Prologue

6.6K 90 1
                                    

Present time

            Ngayon ang kasal ni Ligaya pero hindi niya makita ang sariling nakangiting naglalakad sa aisle ng simbahan. Isang linggo bago ang kasal ay nagdadalawang isip na siyang ituloy pa ito ngunit pinangunahan siya ng hiya sa kaniyang mga magulang lalo na ang pamilya ng kaniyang mapapangasawa at sa mga tao na rin na involved.

Pero masaya ba siya? Paano ang mga susunod na araw? Paano kung hindi sila magkasundo ni Enric sa ibang bagay? Well, normal na sa mag-asawa ang minsang away. But then, Enric is yes, he's handsome, rich, etcetera but she doesn't love him. Oo at itinuring na nilang kaibigan ang isa't-isa ngunit sapat ba iyon para sa huli ay maging maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa? Paano ang mga taong masasaktan nila kung mayroon man? Paano ang puso niya na alam niyang may ibang...nilalaman...No...does that love reciprocate what she feels? Is it okay to love someone even if you know you shouldn't be? Mali bang magmahal? Anaman ng isang bahagi ng kaniyang isip.

            Napabuntong-hininga na lamang siya. Paano siya tatakas kung lahat ng tao ay nag-aabang na sa paglabas niya? Na lahat ay nakangiting naghihintay sa kaniya. Siya nalang ang kulang. Pero paano naman ang damdamin niya? Magsisinungaling lang siya sa harap ng Diyos kung itutuloy niya ang kasal at iyon ang pinaka-malaking kasalanang magagawa niya kung sakali. Hanggang sa huling sandali ay nagtatalo ang puso at isip niya.

            Sa huli, humugot siya ng malalim na hininga bago mabilis na lumabas ng kotse at sinalubong siya ng kaniyang kaibigan na si Ilaya. Nakita din niya ang mga kaibigan ni Enric. Lahat ay nakangiti sa kaniya maliban kay Rixie. Sa ilang buwan niyang nakasama ang mga ito, alam niyang hindi isang kaibigan ang tingin ni Rixie kay Enric. At isa iyon sa dahilan kung bakit sa bandang huli ay tumalikod siya sa mga kaibigang nag-aabang sa kaniya sa simbahan at mabilis na tumakbo, hindi alintana ang mahabang wedding gown na suot at nang may makitang taxi na nakaparada sa gilid ng simbahan ay mabilis siyang sumakay.

            Nakita pa niya ang panic sa mukha ni Ilaya maging ng mga kaibigan ni Enric sa kaniyang ginawa.

"Kuya, bilis!!! Alis na tayo, paandarin mo na ang sasakyan, please." Pagmamakaawa niya sa driver ng taxi.

            Gulat man ay tumalima naman ang driver. "Where to?" Tanong nito.

            Bigla siyang natigil. That voice. Napatingin siya sa rearview mirror nito at doon ay nakita niya ang dalawang matang nakatitig din sa kaniya. Segundo lamang iyon dahil ibinalik nito agad ang tingin sa kalsada ngunit sapat na iyon upang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. That same intense stare.

            "Stop staring and tell me where I am going to drop you."

            Mas lumala ang bilis ng tibok ng kaniyang puso nang muli itong magsalita. It's him. Why? "Enric?" hindi na niya napigilan ang sarili. But no, it's not Enric. Alam niya sa sarili niya pero ayaw niyang sabihin dito na kilala niya ito sa boses palang.

            She heard him chuckled in a sarcastic baritone voice. "You think I am that stupid to just run away on the day of my wedding? Stop fooling me, I know you know me."

            Bigla niyang natutop ang bibig. So umuwi nga ito. "E-eric?" nanginginig ang boses na sambit niya.

            Tumigil ang taxi. Itinabi nito sa gilid at saka siya nito nilingon. "You made a history, huh?"

            Doon mas lalong bumuhos ang kaniyang emosyon. Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kaniyang luha. Nakagat na lamang niya ang kaniyang labi para mapigilan ang labis na paghikbi.

            "Ano na nga ulit ang rason mo bakit pumayag ka sa kasunduan na ito?" anito nang bumaling sa kaniya. Hindi ito kakikitaan ng galit ngunit ramdam niya ang awa sa mga mata nito. 'Para saan ang awa?' "Do you love my twin brother?" Minsan pa, nag-ibang muli ang ekspresyon ng mukha nito. Galit naman ngayon ang kaniyang nakikita. Galit ba ito dahil ipinahiya niya ang pamilya nito? O dahil sa pagpayag niya sa kasal?

            Natigil ang luha niya dahil sa tanong na iyon ni Eric. Can she answer his question? Mahal niya si Enric pero ramdam niyang hindi lalampas sa pagkakaibigan ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito. They became good friends kahit sa maikling panahon lang ngunit hanggang doon nalang ang kayang ibigay sa kaniya ni Enric at ganoon din siya. Walang espesyal na damdamin dahil alam niya din kung saan siya lulugar sa buhay nito. Alam niyang may ibang laman ang puso ni Enric at hindi siya iyon.

            Ang akala niyang babaero at happy go lucky na si Enric ay iba sa nasaksihan niyang ugali nito simula nang maging malapit sila. That's the time she began to admire him. Hindi mahirap magustuhan si Enric. Maalaga ito lalo na sa mga babaeng kaibigan pero nakikita din naman niya kung paano nito titigan si Rixie at kung paano nito asikasuhin ang kaibigan. Babae siya at ramdam niya iyon pero alam niyang pigil ng dalawa ang mga damdamin ng mga ito dahil sa nakatakdang pagpapakasal ni Enric sa kaniya. Narinig niya ang pagak na pagtawa ni Eric. Nilingon niya ito pero hindi naman ito nakatingin sa kaniya.

            "You love him but he doesn't love you. Gago talaga iyon. Hinayaan niyang babae pa ang gumawa ng paraan para lumaya siya. And it turned out, ikaw pa ngayon ang masama sa tingin ng lahat." His conclusion made her realize that, yeah, maybe he loves him but not the way he thinks it is at nagawa niyang ipahiya ang sarili niya sa mga tao para lang lumaya na si Enric dahil kaibigan niya si Enric. Mali ba iyon? Nagtutulungan dapat ang mga magkakaibigan kahit na ano ang mangyari.

            Hindi nalang siya umimik sa konklusyon ni Eric. Besides, wala naman siyang dapat na ipaliwanag dito. Kung iyon ang nakikita nitong rason ay wala na siyang magagawa. Hahayaan niyang iyon ang paniwalaan ni Eric na rason niya.

            "Would you run away with me?"

            Mabilis siyang napalingon sa lalaki. Seryoso ba ito sa sinasabi nito? Gusto lang niyang makalayo. Nang mag-isa. At hindi na siya mandadamay pa ng ibang taong wala namang kinalaman sa naging desisyon niya. "I should be the one asking you that. But no. Hindi ko idadamay ang ibang tao sa desisyong ako lang naman ang gumawa."

            Matagal na natahimik ang lalaki. Ang akala niya ay hindi na ito magsasalita ngunit mas nagulat siya sa sumunod na sinabi nito. "Then marry me."

            Her heart skip not just a beat. Marahas ang kabog ng dibdib niya sa sinabi nito. "Are you serious? Naka-drugs ka ba? Kasi baliw lang ang taong mag-aalok ng kasal sa babaeng dapat ay sister-in-law na niya ngayon." tanging naitanong niya. Dahil nasisiguro niyang nababaliw na ito sa mga sinasabi nito.

            "I'm crazy, then."

Runaway with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon