Chapter 2

3K 45 1
                                    

Matagal na hindi nakatulog si Ligaya nang dahil sa natuklasan tungkol sa kaniyang mapapangasawa. Is that really Enric she met? Pero ang ugali ni Enric na alam niya ay hindi niya nakita sa mga sandaling nakasama niya ito. 'Yon ang tinatawag na pagbabago.' Biglang sabat ng isip niya.

            Naipilig niya ang kaniyang ulo. Bakit ba big deal masyado ngayon sa kaniya na sa wakas ay tuluyan na niyang nakadaupang palad ang lalaking itinakdang maging asawa niya? Attracted ba siya sa lalaki? 'Why not? He's handsome and sexy.' Muling sabat ng isip niya. Natakpan niya tuloy ang kaniyang tainga. "Ugh! No! Hindi pwede. Once a playboy, always a playboy." Aniya sa sarili at nagtalukbong nalang ng comforter. Na hindi din naman nakatulong upang makatulog siya. Dahil nag-expect siya ng tawag mula sa lalaki na hindi naman nangyari.

            Disappointed siya pero hindi niya iyon inaamin sa sarili niya. Hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang kaguluhan ng isip.

            Late tuloy siyang nagising kinabukasan. Hindi pa nga sana siya magigising kung hindi lang nag-iingay ang kaniyang cellphone. At sino naman kayang herodes ang nang-iistorbo sa masarap pa sana niyang pagtulog?

            "Hello?" pupungas-pungas pang sambit niya nang hindi man lang siya nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag.

            "Pasensiya na sa pang-iistorbo sa pagtulog mo, Ligaya Mora pero kailangan nating magkita ngayon. Bumaba ka na sa kwarto mo at nandito na ako sa sala." Dere-deretsong sambit ni Ilaya sa kabilang linya. Tanging ito lang naman kasi ang tumatawag sa kaniyang buong pangalan maliban sa kaniyang mga magulang at kapatid.

            "Why don't you just come here?" tamad na sambit niya dahil inaantok pa talaga siya.

            "I'm in a hurry, Ligaya. Come on, don't make me wait. Nandito ang kuya Juri mo. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita ang pagmumukha ng seryoso mong kapatid." Anito. Nai-imagine na niya ang nagmamaktol na mukha ng kaibigan. At oo, inis na inis ito sa Kuya niyang si Jude Rikael o Juri, dahil hindi man lang daw ngumingiti ang kapatid niyang iyon. Mabuti pa daw ang bunsong si Will Ivan na napaka-approachable.

            Ngumiwi na lamang siya bago parang zombie'ng bumaba sa kama. Nagsuklay siya at inayos ng bahagya ang suot na damit bago tinungo ang banyo. "Fine, just give me a minute. I'll just wash my face. Nakakahiya naman sayo at baka kung ano pa ang masabi mo." She just rolled her eyes when she heard her friend said "okay" and end the call.

            Pagbaba niya ay nakita niyang magkaharap na si Ilaya at ang Kuya Juri niya. Kung nakakamatay lang ang masamang titig ay baka bulagta na ang kapatid niya sa titig ng kaibigan. Samantalang ang kapatid niya ay walang pakialam sa kaibigan. Seryoso lang itong may kung anong dinudutdot sa laptop nito. Ewan ba niya kung bakit sa sala pa ito nagta-trabaho at hindi sa silid nito.

            Tumikhim siya at agad na napatingin sa kaniya si Ilaya. Marahas itong tumayo. "Here. Iiwan ko sayo ang mga ito." Sabay abot sa kaniya ng mga hawak na envelope. Nagtataka man ay kinuha naman niya ang mga iyon.

            "Is this for what?" kunut-noong tanong niya.

            "Naglalambing ang Mommy. Samahan ko daw muna siya sa Singapore kahit one month lang daw. You know, Dad is always away dahil sa business. Ayon, nagda-drama si Mommy. So, ako naman dahil likas akong mapagmahal, iiwan muna kita sa Ilaya Arts at nang hindi na tumawag ng paulit-ulit si Mommy." Mahabang sambit nito na hindi naman nasagot ang tanong niya kaya naman binuksan na lamang niya ang isa.

            Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. "What the...Bakit mayroon ka na nito? Hindi pa ngayon ang kasal ko." Aniya. Sample invitations pala ang mga iyon na si Ilaya ang gumawa. Mamimili na lamang siya ng design kung ano ang babagay sa magiging theme nila. Doon magaling si Ilaya. Sa pagde-design ng mga invitations, brochures, etc. May negosyo din itong photo studio at isa rin itong event organizer kaya naman hindi niya masisisi ang Mommy nito na hihiramin na naman nito ang kaniyang kaibigan dahil hindi na nga nito talaga nakakasama si Ilaya. "Wala pa ngang usapang nagaganap." Muling sambit niya.

Runaway with me (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin