Chapter 13

2K 44 0
                                    

"Ligaya, I already book your flight. And I saw your post. Bakit? Tatakbo ka na naman? Iiwasan mo na naman?" litanya ni Ilaya sa kaniya. Hindi pa nga niya napupunasan ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha pero sinagot na niya agad ang tawag ng kaibigan. She's on her way now to the airport.

"Thanks, Ilaya." Iyon lang ang nasabi niya dahil napahikbi na naman siya.

"Ligaya? Hindi mo kailangang umalis." Mahinahon na ang pagkakasabi ni Ilaya.

Napabuntong-hininga siya. Tatakbo na naman siya. At para saan na naman ang pagtakbo niya? Para ano? Worth it ba ang pag-alis niya? Maitatama ba ng simpleng post lang ang lahat ng pagkakamali niya? Napa-preno siya bigla. Kasabay ng pagpreno niya ay ang malakas na impact ng pagbangga ng kotseng sumusunod sa kaniya. Biglang lahat ay nag-slomo. Hindi niya na alam ang nangyayari. Parang lumilipad ang isip niya at wala ng pumapasok sa isip niya. Then it all went black.

Hirap niyang naimulat ang kaniyang mga mata. Ang pakiramdam na hindi maigalaw ang katawan ang unang rumehistro sa kaniya. Ano'ng nangyari? Then she saw her hand with brace. Both her hands? What? Inilibot niya ang kaniyang paningin at napagtanto niya kung nasaan siya. She was in a hospital.

"Ligaya? Anak?" nagtatanong na tiningnan niya ang kaniyang mommy.

"Mom, w-what... H-happened?"

Nakita niya ang pagtulo ng luha ng mommy niya. Ang daddy niya ay tumawag na ng nurse para tingnan siya.

Her brothers just came in at kita ang magkahalong saya at lungkot sa mga mata ng mga ito.

Pilit niyang iginalaw ang mga kamay. Wala siyang maramdaman. Napaiyak nalang siya. Naalala niya ang nangyari. Kung gaano siya naging pabaya. Hindi sana nangyari iyon kung maayos ang pag-iisip niya nang araw na iyon. Pinunasan ng Kuya Juri niya ang kaniyang luha.

"You'll be okay. Walang may alam ng nangyari. Para hindi ka na pag-usapan. I already talked to your doctor and he said puwede kang bumiyahe for your therapy para mapabilis ang paggaling. Ilaya said your exhibit is next month." Ang kuya Juri niya. Medyo kumalma na siya.

"I'm sorry." Bigla niyang nasabi. Andami niyang na-realize. Hindi vocal ang kaniyang pamilya sa mga nararamdaman nila para sa kaniya. Ngayon, nakikita niya ang pag-aalala ng mga ito sa kaniya sa nangyari sa kamay niya. Now that it happens, she realize they appreciate her passion in painting. Nag-aalala sila na hindi na niya magamit pa ang mga kamay sa pagpipinta.

"Anak hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. It is an accident. Your cousin will take care of you." Naintindihan niya ang sinasabi ng kaniyang mommy. Her cousin was based in New York City. Magaling na therapist ang pinsan niyang si Aljean.

Right. Magpapagaling siya. Everything will be okay. Hindi siya dapat panghinaan ng loob dahil sa aksidenteng nangyari. Kung kailan handa na siyang harapin ang lahat ay tsaka naman siya naaksidente. Nahihiya tuloy siyang humarap ngayon kay Eric. She's broken.

"Does he know?" tanong niya na agad naintindihan ng kuya Juri niya at agad itong umiling.

"Wala silang alam maliban kay Ilaya na siyang kausap mo bago ka naaksidente." Anito.

It's better for him not to know what happened to her. Alam niya kasing hindi nito matitiis na puntahan siya. Kakalimutan na naman nito ang sarili nito. Hindi na niya hahayaan na magsakripisyo na naman ito para sa kaniya. Kung ang una niyang plano ay ang harapin ang mga taong nanghuhusga sa kaniya, ngayon ay itutuloy na niya ang naunang plano. Pero aalis siya ngayon hindi para tumakas kundi para lang gamutin ang pagkakabasag ng kaniyang damdamin.

Her hands are very important for her. Ito ang puhunan niya at gamit ang kaniyang mga kamay, naipapakita niya ang mga emosyon niya. Sa bawat painting na ini-exhibit niya ay may kaakibat iyong mga kwento. Lahat ng iyon ay may puso. Paano niya iyon gagawin kung ang mismong kamay niya ang napinsala sa aksidente?

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now