Chapter 6

2.3K 39 0
                                    

"Ano'ng meron sa canvas na 'yan?" tanong ni Eric sa kaniya pagsakay niya sa taxi na ang kwento nito ay sa kaibigan nito na walang maipahiram sa kaniyang ibang sasakyan kundi ang isa sa mga unit nito ng taxi. She brought all her canvas including her unfinished masterpiece. Hindi niya ito puwedeng iwanan lang doon. Malay ba niya at kung saan man siya dalhin ni Eric ay magkaroon siya ng inspirasyon sa lugar na iyon.

"Enough with the questions and help me now. Ikaw ang nagprisintang tulungan ako, hindi ba?" peke niya itong nginitian. Nakita naman niya ang pagsuko nito. Akala niya talaga noon ay suplado ito. Unti-unti niya kasing nakilala ang totoong Eric sa gabi-gabi ba naman nilang pag-uusap sa telepono. Nalaman pa nga niya kung gaano ito ka-close sa namatay na kapatid na babae. Plus points iyon para sa kaniya na mapagmahal itong kapatid. Nakakalungkot lang isipin na maaga itong nawala. Alam na niyang may mga charity din itong tinutulungan dahil nabanggit din ni Enric noon sa kaniya na kasama nito ang kapatid sa ibang event nilang magkakaibigan. Minsan ay direktang ito na ang nagbibigay ng fund sa mga foundation imbes na maghanap ng mga magdo-donate.

Though naroon pa rin intimidating aura nito ay medyo nasasanay na rin siya. Hindi nga lang ang puso niya dahil ganoon pa rin ang reaksyon nito lalo na kapag seryoso na itong nagsalita. When will her heart get used to it?

"Alright, my lady. Matulog ka na muna at medyo malayo ang lalakbayin natin. Mabuti nalang at bago itong ipinahiram sa akin na taxi ni Raven." anito. Tinulungan naman siya nitong iayos sa may likuran ng sasakyan ang kaniyang mga canvas at ang iba pang gamit. Hindi na siya nagsalita at ipinuwesto na lamang ang sarili para komportableng makatulog. Pero kung ang katabi niyang si Eric ay naaamoy niya kung gaano kabango, makakatulog ba siya? Ah, basta pipilitin niya.

Naramdaman na niya ang pag-alis ng sasakyan. Somehow, when she realized that Eric was the one who'd be her knight for the moment, she was relieved. Paano kung mag-isa niya lang kinakaharap ngayon ang kaniyang problema? And speaking of problem, pakiramdam niya ay wala siyang problema. Hindi niya alam kung dahil ba kay Eric o dahil hindi naman talaga dapat problemahin ang ginawa niya pero kung iintindihin, malaking eskandalo ang ginawa niyang pagtakas.

Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malalaman ng mga ito na ang kasama niyang tumakas ay ang kakambal pa mismo ni Enric? How can they understand it? Kahit siya ay hindi niya maintindihan. Hindi naman niya plinano ang sumama kay Eric but his offer of help is tempting. Ngayon niya lang sinunod ang kagustuhan ng puso niya. At first yes, she had a second thought because it was Eric, for Pete's sake ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagdadalawang isip sa mga nakalipas na araw. And then here it is, ito na ang nag-offer ng tulong. Iisipin talaga ng mga tao na malandi siya. Masakit sa pandinig pero alam niyang ganoon nga ang iispin nila dahil sa ginawa niya. But she can't find another options to solve that humiliating sacrifice she did. At hindi iisipin ng tao na nagsakripisyo siya. Mas paniniwalaan ng mga ito ang kahihiyan ng pamilya niya. Na isa siyang flirt.

Sa dami ng pumapasok na topic sa isip niya ay nakatulog din siya. Nagising lamang siya nang may malamig na bagay na dumampi sa kaniyang pisngi. OA sana ang gagawin niyang reaksyon, mabuti nalang at iminulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niya ang in can na soft drinks, hawak ni Eric na siguro'y para magising siya ay idinampi nalang sa kaniyang pisngi. She saw the two most beautiful eyes in her entire life. Maybe because she's just woke up kaya iyon ang tingin niya kay Eric.

"Ayos ka manggising, ah. Paano kung nagsisigaw ako dito dahil sa gulat sa ginawa mo?" kunwang galit na sambit niya bago kinuha ang soft drinks at binuksan iyon. Iniwas niya agad ang tingin dito dahil sa klase ng titig nito sa kaniya.

Natawa naman sa kaniya ang binata. Bakit kahit simpleng tawa lang nito ay bumibilis na ang pintig ng puso niya? Kaninang pagmulat ng mata niya, parang nag-slomo ang paligid niya dahil sa magandang mukhang nabungaran niya. "One hour pa bago tayo makarating sa rest house nina Lolo. Doon na tayo kumain kaya cookies nalang muna ang kainin mo." anito at iminuwestra ang isang box ng cookies sa may dash board. Binili kaya niya ito o talagang may dala itong cookies?

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now