Chapter 4

2.4K 39 0
                                    

Sa bawat pagyaya ni Enric sa kaniya ay hindi niya tinatanggihan. Gusto niya kasing maging komportable dito kaya naman mas lalo niyang nakikilala ang binata. Taliwas pala ang ugali nito sa mga naririnig niya. Enric is a caring friend. He's sweet, gentleman and jolly. Kahit sino ay hindi mahihirapang mahalin ang isang tulad nito.

Naipilig niya ang kaniyang ulo. Wait! Is she falling for him? Well it's not that hard to, but something is guarding her. Her heart never fails to compare Enric to his twin brother Eric. Madalas din niya kasing kausap sa phone si Eric at madalas pa ay pagkatapos talaga ng show nito sa radyo.

Napapansin din niya ang madalas na pag-aasikaso ni Enric kay Rixie. Iba iyon sa treatment nito kay May at maging sa kaniya mismo. Normal na sweet si Enric at caring, pero mas naipapakita nito iyon kay Rixie. Is there something going on that she doesn't know?

So, what if kung meron nga? Anong gagawin niya kung ganoon? Ipapatigil niya ba ang preparasyon ng kanilang kasal? Is she going to ask Enric about it? What if mali naman siya ng akala at gumagawa lang siya ng rason para kumawala sa kasunduan? Sa dami ng tanong ay hindi na niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng kanilang gate.

She glanced at him and smiled. "Thank you again, Enric."

He smiled back. Kitang-kita ang maaliwalas na mukha nito at hindi napipilitan lang. "My pleasure, princess." nahiya naman siya sa endearment nito sa kaniya.

"I'm not a princess, Enric. But anyway, I need to go. Thanks again." isang malambing na ngiti ang pinakawalan niya at umamba ng bababa ng kotse ni Enric.

"I'm sorry, Joy." natigilan siya sa sinabi nito. Nilingon niya ito at kita niya ang paglungkot ng mukha nito. "Don't worry, it'll be okay soon." mas lalo siyang naguluhan ngunit parang hindi na gustong ipaliwanag pa ni Enric ang ibig nitong sabihin.

Hindi na lamang siya nagtanong at dumiretso na lamang siya sa paglabas ng sasakyan.

Nakapagbihis na siya't lahat ay nasa isipan pa rin niya ang mga huling sinabi ni Enric. Maaari kayang tama ang kaniyang hinala? Pero bakit ito pumayag sa arranged marriage? Hindi ba ito marunong tumanggi sa mga magulang? Bigla niyang naalala ang sinabi ni May nang una niyang makilala ang mga ito. College pa engaged si Enric? So Highschool pa siya noon. Ibig bang sabihin ay...?

Sa lalim ng iniisip ay nagulat tuloy siya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Si Eric. Heto na naman ang puso niya. Magkakasakit pa yata siya sa puso dahil kay Eric. Naging regular na itong caller niya pero hindi pa rin siya masanay-sanay. Dalawang araw nga lang itong hindi nakatawag pero aaminin niya na miss na niya ang boses nito.

"H-hello?" muling bumalik ang kabog ng dibdib niya kapag kausap niya ang binata.

"Why sound nervous? Wala pa naman akong sinasabi. Did Enric told you something bad about me?" nahimigan niya ang kaunting tampo sa boses nito.

Bigla naman siyang na-guilty. Bakit nga ba at sa tuwing kausap nalang niya ito ay kinakabahan siya? Hindi niya mawari kung takot ba o excitement ang kabang nararamdaman niya. "I'm sorry. Walang kinalaman si Enric dito. Hindi lang kasi ako komportableng..." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin. Tahimik lang din naman si Eric sa kabilang linya.

"So, you're not comfortable talking to me." he said, it is not a question but a statement. At kasunod niyon ay isang buntong-hininga. Masisisi niya ba ito kung tumigil na ito sa pagtawag sa kaniya pagkatapos ng tawag na ito?

"It's not what you think, Eric." bigla naman siyang nangamba.

"Really? I just want to hear your voice again just so I won't miss you badly." naguluhan naman siya sa sinabi nito.

"W-what do you mean?"

"I got addicted to your voice. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ko narinig ang boses mo kahit sandali lang. I know it's not right because you are my brother's fiancée but I can't stop it. That's why I didn't call you for days. But as you can hear me now, I can't take it because I missed your voice and I am now going crazy. Believe me I don't want this to happen. I am not ruining your relationship with my brother. I just want to hear your voice."

Runaway with me (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ