Epilogue

3K 77 12
                                    

Natutuwa si Ligaya sa nakikita niyang dami ng tao na nagsidalo sa kanilang exhibit ni Ilaya. And for the first time, her family was there. Maging ang pamilya ni Eric ay naroon din. Nagkausap na sila ng pamilya ni Eric and they accept it. Para saan pa daw ba ang galit? They also said sorry for what they told her before. They also said they were happy as long as their son was happy.

"Congratulations!" napalingon siya. Enric was grinning.

Yumakap siya dito ng mahigpit. "Akala ko hindi ka pupunta. Akala ko hindi ibibigay ni Eric sayo ang invitation." Aniya bago siya kumalas dito. Natawa ito sa kaniya.

"Hindi nga niya ako binigyan ng invitation. Hanggang ngayon yata ay insecure pa rin siya sa'kin." Pabirong sambit ni Enric pero alam niyang ganoon na nga. Lumabi siya at natawa.

"By the way, I saw Rixie with May. Tinanong kita sa kanila kanina ang sabi lang ni Rixie baka daw pumunta ka dahil ako 'to. May hindi ba ako alam? What happened? Dati pa wala na akong alam tungkol sa inyo pero, na-curious ako sa sinabi ni Rixie." Matagal na siyang may hinala pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong kay Enric.

"Just a misunderstanding." Tipid na sagot nito. Tumatango-tango siya. Naiinitindihan niya kung ayaw magkwento sa kaniya ni Enric.

"Fine, hindi na ako magtatanong. Iiwan muna kita." Sabi nalang niya dahil tinatawag siya ni Ilaya. Tumango nalang din ito at umalis na siya.

"Nasa office si Eric. Sabi ko papuntahin nalang kita doon." Salubong agad na sabi ni Ilaya sa kaniya nang makalapit siya dito. Napakunot siya ng noo.

"Ba't 'di nalang siya pumunta dito?" takang tanong niya.

Kibit lang ang balikat ni Ilaya. "Just go. Arte nito." Inirapan pa siya ng kaibigan at iniwan na siya nito at inasikaso ang ibang mga bisita.

"Uy, Ilaya..." sabi pa niya pero hindi na siya pinansin ng kaibigan. Tinungo na lamang niya ang kanilang opisina ni Ilaya.

Malapit na siya sa opisina nang bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi na siya nasanay sa presensiya ni Eric. Ang bilis nito ay hindi kaba kundi halo-halong emosyon na hindi niya na ma-explain. Para tuloy siyang teenager. Pagkabukas niya ng pinto ay nais niyang muling isara ang pinto. Ramdam niya ang kaniyang mukhang pulang-pula. Gusto niyang magtakip ng mukha nang magsimulang maglakad si Eric palapit sa kaniya.

"When I first saw this I don't know what to think. I'm speechless. Akala ko panaginip nga lang kasi nag-asam na ako dati na maipipinta mo rin ako. Pero nawala na ang pangarap ko na iyon dahil ni minsan ay wala kang naipintang pigura ng tao. But this, Ligaya you made me happy with this. Hindi ko agad sinabi sayo kasi gusto kong makita ang reaksyon mo katulad nalang ngayon kung bakit hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang pinagkaabalahan mo noong nasa Tarlac tayo. Matagal ka ng may pagnanasa sa akin, tama ba ako?" biglang biro nito sa huli na mas lalong ikinainit ng kaniyang mukha.

"Eric!" napatili nalang siya sa hiya. How can this man say that? Halata nan gang hiyang-hiya na siya. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit.

"How come you paint me perfectly when I didn't even strip in front of you, huh?" he whispers in her ears. Nakagat niya ang labi niya ng tuluyan.

"You're embarrassing me, Eric." Halos maiyak na siya dahil nahihiya na talaga siya. Hindi niya napaghandaan ito at hindi man lang niya naisip na ito nga ang nakakuha ng painting niya. Mahigit isang buwan niyang hinanap ang painting niya pero nawala sa isip niyang maaaring nakuha na nga ni Eric dahil ito lamang ang maaaring makakita niyon lalo at hindi nito nalaman ang pag-alis nila ng bansa nang maaksidente siya.

Natawa ito sa kaniya. Bahagya itong lumayo sa kaniya pero yakap pa rin siya nito. "You're so cute, you know? I love your painting. Parang nakaharap talaga ako nang ginawa mo 'yan. Paano mo nalaman na ganyan ang katawan ko? I..." hindi na niya ito pinatapos at tinakpan na niya ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay.

"Stop na, Eric. Fine, matagal ko ng ginagawa ang painting na 'yan pero hindi ko lang malagyan ng mukha. Kailan ko lang natapos yan, eh." At yumuko siya.

Hinawakan nito ang kaniyang baba upang magtama ang kanilang mga mata. "But that's me. When did you start it?" hindi pa rin nawawala ng ngiti nito sa labi.

Kahit nahihiya ay nilakasan niya ang loob na sagutin ang tanong nito. "Simula nang marinig ko ang boses mo sa radyo. I think that was 2 years ago? In-denial pa talaga ako sa paggawa ko niyan kaya wala siyang mukha. I don't really know your face. Pero kilala kita dahil naririnig ko ang pangalan mo sa mga magulang ko, hindi ko lang inaksayang hanapin ang mukha mo sa internet or magazines. Gusto ko kung ano ang nai-imagine kong mukha mo sa utak ko."

"Hindi mo nakilala si Enric noong magkita kayo. Even when we met face to face noong may in-attend'an kang exhibit imbes na um-attend ka sa party ng mga businessmen kung saan kasama mo ang pamilya mo." Anito na ikinakunot ng kaniyang noo. Nagkita na sila? Hindi talaga siya ang taong matandain sa mukha. Better kung ipipinta niya pa si Eric. Maraming-maraming painting ng mukha nito.

"We met? Really? I'm sorry."

Natawa ito sa kaniya. "It's fine. It's better that way. Wala pa akong lakas ng loob dati na magpakilala sayo. Maybe you'll remember that day when you look at that painting?" pinabaling nito ang kaniyang ulo kung nasaan ang masterpiece niya. Ilang sandali siyang nag-isip. Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala. He is that guy?

Niyakap niya ito ng mahigpit. "I'm sorry. Akala ko mali ako ng naimagine. Mukha ng mas batang ikaw ang naimagine ko nang nagpinta ako nito. At nude dahil naalala ko noon ang lalaking bigla nalang kumausap sa akin kung saan titig na titig ako sa nude painting. Hiyang-hiya ako that time but I tried my best to answer your question."

Gumanti ng yakap si Eric. "You can paint me more. I love the way how you imagine me. You made me happy for this, Ligaya. If you want to run again, I'll run with you. Wherever you want. Whenever you want. Just don't run without me." He whispers in her ears. Ramdam niya ang mainit na hininga nito.

"I love you, Eric." Naluha siya sa sobrang saya niya. Hindi na niya maipaliwanag pa ang sayang nararamdaman niya. Basta masaya siya kay Eric, period.


WAKAS

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now