Chapter 5

2.3K 39 0
                                    

Sobrang saya ni Ligaya. Ito ang unang pagkakataon na lumabas siya nang hindi kasama ang kaniyang pamilya. Kung hindi man ang pamilya niya ay si Ilaya ang kaniyang kasama kapag nag a out-of-town siya.

"You seem very happy. At least masayang memory ang babaunin ko." at doon naman siya napabaling dito. Halos yakapin niya kasi ang buong paligid kung kakayanin lang sana niya dahil sa gaan ng pakiramdam na ibinibigay nito sa kaniya. Pero dahil sa sinabi ni Eric ay biglang bumigat ang pakiramdam niya. Ano'ng nangyayari?

"You are really leaving, huh?" iniiwas niya ang tingin dito. Bigla siyang nailang muli sa kanilang sitwasyon.

"I have to. But..." napatingin naman siya muli dito dahil sa pagbitin nito sa sinasabi.

"But what?" hindi niya maiwasang hindi ma-curious.

Natawa ito. Tila naaaliw sa reaksyon niya. Kinunot naman niya ang kaniyang noo upang ipakitang seryoso siya. "But, I will attend, don't worry." titig na titig ito sa kaniyang mga mata na tila may nais itong sabihin sa kaniya ngunit hindi niya maintindihan. Ilang sandaling natahimik ang paligid at tanging mga panggabing insekto at musika ng hangin ang naririnig.

Siya ang unang nagbawi ng tingin. Tumikhim siya. Pakiramdam niya ay may nakabarang kung ano sa kaniyang lalamunan. "You should be. Ikaw ang best man."

"Or should we say, the best man always win?" biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Gulat na gulat pa siyang napatingin dito.

"Eric..."

Tumawa lang ito. Naaaliw sa reaksyon niya. Ginagawa ba siya nitong clown? Mukhang aliw na aliw ito sa mga reaksyon niya. "I'm like an idiot here. Natatawa ako sayo sa mga reaksyon mo. And I don't know why." pag-amin naman nito sa kaniya. Naipilig naman niya ang kaniyang ulo. Saka niya napansin na medyo malalim na pala ang gabi. Tapos na silang kumain ng dinner. Itinuloy lamang nila ang pamamasyal upang masulit ang araw nila. Parang ayaw na nga niyang matapos pa pero hindi naman iyon puwede. Pareho silang may trabaho pa kinabukasan.

"Masyado na yata tayong nag-eenjoy. Uwi na tayo?" labag man sa nararamdaman ay kailangan. Baka kung ano pa ang isipin ng magulang niya kapag nalaman ng mga ito kung sino ang kasama niya ngayong gabi.

"Akala ko hindi na matatapos ang gabing ito." naramdaman na naman niya ang titig nito. Hindi niya tuloy maibalik ang tingin dito.

"Akala ko talaga seryoso ka sa buhay. Masyado kasing seryoso ang segment mo. Pero infairnes naman sa boses mo. Ang sarap sa tainga." Nakakainlove. Hindi na niya isinatinig pa ang huling salita. Natakpan pa nga niya ang bibig niya para hindi talaga iyon kumawala.

"Really? Masarap sa tainga?" nilingon niya si Eric pagkasabi nito niyon at nakita niya ang ngiting aliw na aliw na naman sa kaniya.

Siya na ang naunang nagtungo sa big bike nito. "Umuwi na tayo." muling yakag niya dito. Binalewala ang tanong nito.

Hindi pa rin naman nawawala ang ngiti sa mga labi ng binata. Iniabot nito ang helmet sa kaniya. Nagsuot na ito ng kaniya samantalang siya ay hindi mawala sa isipan niya ang ngiti nito habang isinusuot ang helmet. Hindi na niya hinintay pang tulungan siya nito sa pagsampa at siya na mismo ang sumampa sa likod nito.

Wala na siyang narinig na salita pa mula dito at agad na nitong pinasibad ang motor paalis sa lugar.

Tapos na. Hindi niya alam kung ano ang totoong nararamdaman niya ngayon. Magkahalong saya at lungkot. At nagi-guilty siya. Ayaw niyang i-entertain ang weird na pakiramdam niya para kay Eric. Ang iniisip niya ay ang para kay Enric. Iniisip niya rin ang kanilang mga magulang. Ano ang dapat niyang gawin?

Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi na niya namalayan na nasa harap na pala sila ng kanilang bahay. Ganoon lang ba kabilis? Bakit parang sandali lang silang naglakbay?

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now