. Umayos muna ng upo si Aria bago magtanong.

"Truth or dare?"

"Truth!"sagot naman agad ni Walter

"Kailan ka ba titigil sa pagiging playboy mo?"diretsong tanong ni Aria.

"Grabe ka naman! Ang sakit mo magsalita ah."umakto pa itong parang nasasaktan pero nagseryoso ang mukha nito at bahagyang sumulyap sa akin bago nagsalita. "Kapag nahanap ko na ang para sa akin."sagot nito. Tumango na lang si Aria pinaikot na ni Walter ang bote at tumapat naman yon kay Sky.

"Dare sa akin"sagot nito at dahil maloko si Walter kumuha ito ng softdrinks at nilagyan ng toyo.

"Yan ang dare ko."sabi ni Walter sabay abot kay Sky nung inumin ngunit hindi parin ito kinukuha ni Sky

"Truth na lang pala"sabi ni Sky kami naman ay nagpipigil ng tawa.

"Nope hindi pwedeng magpalit hahahaha!"sagot naman ni Walter sabay halakhak. Wala nang nagawa si Sky kundi ang kunin ito pero kitang-kita mo ang pagka-disgusto nya rito. Ininom nya at halos masuka na ito sa lasa.

"Grabe talagang trip mo ko noh!"sabi ni Sky.

Tawa lang ng tawa si Walter kaya pati kami ay natatawa na rin. Pinaikot na ni Sky ang bote at tumapat naman ito kay Light.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now