Chapter 10

2.2K 42 0
                                    

"I thought we're going home?" Nagtataka ngunit nakangiting tanong ni Eric sa kaniya nang hapon. Naabutan siya nitong umiinom ng tsaa sa may komedor.

Gumanti siya ng ngiti dito. "Naisip ko lang, sayang talaga ang lugar kung hindi din masusulit. Magpapasaway ulit ako kahit ilang araw pa, lets say a week more or two? Ilaya will understand. Sabi pa nga niya kahit matagal basta madami akong ie-exhibit."

Lumapit ito sa kaniya saka siya niyakap. "I'd love to stay here with you. Kahit matagal. Pero ikaw ang masusunod kung hanggang kailan mo gusto."

"Gusto ko lang muna bumawi sa tulong na ibinigay mo sa akin."

"Hindi ako kailanman humingi ng kapalit, Ligaya. Sapat ng makita kitang masaya at payapa na ang kalooban." natawa siya sa sinabi nito. Kahit naman pakiramdam niya ay ayos na ang lahat ay alam niya sa sarili niya na hindi pa rin totoong ayos dahil hindi pa rin niya hinaharap ang kanilang mga magulang.

"Si Ilaya palang ang nakakausap ko at nakakaintindi sa akin. Hindi pa payapa ang kalooban ko, aaminin ko sayo. But at least, may isang naniniwala sa akin."

Kumalas ito sa kaniya mula sa pagkakayakap ngunit hindi ito lumayo sa kaniya. Tinitigan siya nito. "So, ano ang gagawin natin ngayong araw?" anito sa masiglang tinig. Nakikita niya ang sincerity nito na gusto siya nitong maging masaya kahit paano na kasama nito.

"Gusto kong pumunta sa Monasterio." aniya. She wants to pray. To thank Him. Sa bigat ng nagawa niyang kasalanan sa kaniyang mga magulang ay heto ang isang lalaking handang dumamay sa kaniya ng hindi iniisip ang sarili kundi ang matulungan lang siya.

Matamis na ngumiti ang binata. "We'll do that tomorrow. For now, ipagluluto muna kita. What do you want for dinner?" Masayang sambit nito at hinagkan siya nito sa pisngi bago tuluyang kumalas sa kaniya. Lihim siyang napangiti. How she wish ay ganito pa rin sila pag-uwi nila ng Manila. That everything will be fine. Katulad ng sinabi ni Eric.

Taimtim na nanalangin si Ligaya sa Panginoon. Tahimik niyang hiniling sa Diyos na sana ay maging maayos na ang lahat. Na sana ay mapatawad siya ng kaniyang mga magulang at ng mga magulang nina Enric at Eric. Ang huling hiniling niya ay sana hanggang sa huli ay nariyan si Eric sa tabi niya.

Hindi naman masamang umasa. Ramdam naman niya ang pagmamahal ni Eric sa kaniya ngunit hindi pa rin niya pwedeng pangunahan ang mga mangyayari sa hinaharap. She'll just enjoy being with him and treasure every moment.

"Let's go. Tapos ka na?" aniya nang matapos siya. Tumayo na siya.

Tumayo na din ito. "Tara." inakbayan siya nito. Hindi pa sila. Oo at sinabi nilang mahal nila ang isa't-isa pero walang opisyal na relasyon.

Habang palabas ng simbahan ay hindi niya napigilang magtanong dito. "Ano'ng ipinagdasal mo?"

"Na sana pumayag kang magpakasal sa akin." walang gatol na sagot nito.

Napatigil siya sa paglalakad. Nasa may pintuan na sila ng simbahan. "What?!"

Napangiti ito sa reaksyon niya. "Masama ba ang humiling?"

Napalunok siya ng kaniyang laway. Kakasabi lang niyang wala pa silang opisyal na relasyon ay kasal na agad ang nasa isip nito? "H-hindi naman p-pero. Eric we don't have any label yet. You know our situation."

Niyakap siya nito. Napatingin pa siya sa paligid. Napapatingin na sa kanila ang mga taong nagdadaan. 'Tapos ay nasa gitna pa sila ng pinto. "I know. But I can say to the world now that you are my girlfriend." Heto na naman ang puso niyang nao-overwhelm sa mga salita nito.

Niyakap na lamang niya ito ng mahigpit. Hindi na inalintana ang mga taong nakatingin sa kanila. "One day. Masasabi ko rin at hindi ako matatakot sa sasabihin ng tao na ikaw ang mahal ko. Now, I know you understand my situation and I'm thankful for that."

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now