Chapter 13: Who Am I?

18.7K 608 13
                                    

           ***Samara's Pov***

Papawala na ang liwanag ng makarating kami sa academy. Dumiretso kami  sa Headmaster's Office para maihatid na namin kay tanda ang magical flower.

'Tok'tok'tok'

Katok namin.

"Come in!"sagot nito mula sa loob. Kaya naman pumasok na kami. Pagkapasok namin nakita na tutok na tutok sa mga papeles at manlang kami binalingan ng tingin. Kaya naman ako na mismo ang tumawag sa pansin nito.

"HM nakuha na namin ang magical flower."sabi ko. Nag-angat ito ng tingin sa amin.

"As expected magagawa niyo ang misyon na pinapagawa ko sa inyo!"tugon nito sabay tayo.

At dahil ako ang may hawak ng magical flower ako na mismo ang lumapit at ibinigay sa kanya ito. Tinanggap nya ito atsaka pumasok sa isang silid kaya naman sumunod kami sa kanya.
Nilagay nya sa isang lalagyan na babasagin atsaka itinago.

"HM matanong ko lang para saan ba ang magical flower na yan?"tanong ko. Humarap naman ito sa akin bago sumagot.

"Para mapatatag ang barrier na pumu-protekta sa atin."sagot nito.

"Bakit humihina na ba ang barrier natin?"si Light naman ang nagtanong.

"Hindi! Hindi humihina ang barrier natin kailangan lang natin makasiguro na hindi ito madaling masisira ng mga kalaban lalo na at hindi natin alam kung kailan sila susugod."sagot nito.

"Ang tinukoy nyo bang mga kalaban ay ang mga dark magician?"tanong ko ulit.

"Oo ang mga dark magicians ang tinutukoy ko. Sandali diba galing ka sa mundo ng mga tao paano mo sila nakilala?"tanong nito.

"Sila lang naman ang pumatay sa nanay-nanayan ko! Sisiguraduhin ko napagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa mama ko!"sagot ko pero hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. Inalo naman ako ni Aria.

"Sige na dalhin nyo na siya sa dorm nya para makapagpahinga na rin sya. Magpahinga na rin kayo."utos ni HM sa mga kasama ko.

"Masusunod HM."sagot ni Aria. Bumaling naman si Aria sa akin. "Sam tara na para makapagpahinga ka na rin"yaya niro sa akin.

Hinatid na nila ako sa dorm ko. Pagkarating namin niyaya ko sila na pumasok pero tumanggi sila.

"Pasok na muna kayo"paanyaya ko sa kanila.

"Hindi na Sam kailangan mo na rin magpahinga. Kami rin siguro magpapahinga na rin."sagor ni Cloud. Tumango na lang ako nagsimula na sila maglakad palayo sa dorm. Isasara ko na sana ang pinto ng may kumatok dito.

"May nakalimutan ba--"hindi ko natuloy ang sasabihin ng wala akong nakita sa harap ng pinto kaya naman tumingin ako sa kanan pero wala naman pagkaharap ko sa kanan napatalon ako sa gulat ng makita ko si Firen na nakasandal sa pader na nakatigilid at naka-cross arms pa. Tsk!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now