Chapter 7

2.2K 43 0
                                    

Paglabas ni Ligaya sa silid ay nakita niya ang isang nasa mid fifties na sigurong babae. Ngumiti ito sa kaniya nang makita siya. Lumapit naman siya dito at gumanti ng ngiti.

"Ah, si Eric ho?"

"Nasa kusina na, hija. Halika, nakahanda na ang tanghalian niyo." Magaang sambit nito sa kaniya. Hindi tuloy siya nakaramdam ng hiya dahil sa paraan ng pakikitungo nito sa kaniya.

Tumango siya at sumunod dito. Habang nakasunod dito ay inilibot din niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Pakiramdam talaga niya ay nasa Spain siya sa mga disenyo sa loob. Ang mga muebles ay mga Spanish Style. Nang makarating siya sa dining area ay hindi na siya nagtaka sa hitsura. Chinese ang mga Ongpico pero sa nakikita niya ngayon mukhang Spanish ang mga naunang ancestors nila.

Napadako ang tingin niya kay Eric na tumayo mula sa pagkakaupo. Agad naman silang iniwan ng sa tingin niya ay si Manang Lydia na binanggit nito kanina. Muli niyang tiningnan si Eric nang makaalis na ng tuluyan si Manang Lydia. Ngumiti ito sa kaniya.

"Let's eat."

"Siya si Manang Lydia?" imbes ay tanong niya.

Natawa naman ito sa kaniya bago tumango. "Sorry, I'll introduce you to her later. For now, kumain muna tayo dahil gutom na ako." iminuwestra nito sa kaniya ang kaharap na upuan. Hindi naman ganoon kahaba ang dining table pero dahil dalawa lang naman silang kakain ay akala mo nasa isang mansiyon sila sa laki nito.

Naupo na lamang siya at nagsandok na. Hindi na niya hinintay pang ipagsandok pa ni Eric. Umamba na kasi itong magsasandok kaya inunahan na lamang niya.

"Akala ko ang madadatnan ko dito ay mga Chinese Furnitures. Bakit Spanish?" hindi na niya napigilang tanungin. Nakakapagtaka lang kasi. Hindi naman sa ayaw niya sa Spanish Style na bahay, in fact ay gustong gusto nga niya pero hindi lang siya makapaniwala.

Eric laugh at her. Kumunot ang noo niya dahil doon. Ano ang nakakatawa sa tanong niya? She is just curious. Wala namang mali sa sinabi niya.

"You're laughing at me." may tampong saad niya. Nakaramdam lang siya ng kaunting inis dito.

"Hindi ko ba nasabing sa side ng Mommy ko? My mother's ancestors are Spanish. At ipinamana itong bahay na ito sa Lolo ko."

Now her jaw dropped. May iba pa nga palang lahi ito. Oo at Chinese ang Daddy nito but she doesn't know that his mother was a Spanish.

"I'm sorry it confuses you. My gandma is a Filipina. Kaya hindi ako sang-ayon sa fixed marriage dahil sila mismo ay hindi pumayag sa ganoong set-up. Then now, our parents wants us to marry the person we don't love. Isn't it unfair?"

Muli siyang napanganga. May hindi ba sinasabi ang kaniyang mga magulang sa kaniya? Bakit?

"So you are also promised to someone?" kuryosong tanong niya.

"I declined. Noong una ay wala akong pakialam kaya um-oo ako. But when my sister died because they also made her marry someone from the industry she...." hindi na nito itinuloy pa. Hindi na rin siya nag-usisa pa dahil alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng isang mahal sa buhay.

Natahimik siya. She knows what happened to their sister pero hindi niya alam na ganoon ang naging epekto nito kay Eric. Maybe, he's really that close to her sister kaya naman hindi na nito itinuloy pa ang ipinangakong kasal sa kaniya.

"Baby, eat. You have to." rinig niyang sambit ni Eric. Nakatitig na lang kasi siya sa pagkain.

Wait! Did she hear it right? He called her baby? Nag-init ang kaniyang pisngi sa realisasyon.

"Hindi mo na kailangang mag-diet. Your body is right in place." dugtong pa nito na mas lalong nakapagpapula ng kaniyang mukha. What is he doing?

"You called me baby?"

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now