Chapter 11

2K 40 0
                                    

Isang malutong na sampal sa pisngi ni Ligaya ang kaniyang natanggap pagtapak palang niya ng paa sa pinto ng kanilang bahay. Hahalik pa sana siya sa kaniyang ina ngunit iyon agad ang salubong nito sa kaniya. Mahigpit siyang hinawakan ni Eric. Sumama ito sa kaniya kahit na pilit niyang sinabi dito na siya na lang muna ang haharap sa kaniyang mga magulang. Naroon din ang kaniyang mga kapatid na halatang naaawa sa kaniya. So, siya lang ba ang walang alam? Hindi ba dapat ay siya ang magalit? Wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid. Ginawa siyang tanga ng sarili niyang pamilya.

"You're a disgrace to this family, Ligaya." Halos maluha-luhang sambit ng kaniyang Mommy. Pinipigilan lang ito ng kaniyang Daddy na alam niyang nagpipigil lang din.

"Hindi namin alam na ganito ka lumaki. All your life, you've been doing what you want. Kinukunsinte ka ng Lolo mo pero ang hiling niyang ito ay hindi mo napagbigyan. Bakit?"

Hindi na siya nakapagpigil. "Hiling ng Lolo? Hindi kailanman humiling ang lolo sa akin. Wala akong alam sa kung ano'ng mayroon sa pamilyang ito at nang pamilya ng Ongpico. Tanging ang pagsuporta sa pangarap ko ang ginawa ni Lolo na dapat ay sa inyo kop o naramdaman. Hindi ba at dapat ay kayo ang nagsabi sa akin ng totoong dahilan kung bakit niyo ako gustong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto?!" Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng mga ito. Tila gulat na gulat ang mga ito sa sainabi niya. So, akala nila alam niya? What on earth is happening?

"H-hindi sinabi ng lolo mo?" Manghang tanong ng Daddy niya. Nagkatinginan ang mga ito.

"Then his last will...?" ang realisasyon ng kaniyang Mommy.

"Hindi ko kayo maintindihan. Bakit hindi ko alam ang nasa last will ni Lolo? Bakit hindi ako kasama nang basahin ang last will niya? Hindi po ba ako parte ng pamilya? Hindi niyo po ba ako tunay na anak?" Gulong-gulong sambit niya dahil wala na siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito.

Biglang umalis ang kaniyang daddy at iniwan sila. Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi naman gumalaw kung saan naroon ang kaniyang mga kapatid maging ang mommy nila. Lahat ay tahimik imbes na sagutin ang mga tanong niya. Hinahagod lang naman ni Eric ang likod niya.

Mayamaya ay dumating ang Daddy niyang may bitbit ng nakatuping papel. Tahimik nitong iniabot sa kaniya ang papel. Nagtataka man ay inabot niya ito at binuklat. It was written by her Lolo and it's for her parents.

Immanuel, Ivanna,

I know you're against to fixed marriage. But I ask you this time, for the last time to please make sure that our family would be friends to the Ongpico's. Gusto ko na maayos ang gusot ng dalawang pamilya. Kami ang dahilan nito kaya kami din ang mag-aayos nito. Pero kung umabot man sa ganitong sitwasyon, na ako'y wala na sa mundo, gusto kong hilingin sa inyong mag-asawa na sana ay hindi na umabot sa susunod pang henerasyon ang hidwaan ng dalawang pamilya. Matagal na panahon na ang nangyari at alam kong nadadamay lamang kayo sa problema, but I want this to end. Wala ng dapat pang madamay. Lalo na ang apo kong si Ligaya. Alam ninyong dalawa kung gaano siya kaespesyal. Siya ang kauna-unahan kong apong babae at ayaw kong mangyari sa kaniya ang nangyari kay Adela. Ayaw kong iwan siya ng lalaking mahal niya at masaktan ng labis. She's a precious to this family and I can't bear seeing her miserable because of a man. Make a move. Do something to end the war of the two families.

I love you both. I know you'll do the right thing for your daughter.

___

Papa

Napaluha siya. Hindi sinabi ng lolo niya na ipakasal siya sa isang Ongpico. Mga magulang niya ang mali ang pagkakaintindi. Inakala nilang gusto ng lolo niyang gumawa ng arranged marriage para matapos na ang away ng dalawang pamilya.

Runaway with me (COMPLETED)Where stories live. Discover now