Chapter 14

2.2K 43 2
                                    

Gabi na nang makarating si Ligaya ng rest house nina Eric sa Tarlac. Muntik pa siyang maligaw dahil dinala na niya ang kaniyang sariling sasakyan. Pinauna na niya si Eric. Ayaw pumayag nito pero sa huli ay napapayag din niya.

Nakabukas ang gate ng bahay kaya naman ipinasok na niya ang kaniyang kotse. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Nakakapagtaka nang pati ang main door ay nakabukas. Bigla siyang kinabahan. Hindi naman siguro basta-basta iiwan ni Eric na bukas ang lahat ng pinto ng bahay lalo na ang pinaka-main.

Pilit tinapangan ni Ligaya ang sarili kahit na sobrang kabado na siya. Pumasok siya sa loob ng kabahayan. Madilim na dahil hindi pa naka-on ang mga ilaw. Nang pinindot niya ang switch ng ilaw ay nakita niya ang magulong sala. Nakabaliktad ang sofa na wala na sa mismong puwesto nito at basag ang center table. Wala na din 'yong TV set. What the!? Where's Eric? Agad niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang cellphone at idi-nial ang numero nito. Nakapatay ang cellphone nito. Mas dumoble tuloy ang kabog ng dibdib niya. No! He's probably somewhere inside the house at baka may hinahanap lang ito kaya magulo ang sala.

Tinungo niya ang kusina. Magulo din ito. Naiiyak na siya sa mga naiisip niyang nangyari.

Kasalanan niya kung may masamang nangyari kay Eric. Kung sana ay nagsabay na lamang silang nagtungo doon ay hindi...

Natigilan siya nang may marinig siyang kaluskos sa may bandang study room. Medyo hindi iyon abot ng ilaw sa may sala kaya naman kinailangan pa niyang i-on ang flash light ng kaniyang cellphone. "Nasaan ba ang switch ng ilaw dito?" reklamo pa niya habang naglalakad. Pinalis niya ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi bago nagpatuloy.

Nang nasa tapat na siya sa pinto ng study room ay bumalik na naman ang kabang pilit niyang nilalabanan. Napapikit siya ng mariin nang sa pagtulak niya ng pinto ay ang maliwanag na flash galing sa isang camera.

"Welcome back, Ligaya Mora." natatawang sambit ng boses na sobra sobra niyang na-miss. Ayaw niyang magmulat ng mata. Baka kasi nananaginip lang siya. Hindi biro ang kabang naramdaman niya tapos ganito? Ano? Naglolokohan lang sila? Hindi ito magandang biro.

"Lord please, kung totoo 'to bigyan mo po ako ng sign." naidalangin pa niya.

Wala siyang narinig na kahit anong ingay. Ngunit isang mainit at malambot na bagay ang kaniyang naramdaman sa kaniyang mga labi. It taste sweet at halos ayaw na sana niyang matapos pa ang sandaling iyon. Napamulat siya ng tuluyan ng lumayo ito.

"Eric..."

"I'm sorry I scared you." sincere na sabi nito. It was all in his eyes. Na-miss tuloy niyang titigan ang mga mata nito. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang kanina'y sobra-sobrang tahip ng kaniyang dibdib.

"You did it big time." napayakap siya ng mahigpit dito at hindi na muling napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha.

"I'm sorry." muling sambit nito na sinuklian ng mahigipit na yakap ang yakap niya. Her nose was filled with his smell. Nakakaadik talaga ang amoy nito kahit noong una palang niyang nakilala ito. Iyong tipong hahanap-hanapin mo kapag hindi na maabot ng ilong mo ang amoy nito.

"Kung ano ano na ang naisip ko dahil sa ginawa mo..." and she remembered something, kumalas siya dito at nanghuhusgang tiningnan niya ito. "What happened out there? Bakit ang gulo ng sala? May mga gamit pang nawawala." sumbat niya dito na animo may bata siyang kinagagalitan.

Napakamot ito ng ulo at mukhang hindi alam kung ano ang sasabihin. Pinandilatan niya tuloy ito ng mata at nameywang pa.

"Eric?"

Ngumiti ito ng matamis. "Actually that was a horrible trick." simula nito na ikinakunot ng noo niya.

"Trick? What trick?" Hindi niya mahulaan kung ano ang nais nitong iparating. Mukhang gi-nood time pa siya nito, ah.

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now