Chapter 8: Leveling Part 1

20.9K 707 9
                                    

          ***Samara's Pov***

Natapos ang isang buwan at tapos ko na rin maipalabas ang mga kapangyarihan ko hindi lang pala kapangyarihan ang meron ako,na sa akin rin ang lahat ng ability. Oo mga akala ko noong una hindi totoo ang sinabi ni goddess pero yun pala totoo ang lahat. Hayyy ganon ba talaga kalaki ang responsibilidad ko. Sino ba talaga ako? Sinubukan ko na ring itanong kay goddess Nathalia ang tanong na yan pero ang palagi nyang sagot ay 'malalaman mo rin sa tamang panahon'. Kailan ba ang tamang panahon?

Ngayon din ang araw ng pagbalik ko sa magic kingdom.

"Maaari ka nang bumalik sa magic kingdom. At ipapaalala ko lang sa iyo na isa lang ang pwede mong gamitin sa kapangyarihan mo at sa iyong ability naman ay teleportation at healing ang pwede mong gamitin sa ngayon"mahaba nyang paalala. Tinandaan ko ang lahat ng sinabi nya pero sa ngayon isang tanong lang ang gusto kong masagot.

"Opo Goddess Nathalia. Alam ko ilang beses ko na po itong tinanong sa inyo pero hindi ko po ba talaga pwedeng malaman kung sino ako?"tanong ko. Ngumiti naman sya.

"Malalaman mo rin pag dumating na oras para malaman mo at pagdumating na ang oras na iyon tanggapin mo sana ito ng buong puso."tugon nya

"Kailan po ba ang tamang panahon?"tanong ko ulit

"Ikaw lang ang makakasagot ng tanong na 'yan. Oh sige umalis ka na at oras mo na para gumising. Tara puntahan na natin sila para makapagpaalam ka na."sabi nya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Hanggang sa nakita na namin ang mga gods at goddesses.

"Sige na Samara magpaalam kana."sabi ni goddess Nathalia

Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang niyakap nang nasa tapat na ako ni god flake at god flame ngitian ko na lang sila.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now