Chapter 9

2.1K 40 0
                                    

What happened? Totoo ba ang mga sinabi ni Eric? Dapat ba siyang maniwala? Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ni Ligaya. Napahawak siya sa kaniyang puso. Kinapa niya sa kaniyang sarili kung galit ba siya sa lalaki o hindi.

She will never get mad at him. At kahit sa simula palang ay napaglaruan na siya ay hindi niya makapa sa puso niya ang galit. Oo, nakakatampo. Pero hindi niyon kayang higitan ang damdaming nabuo na sa puso niya para sa binata.

Dati pa. Ang boses pa lamang nito ang naririnig niya at hindi niya pa ito personal na nakakasama ngunit nagkapuwang na ito sa puso niya.

But that doesn't mean she will let it just pass. Kailangang patunayan sa kaniya ni Eric na totoo ang nararamdaman nito para sa kaniya.

"Ligaya..."

Napalingon siya dito. Nakatayo na pala ito sa may pintuan. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagsusumamo. The sincerity in his eyes was an evidence.

"Please. Pakinggan mo muna lahat ng sasabihin ko."

"Ano pa'ng mga sekreto ang hindi ko alam, Eric?" pilit niyang pinatitigas ang kaniyang boses kahit na ngali-ngali na niyang yakapin ito ng mahigpit.

"I tried...I tried to take the place again on the day of your wedding..." nanlaki ang mga mata niya sa narinig pero hindi siya nagsalita. "...I called Enric. Pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya ay kailangang ikaw daw mismo ang magdesisyon. That you have feelings for me too. Then he locked me in my room para hindi ko magawang itakas ka. Ang alam ng mga magulang ko ay hindi ako umuwi kaya akala nila ay hindi ako aattend sa kasal.

"Then I scaped. Paglabas ko ng bahay ay wala pati ang kotse ko. I cursed my brother for it. Alam kong siya ang may kagagawan ng lahat. Then, I called my friend and asked for his help to at least let me borrow his one unit of taxi. And luckily, may isang kakahatid lang malapit sa subdivision. That's why you saw me with the taxi. Kadarating ko lang n'on and I thought your wedding was done."

Lumapit ito sa kaniya. Itinaas nito ang kanang kamay at hinawakan ang kaniyang pisngi. He caressed it gently.

"I was very happy you chose to run." bago pa siya makapagsalita ay nailapat na nito ang labi nito sa kaniyang labi. It was gentle and sweet. Her first kiss. Para siyang magkakalagnat sa pakiramdam niya. Parang may kuryenteng nanulay sa katawan niya na nagpahina ng husto sa kaniya.

"Eric..." tanging nasabi niya matapos ang halik na iginawad nito sa kaniya,

"I love you, Ligaya. I am willing to take all the curses from our parents just to prove to you that I really love you. Alam ko hindi madaling paniwalaan ang sinasabi ko pero hayaan mo akong patunayan sayo iyon."

"You think ganoon lang kadali ang porblemang ito? Kasalanan ko ito sa una palang dahil pumayag pa ako sa ganitong set-up. Pero hindi na mababago pa ang tapos na. Eric, you love me, alright? But that doesn't change the fact that this was because of my decision. Lahat sila ako ang sisisihin sa kahihiyan ng mga pamilya natin. And I want it to do it alone. Ayaw kong idamay ka pa ulit."

"Sa ayaw at sa gusto mo, damay na ako sa sitwasyon mo dahil ako ang nagdala sayo dito. I'm selfish, alright? I took advantage of the situation and grab the opportunity to let this happen. Ginawa ko ito dahil ito rin ang gusto kong mangyari. Ang hindi matuloy ang kasal niyo ni Enric because I am in love with you."

"But this love is toxic."

Naguguluhan na siya. Ano ba dapat ang tamang gawin? He was in love with her. Pero siya? Ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya? Her feelings for him was not an ordinary feeling. It was dangerous that she can break all the rules just to be with him. Pero hindi niya gagawin iyon dahil alam niyang pareho lang silang masasaktan. Maging ang mga taong nasa paligid nila ay madadamay.

Runaway with me (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora